Sunday , December 22 2024

NFA mangmang sa importasyon (Rice importer umalma)

102913_FRONT
MULI  na namang nakastigo ang National Food Authority (NFA) sa ilalim ng Department of Agriculture (DA) ngayong Lunes dahil sa hindi makatrarungang pagpigil sa mga shipment ng bigas na inangkat ng Silent Realty Marketing at ng Starcraft International at maling pagpaparatang na sangkot sa operasyon ng rice smuggling sa Davao.

Dahil dito, pinayuhan ng abogado ng Silent Realty Marketing at ng Stracraft International na si Atty. Benito Salazar ang mga opisyal ng NFA lalo na ang administrador na si Orlan Calayag na “pag-aralan nang husto ang batas at mga alituntunin kaugnay sa importasyon ng bigas” dahil base sa mga sulat ng nasabing ahensya  sa kanyang mga kliyente, “napaghahalata ang kanilang kamangmangan sa  international trade agreements, at masama ang implikasyon nito sa kakayahan, competency and capability ng mga taong naatasang pangasiwaan ang isang napakahalagang ahensya.”

Ito ang reaksyon ni Salazar sa mga pahayag ni Calayag na ang kanyang mga kliyente kabilang sa iba pang mga consignee ay sangkot sa ismagling ng bigas sa Davao. Sinabi ni Calayag na hiniling niya sa Bureau of Customs (BOC) ang pagsasampa ng kaukulang kaso laban sa mga pinaratangang “smugglers,” maging ang mga sangkot na kawani ng  BOC.

“Nais namin pabulaanan ang mga pahayag ng NFA at iginigiit namin na lahat ng mga shipment ng Starcraft International at ng Silent Royalty ay naideklarang tama bilang bigas; wala ni alinman sa mga ito ang ginamitan ng misdeclaration, o ano mang pagtatago,” ayon kay Salazar.

“Nagtataka kami kung bakit inaakusahan kami ng NFA ng smuggling ng bigas,” ayon sa abogado, “E malinaw naman idineklara nang tama ng aking mga kliyente ang importasyon nila ng bigas na walang import permit sa kanilang pagpapaalam sa NFA sa pamamagitan ng sulat na may petsang August 20, 2013 at Setyembre 10, 2013. Ipinaliwanag namin sa kanila na ang quantitative restrictions sa ilalim ng World Trade Organization (WTO) – General Agreement on Tariffs and Trade (GATT) ay nag-expire na.”

Naunang sinulatan ng NFA noong Agosto 5 ang Silent Royalty Marketing at inutusan “na magsumite sa loob ng limang araw mula sa pagkakatanggap nito ng isang written explanation hinggil sa mga detalye ng importasyon ng 24,000 na sako ng bigas na nasa South Harbor, Manila.”

Nagbanta pa umano si Calayag sa nasabing liham na ipapasailalim ito sa “karampatang aksyon” kung mabibigo ang nasabing kompanya na magpaliwanag dahil ito ay magsisilbing “waiver” sa “karapatan nilang marinig hinggil sa nasabing  usapin.”

Ngunit gumanti ang mga abogado sa pangunguna ni Salazar at pinagsabihan si Calayag na “mali at walang basehan” ang interpretasyon ng NFA sa mga batas at alituntunin sa importasyon ng bigas.

Sa liham nila kay Calayag na may petsang Agosto 20, 2013, iginiit ni Salazar na ang mga nasabing shipment ay “hindi nasasaklaw ng Import Permits na iniisyu ng NFA.”

“Ang totoo nito, ang kasalukuyang kalakaran sa pagkakaloob ng mga rice import quotas at ng mga kaukulang permit to import ay  nakabase sa pagpapahaba ng palugit na ibinigay sa Filipinas sa karapatan nitong  magpairal sa Quantitative Restrictions sa bigas. Ngunit dapat ipaalala sa kanila na ang nasabing palugit sa Quantitative Restrictions noong June 2012,” paliwanag ni Salazar.

“Dahil sa pag-expire nito, natunaw na ang legal na karapatan ng bansa  na magpatupad ng QR sa bigas” dagdag pa ni Salazar at sinabi umano nito sa kanyang liham na “wala nang legal na karapatan ang pamahalaan na pigilan kahit na anong importasyon ng bigas. Ang dapat nitong gawin ngayon ay magpatupad ng tamang mga bayarin sa pagbubuwis.”

Ang nabanggit na quantitative restrictions ay nagbibigay ng karapatan sa mga kasaping bansa ng World Trade Organization (WTO) na limitahan ang pagpasok ng mga kritikal na produktong agrikultural sa bansa. Mula nang maging miyembro ng WTO ang Filipinas noong 1995 hanggang 2005, pinayagan itong hindi masakop ng probisyon sa “full import liberalization” ng bigas, bagkus binigyan pa ng karapatang limitahan ang dami ng pinapapasok na bigas sa bansa sa pamamagitan ng Minimum Access Volume kapalit ng kaukulang bayarin at pagbubuwis mula sa ilang mga kasaping bansa. Noong Enero 2004, humiling ang Filipinas ng walong taon palugit upang palawigin ang pribileheyong magpatupad ng nasabing limitasyon (quantitative restrictions) hanggang Hunyo 2012. Dalawang ulit nang umapela ang Filipinas sa palugit nito, noong Disyembre 2012 at Marso lamang ngayon taon. Sa dalawang pagkakataong ito, hindi pinagbigyan ng WTO ang Filipinas.

“Ang katotohanan sa usaping ito ay patuloy ang ginagawang negosasyon ng DA upang i-extend pa ang quantitative restrictions dahil alam na alam nilang nag-expire na ang pribilehiyong ito. Ginagawa lamang itong dahilan ng NFA upang pigilan ang importasyon na naaayon sa batas ng  aking kliyente. May iba pa kayang dahilan?” tanong ni Salazar

Ang mga opisyal ng DA at ng NFA ay isinailalim sa imbestigasyon ng Senado at ng Mababang Kapulungan ng Kongreso sa kasalukyan dahil sa alegasyon ng overpricing sa mahigit 200,000 metriko toneladang bigas na inangkat ng mga ahensyang ito noong Abril sa pamamagitan ng “government-to-government importation.”

Maliban dito, aabot sa halos kalahating bilyon piso umano ang ‘kinita’ ng mga opisyal ng nabanggit na mga ahensya sa nasabing transaksyon, ayon sa ilang organisasyon ng magsasaka at maralita.

HATAW News Team

About hataw tabloid

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *