GUMUHO ang bahagi ng makasaysayang tulay sa Paris bunsod ng bigat ng libo-libong padlocks na ikinabit ng mga magkasintahan bilang simbolo ng kanilang pagmamahalan.
Ang Pont des Arts ay inilipat makaraang bumigay ang bahagi ng railings bunsod ng bigat ng ‘love locks’ na nakakabit sa lining ng 150 meter bridge.
Naniniwala ang mga arkitekto na ang iba pang bahagi ng iron and wood structure ay posibleng mawasak at mahulog sa River Seine kung hindi tatanggalin ang mga kandato.
Ikinakabit ng mga magkasintahan ang padlocks sa Pont des Arts mula pa noong 2008, at sa kasalukuhan ay natatakpan na ang buong railings ng pedestrian crossing sa pagitan ng Louvre museum at Left Bank.
Daan-daang kandado ang tinatanggal ng city workmen kada linggo ngunit agad din itong napapalitan ng marami pang mga kandado.
Dalawang kabataang Amerikano ang nangongolekta ng mga lagda para sa petisyon na naglalayong alisin ang lahat ng mga kandado sa Paris bridges dahil hindi mainam pagmasdan ang mga ito.
Ang love locks ay pinaniniwalaang nagsimula sa Serbian town ng Vrnjacka Banja noong early 20th century at kumalat sa iba’t ibang lungsod sa buong mundo. (ORANGE QUIRKY NEWS)