Sunday , December 22 2024

Estudyante ibalik sa agri schools —Mapecon

HINIKAYAT ng noted Filipino inventor at agriculturist ang mga awtoridad sa pamahalaan na ibalik ang mga estudyatne sa agricultural schools upang sumagana ang produksyon sa pagkain sa bansa.

Sinabi ni Gonzalo Catan, Jr., ang kasalukuyang produksyon sa pagkain ay mababa bunsod ng kawalan ng interes ng prospective farm hands na magtrabaho sa bukid dahil sa mababang kita sa pagsasaka bunsod ng mataas na halaga ng abuno na halos umuubos sa kita ng mga magsasaka. Bilang resulta, daang libong matabang lupa ang hindi natatamnan.

Ayon sa record ng Commission on Higher Education (CHED), mayroon lamang halos 69,000 estudyante na naka-enrol sa agriculture at iba pang kaugnay na mga kurso, na dapat pagtuunan ng pamahalaan.

Gayunman, umaasa si Catan, na ang suliranin ay magbabago bunsod ng nalathalang mga ulat na tiniyak ng gobyerno sa mga magsasaka ang mas mainam na presyo ng kanilang produkto, partikular na ang palay. Ang isa pang positibong development ay ang kampanya ng mga awtoridad ng pamahalan kaugnay sa paggamit ng locally-produced organic fertilizer kapalit ng chemical-based fertilizer na nagdudulot ng pagiging acidic ng lupa, na pumipigil sa paglaki ng mga pananim.

Bunsod ng patented at award-wining green charcoal technology nito, ang Mapecon ay nakapagpoprodyus ng malaking volume organic fertilizer na ngayon ay malawakang ginagamit ng mga magsasaka sa buong bansa. Ang teknolohiya ay gumagamit ng Toyota 4K engine na-converted para tumakbo sa 100 porsyentong bio-fuel.

Sa nasabing teknolohiya, ang farm and household waste at lake mud mula sa Laguna Lake at Pasig river ay ginagawang Vermicast organic fertilizer. Ang bio-waste at lake mud ay hinahaluan ng proper mix ng enzyme at micro organism para makapagprodyus ng fertilizer. Ayon kay Catan, 65-70 porsyento ng Pasig River at Laguna Lake, na may eryang umaabot sa 92,000 ektarya, ay mayroong 2.5 meters ng putik.

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *