Friday , December 19 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Paano malalaman kung Peke o Totoo ang Orgasm ng Babae?

00 try me francine prieto

Hi Miss Francine,

Alin po ba ang mas nasasarapan ang babae: sa cunnilingus, finger, o sa sabay? Pwede po ba ituro ninyo sa amin ang tamang ‘pagkain’ at pag-finger? At paano po ba malalaman kung tunay ang orgasm ng babae or fake? Maraming salamat po for your time.

CARL

 

Dear Carl,

Tamang-tama ang katanungan mo dahil nasa isang event ako na puro lalaki ang kasama ko at bukod sa research ay tinanong ko rin sila paano nga ba malalaman kung totoo o peke ang “orgasm” ng babae?

Kapag umuungol daw, peke pa ‘yun pero ‘pag nakita mong kumukulot na ang mga daliri niya sa paa at nanga-ngatog na siya ibig sabihin no’n nilalabasan na siya o nag-orgasm na siya.

Kapag nakaramdam ka ng wild “contractions” habang nasa loob ka, at nakikita mong namumula ang mukha at leeg niya, tumitigas ang utong niya, ibig sabihin no’n siya ay nag-o-orgasm o nilalabasan.

Pero pag ang gf mo ay nakakatayo pa, nakikipag-kwentohan pa sa ‘yo pagkatapos ninyo magtalik ay hindi ‘yun nilabasan.

Bakit namin pinepeke ang orgasm namin? Dahil ayaw namin masagasaan ang ego ninyo, gusto namin ma-satisfied kayo kahit pagod na kami, kahit wala sa mood o galit kami sa inyo pagbibigyan pa rin namin kayo dahil sa pagmamahal.

Doon naman sa isang tanong mo, daliri, dila at kahit sabay ay gusto namin ‘yan. Kelangan lang ay marunong kang gumamit.

Kung gagamitin mo dila mo, ang cunnilingus ay para kang kumakain ng ice cream. Tamang pressure ang dapat ginagawa ng dila mo para hindi malaglag ang ice cream sa apa, iba’t ibang anggulo na minsan sa sobrang sarap ay nasusupsop mo pa.

Kung pagod na ang dila pwedeng gamitin ang daliri siguraduhin mong malinis at putol ang kuko para hindi masaktan si GF.

Ang pakikipagtalik sa taong mahal mo ay “give and take” ‘yan at siyempre importante ang komunikasyon. Kung nahihiya siyang magsalita habang nagtatalik kayo para sabihin ang mga gusto niyang ginagawa mo ibig sabihin ay hindi pa siya gano’n kakomportable sa ‘yo. Kaya dapat, kapag lumalabas kayo mas kausapin mo siya para lalo siyang magtiwala sa ‘yo at mawala na ang hiya niya kapag kayo ay magtatalik.

 

Love,

Francine

***

 

Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang magbasa ng inyong pinagdaraanan at sasagutin ko base sa aking sariling opinyon at paniniwala. Nasa sa inyo pa rin kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang.

You can email me [email protected] or text me 0939-9596777

 

 

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM MoA Adidas FIFA

SM Mall of Asia Binuksan ang Kauna-unahang adidas Football Park sa Southeast Asia

PUMASOK ang SM Supermalls sa bagong yugto ng world-class sports destinations sa paglulunsad ng kauna-unahang …

Araneta City

Christmas Happenings in Araneta City (Dec. 18 to 24, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

BingoPlus G2E Asia PH FEAT

BingoPlus furthers Responsible Gaming and Corporate Social Responsibility Campaign at G2E Asia PH

Erick Su, Head of ArenaPlus under DigiPlus Interactive Corp. at the G2E Asia PH 2025. …

BingoPlus SexBomb Girls FEAT

Get, get fun! BingoPlus celebrates SexBomb Girls’ reunion with mall show and studio visit

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, amped up the excitement with a fun-filled mall …

Tagaytay Midlands Golf Club President’s Cup BingoPlus FEAT

Tagaytay Midlands Golf Club hosts the Annual President’s Cup presented by BingoPlus

BingoPlus, the country’s leading digital entertainment platform, sponsored the annual President’s Cup, which celebrated the …