SA kauna-unahang pagkakataon, lahat ng 4,000 piraso ng pinakamalaking treasure trove, o kayamanan sa mundo—ang Staffordshire Hoard—ay pinagsama-sama ang sikreto para pag-aralan ng mga eksperto.
Natagpuan ang Anglo-Saxon metalwork at ginto ng isang lokal na residente gamit ang isang metal detector sa isang lambak, may limang taon na ang nakalipas.
Hinati ito para itabi sa dalawang museo sa Birmingham at Stoke-on-Trent at sa pagkakasamang muli, marahil ay ito na ang huling pagkakataong mangyayari ito.
Wika ni Deb Klemperer, curator sa Potteries Museum & Art Gallery: “Pinakita sa atin ng siyensya sa nakalipas na dalawang taon kung gaano ka-exciting ang worksmanship nito para sa mundo, na kung saan ang ginto ay hinaluan ng tanso para lalong tumibay.”
Ayon kay Ms Klemperer, ang inirikadong mga disenyo at debuho ay para lang sa mga pinakamakapangyarihang mga tao sa lipunang Ingles noong ika-pitong siglo.
Ang pagkakadiskubre ng sinaunang kayamanan ay nagbigay kay Terry Herbert ng katanyagan at salapi na rin. Hinati ni Herbert ang finder’s fee na £3.28 milyon sa may-ari ng lambak na si Fred Johnson.
Naniniwala ang mga eksperto na isang tulang Anglo-Saxon ang susi sa pag-alam sa katotohanan ng Staffordshire Hoard.
“Oral history ang Beowulf para sa maraming henerasyon, alamat ng isang dragon, at kayamanan, mga dakilang hari, at sa wakas ay isinulat ito noong ika-10 o ika-11 siglo subalit ang paniniwala ng mga tao ay isa lang alamat ito at marahil ay eksahirasyon.”
Kinalap ni Tracy Cabrera