MARAMING tawag sa pidan ng Tsina: preserved egg, hundred-year egg, century egg, thousand-year egg, thousand-year-old egg, at millennium egg.
Nakuha n’yo ba ang ideya—ang mga itlog na ito ay parang daan-daan taon nang tininggal at ipriniserba para kainin. Sa kabila na ang para bang nakadidiring kulay berdeng gitna nito at transparent na itlog na kulay kalawang ay maraming napapahilig kainin. Para sa mga Intsik, ito ay pangkaraniwang delicacypara sa kanila.
Subalit ngayon, maging ang mga Chinese consumer ay may dahilan para umiwas sa sinasabing mga “1,000-year-old” egg.
Ipinasara ang 30 preserved egg companies dahil sa paggamit ng industrial copper sulphate, isang nakalalasong kemikal, para mapabilis ang egg-festering process.
Ulat ng South China Morning Post:
Kadalasang naglalaman ang industrial copper sulphate ng matataas na lebel ng mga nakalalasong heavy metal, kabilang ang arsenic, lead at cadmium, kaya ipinagbabawal na gamitin bilang food additive.
Ang mga itlog ay madalas na ipini-preserve gamit ang baking soda, asin, at quicklime sa loob ng dalawang buwan. Sa proseso, nagiging dark green ang mga gitna ng itlog habang ang itlog naman ay nagiging dark jelly. Sa paggamit ng copper sulphate, maaaring mabawasan ang panahon ng pagpoproseso habang nakakamit ang kaparehong epekto.
Sa ngayon, ang napasarang mga kompanya—na ang isa ay nakapagpo-produce ng 300,000 tonelada ng mga ‘century egg’ kada taon—ay nasa ‘pansamantalang pamamahinga’ habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. Ayon sa isang opisyal, halos lahat ng mga preserved egg company ay gumagamit ng nabanggit na kemikal, at ikinokonsidera niyang hindi ‘big deal’ ang isyu. “Wala namang magiging problema kung hindi ka kakain ng marami nito,” pahayag niya sa South China Morning Post.
Samantala, sa ulat ng Quartz, mag-ingat sa pagkain ng pinaghihinalaang pork knuckles at chicken legs dahil may ilan na ibinebenta nang mahigit isang taon makalipas ng kanilang expiration date at hinugasan lang sa sabon para mapagtakpan ang masamang amoy.
Kinalap ni Tracy Cabrera