Monday , December 23 2024

Balikbayan agrabyado sa trafik

122313_FRONT
Sa kabila ng malaking ambag ng overseas Filipino workers (OFWs) sa ekonomiya ng bansa, “hindi makatarungang buhol-buhol na trapik ang isasalubong natin sa mga umuuwing manggagawang Pinoy mula sa ibang bansa,” ayon sa mga kasapi ng The RED Advocates, isang kilusang nagsusulong ng respeto at disiplina sa mga lansangan ng bansa.

Hinikayat ni RED Advocates President Brian Galagnara, sa isang pahayag, ang mga Filipino na “huwag balewalain ang matinding epekto ng trapik sa Kalakhang Maynila at iba pang bahagi ng bansa.”

“Ipinapakita ng mga pag-aaral na umaabot na sa P140 bilyon ang nawawala sa bansa taon-taon dahil sa trapik. Napakalaking halagang naipanustos na sana sa kabuhayan at iba pang pagkakakitaan. Wala na sanang pamilyang maiiwan, wala na sanang Filipinong inaalipin sa ibang bayan,” pahayag niya.

“Ngunit dahil patuloy tayong bigong ibsan ang problemang ito, kahit noon pa sana ay simulan na nating gawin mas kaaya-aya ang ating mga lansangan para sa umuuwing OFWs.”

Sa pag-aaral na isinagawa ng Japan International Cooperation Agency (JICA) and the University of the Philippines National Center for Transportation Studies (UP NCTS), ang natuklasang pangunahing epekto nito ay ang nasasayang na gasolina, nawawalang oras ng trabaho, pasahod sa mga traffic aides, at koryenteng nawawaldas. Malaki rin ang implikasyon nito sa pag-atras ng pamumuhunan, nawawalang pagkakataon sa negosyo at pagbansot ng capital inflow.

“Kung susumahin ang mga epektong ito sa loob ng maraming taon, makikitang may malaking kinalaman ito sa pangingibang-bansa ng ating manggagawa. Sa gitna ng ambag ng ating OFWs sa ekonomiya ng bansa, hindi matatapatan ng halaga ang social impact ng pagkakawalay sa kanilang pamilya. Hindi na dapat ipinapasuong pa sa kanila ang trapik tuwing Pasko. Ito ba ang isusukli natin sa kanilang pagpupunyagi?” diin ni Galagnara.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), umabot sa US$23.8 bilyong dolyar ang OFW remittances noong 2012 – ang pinakamataas sa kasaysayan ng pananalapi sa bansa. Ito ay 6.5% ng gross national income at 8.5% ng gross domestic product for para sa taong 2012.

Libo-libo na naman ang uuwi ngayon Pasko at inaasahan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na dadagsain na naman ang Ninoy Aquino International Airport, Mactan Cebu International Airport, at ang Clark International Airport sa Pampanga.

Ganito rin ang inaasahang bilang ng umuuwing OFWs sa mga paliparan sa Davao, Kalibo, Laoag, Puerto Princesa, Busuanga, General Santos, Zamboanga, Cagayan de Oro, Iloilo, Tacloban at sa Tagbilaran. Ito rin ang mararanasang problema sa mga daungan ng Batangas, Calapan, Cebu, Ozamiz, Zamboanga, Caticlan at Tagbilaran.

“Para tugunan ito, kailangan natin ang patas at tapat na pagpapatupad ng batas trapiko kasama ang isang mahusay na planong pampangasiwaan at sapat na pagsasanay para sa ating mga traffic enforcer. Ito ang susi sa pagkakaroon ng respeto at disiplina sa lansangan,” pagwawakas niya.

(HATAW News Team)

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *