MATAPOS kanselahin ng Hong Kong government ang visa-free entry para sa Filipino diplomatic and official passport holders, muli na naman umepal ‘este’ nag-ingay si ousted president, Yorme Erap kaugnay ng pag-ako niya sa paghingi ng paumanhin sa naganap na hostage-taking noong 2010 na ikinamatay ng mga turistang Chinese.
Heto na naman ang epal ni Erap … hihingin daw ng city government ang tulong ng Chinese Ambassador para mapahinuhod ang Hong Kong government sa hinihinging apology mula kay Pangulong Benigno Aquino III kaugnay ng hostage-taking incident.
Ayon kay Erap, inaasahan daw niya na darating ang Ambassador ng China sa pagdiriwang ng Chinese New Year sa Binondo.
Inulit din ni Erap na pwede naman Mayor ang humingi ng paumanhin kasi nga raw ‘e pananagutan iyon ng city government.
‘E ang kulit-kulit naman!
Paano ngang ihihingi ng paumanhin ang gobyerno ni PNoy, e kagaguhan ng isang nabuwang na pulis ‘yan?
Bakit pilit na umeeksena sa national scene si Erap?! Unconscious ba siya na hindi na siya presidente ng Philippines?!
Sa local ka na lang muna Erap.
Pwede bang ang pagbuhusan mo ng atensiyon ay ‘yung BASURA at KOTONGAN na grabe na ang pinsala sa mga Manileño?!
Baka nalimutan mo na kaya nagdesisyon ang Hong Kong na tanggalin ang visa-free access ng Filipino diplomats and government officials ‘e dahil sa kakulitan mo?!
Kung hindi ka umepal at kinontes si PNoy ‘e di sana tahimik na ang isyung ‘yan.
‘E kagaling mong umepal!
Anyway, sabi ng mga urot sa coffee shops, mabuti na rin naman ‘yan sa isang banda dahil wala naman ginawa ang ating gov’t officials sa Hong Kong kundi mag-lamiyerda at mag-SHOPPING.
Sabi nga ng mga kakilala nating Hong Kong nationals kapag nakakita raw sila ng mga Pinoy na malakas mamili roon ng signature apparel ‘e ALAM na nila … alam na nilang politiko o gov’t official ng Pinas.
O ayan ha, branded na branded na pala kayo do’n sa Hong Kong.
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com