Monday , December 23 2024

Online Libel aprubado ng Korte Suprema

021914_FRONT
IDINEKLARA ng Supreme Court (SC) na “constitutional” o naaayon sa Konstitusyon ang kontrobersyal na online libel provision sa Cybercrime Law o Republic Act 101-75 o Cybercrime Prevention Act of 2012.

Ngunit sa inilabas na resolusyon ng SC en banc, binigyang-diin ni SC Spokesman Atty. Theodore Te, na ang online libel ay para lamang sa orihinal na author o nag-post ng mapanirang artikulo.

Ngunit “unconstitutional” o hindi dapat kasuhan ang “nag-like,” o ang nag-post ng komento sa orihinal na post o artikulo.

Idineklara ng Korte Suprema na unconstitutional o labag sa Saligang Batas ang mga sumusunod:

Ang Section 4-c-3 na nagpapataw ng parusa sa unsolicited commercial communications; Section 12 na nagbibigay ng kapangyarihan sa mga awtoridad na kumolekta o mag-record ng traffic data in real time; Section 19 na nagbibigay ng kapangyarihan sa DoJ na maghigpit o mag-block ng access sa computer data na natuklasang lumalabag sa probisyon ng Cybercrime Law.

Habang idineklarang constitutional ang bahagi ng Section 5 na nagpaparusa sa mga tumutulong at nagtatangkang makagawa ng paglabag sa Cybercrime Law, partikular na ang may kinalaman sa illegal access, illegal interception, data interference, system interference, misuse of devices, cyber squatting, computer-related fraud, computer-related identity theft at cybersex, ngunit “unconstitutional” ang bahagi ng probisyon na may kinalaman sa child pornography, unsolicited commercial communications at online libel.

Ang desisyon ng Korte Suprema hinggil sa Cybercrime Law ay isinulat ni Associate Justice Roberto Abad.

Kabilang sa mga naging petisyoner na tutol sa pagpasa ng naturang batas ay ang National Press Club, National Union Journalist of the Philippines (NUJP), Bayan Muna at iba pa.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *