Thursday , December 18 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Sylvia Sanchez, kinilala ang kabayanihan ng frontliners

MARAMI ang nagulantang last March 31 nang ianunsiyo ng premyadong aktres na si Sylvia Sanchez na siya at asawang businessman na si Art Atayde ay positibo sa coronavirus disease. March 24 nang nagpasuri ang mag-asawa dahil nakaramdam sila ng mga sintomas ng Covid 19 virus. Ayon pa kay Ms. Sylvia, mula nang nagpa-swab test sila ay naka-isolate na silang mag-asawa. Mababasa sa post …

Read More »

Apela ni Binay: Cremation sagutin ng govt

UMAPELA si Senator Nancy Binay na akuin ng gobyerno ang gastusin sa pagpapa-cremate ng mga labi ng mga biktima ng COVID-19. Ayon kay Binay, isa sa mga dahilan kung bakit marami ang mga labing hindi nailalabas sa mga ospital ay dahil walang pantubos o pambayad ang pamilya sa punerarya para sa cremation. “Sa tingin ko, kayang sagutin ng gobyerno ang …

Read More »

2017 Outstanding Cop, nagpaanak ng buntis

NAIRAOS nang maayos ang panganganak ng isang 23-anyos ginang sa pagtulong ng isang outstanding cop ng Valenzuela City Police, na kasalukuyang duty frontliner sa Barangay 764 Zone 83, San Andres, Maynila kamakalawa. Sa ulat ng Manila Police District – Sta. Ana Station (MPD-Ps6), nakapanganak nang maayos si Shiela Mae Villegas, sa kanilang bahay sa tulong ni P/Lt. Jhonn Florence Alacon, …

Read More »

Sa QC EO 26 ni Belmonte, dapat isinama ang mga pasaway

SA Quezon City Executive Order No. 26, layunin nito na proteksiyonan ang frontliners, mga kaanak, at COVID 19 patients. Proteksiyon sa mga ‘mandidiri’ at/o manlalait sa kanila. Siyempre, ang mahuling lumabag sa kautusan ni QC Mayor Joy Belmonte ay aarestohin at kakasuhan. Katunayan, ipinatutupad na ito ngayon ng Quezon City Police District (QCPD) na pinamumunuan ni P/BGen. Ronnie Montejo. Ibinaba ang …

Read More »

Buwanang sahod ng volunteers, JO personnel, health workers, dinoble ng Taguig City

DINOBLE ng lungsod ng Taguig ang buwanang sahod ng mga barangay health workers (BHW) na patuloy na naglilingkod at naghahatid ng serbisyong medikal sa komunidad sa kabila ng enhanced community quarantine bunsod ng pandemikong COVID-19. Ito ay matapos silang i-promote mula sa pagiging volunteers na ngayon ay magiging job order personnel na simula 1 Abril 2020. Sa bagong payment scheme, …

Read More »

Pantawid ng Pag-ibig NG ABS-CBN, naghatid-tulong na rin sa ilang probinsiya

NAGSIMULA na ring maghatid ng tulong ang kampanyang Pantawid ng Pag-ibig ng ABS-CBN sa mga malalapit na probinsiya ng Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal ngayong linggo para sa ating mga kababayang lubos na naapektuhan ng umiiral na enhanced community quarantine (ECQ) sa Luzon.   Ibinahagi ng Kapamilya news anchor na si Bernadette Sembrano-Aguinaldo ang magandang balitang ito noong Abril 7 sa TV Patrol, na patuloy na nagdadala ng pinakabagong …

Read More »

Anak ni Ramon Ang na si Jomar, pumanaw sa edad 26

SA kabila ng kaliwa’t kanang pagtulong ni Ramon Ang, Presidente at Chief Executive Officer ng San Miguel Corporation ngayong Covid-19 ay nagluluksa ang buong pamilya nila sa pagpanaw ng anak na si Jomar Ang nitong Black Saturday, Abril 11, 2020.   Base sa official statement ng pamilya Ang, “Our beloved son, Jomar, passed away peacefully on Saturday, April 11, 2020. It has been a …

Read More »

Globe Studios via .giff teams up with local filmmakers and enthusiasts to raise funds for daily wage film workers 

IN light of the extension of the enhanced community quarantine (ECQ) in Luzon, the Philippine film industry along with many other local businesses continue to be impacted as normal operations and services are put on halt. Globe recognizes this pressing need and continues its efforts to help frontliners and daily wage earners who have been affected by these developments through …

Read More »

NSYA, maganda pero pangit ang ugali

blind item woman

TALAGANG maldita itong isang not so young actress (NSYA) Hangga’t maaari, ayaw niya na may nagpapa-picture sa kanya.   Ayon sa aming source, nang minsang lapitan siya ng apat na fan noong makita sa taping para magpakuha, ay bigla itong nag-dialogue na isa lang ang puwedeng magpakuha sa kanya.   At pasigaw niyang sinabi ‘yun ha.   Sa takot ng fans, isa …

Read More »

Aiko, sagana at ‘di nanlilimos ng pagmamahal

MULING napapanood sa ABS-CBN 2 ang mga lumang seryeng Got To Believe, The Legal Wife, 100 Days To Heaven, May Bukas Pa, On The Wings Of Love, at Wilflower. Stop taping muna kasi sila ng FPJ’s Ang Probinsiyano, Love Thy Woman, Pamilya Ko, Make It With You, at A Soldier’s Heart dahil sa Covid-19.   Sa Wildflower na pinagbidahan ni Maja Salvador, ay kasama rito si Aiko Melendez bilang si Emilia Ardiente. …

Read More »

Mika dela Cruz, nagtayo ng donation website

PATULOY ang pagtulong ng Kapuso artist na si Mika dela Cruz sa mga kababayan niya sa Malabon at sa mga frontliner laban sa Covid-19.   Sunod-sunod ang pamimigay niya ng relief goods sa mga apektado ng pandemic at mga kapuspalad. Sa panibagong paraan, inilunsad naman ni Mika ang crowdfunding website na tinawag niyang SHARE THE CARE (PPE for our FRONTLINERS) na puwede ang sino man …

Read More »

Heart Evangelista, inaliw ang netizens sa TikTok video

Heart Evangelista

UMABOT sa mahigit one million views ang TikTok video ng Kapuso star na si Heart Evangelista sa loob lamang ng isang araw.   Nakatatawa na ipinakita ng aktres dito kung paano niya inaaliw ang sarili habang naka-quarantine sa bahay. Sa iba’t ibang OOTDs, eleganteng gumawa ng gawaing-bahay si Heart katulad ng pagwawalis, paglalaba, at pag-aayos ng kama.   Hinangaan ng netizens ang pagiging creative niya at …

Read More »

Betong, dasal na maging “Survivor” ang lahat

NAPA-THROWBACK ang Kapuso comedian na si Betong Sumaya nang makita ang Survivor Philippines button badge nila ng kaibigan at kapwa Kapuso star na si Maey Bautista.   Dating partners ang dalawang komedyante sa Survivor Philippines: Celebrity Doubles Showdown na ang itinanghal na Sole Survivor ay si Betong.   Marami ngang good and not so good memories ang biglang naalala ni Betong nang makita ang mga button badge pero gaya ng pagiging …

Read More »

FDCP, may ayuda sa mga taga-showbiz

SA panahong marami ang apektado ng Covid-19, isa ang Film Development Council of the Philippines (FDCP) na tumulong sa pamamagitan ng kanilang Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program, na ang layunin ay tulungan  ang mga audio-visual (AV) content industry stakeholders na apektado ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic.   Ang DEAR Action (For Displaced Freelance AV Workers) ay inilunsad noong Marso 23. Layunin nitong …

Read More »

Jane De Leon, tumulong sa isang ospital

SALUDO kami sa Kapamilya actress na si Jane De Leon dahil sa kadakilaan at kabayanihang ginawa para sa mga makabago nating hero, ang mga frontliner ng Mary Chiles Hospital sa Sampaloc, Manila. Libo-libong booties, hair caps, two boxes of clean gloves, at assorted goodies ang ibinigay nito sa nasabing ospital sa tulong ng kanyang manager na si Tyronne James Escalante. Nagpapasalamat nga ang Mary …

Read More »

May nananakot ba kay Ethel Booba?

NERBIYOS na nerbiyos siguro sa panahong ito ang bagong ina na si Ethel Gabison, na higit na kilala bilang ang comedian-singer na si Ethel Booba.   Sa tindi ng nerbiyos, itinatwa n’yang siya ‘yun “Ethyl Gabison” na may sikat na sikat na Twitter account na umabot sa mahigit sa 1.6 million ang followers. “Fake” raw ‘yon. Wala raw siyang kinalaman sa account na ‘yon. …

Read More »

Ruffa, natutong magluto dahil sa ECQ

BUKOD sa pagliligtas sa pagkakaroon ng Covid-19, marami pang ibang maidudulot na kabutihan ang ngayon ay sapilitan nating pinagdaraanan na extended community quarantine.   Para kay Ruffa Gutierrez, ang isa sa mga kabutihang iyon ay ang pagsisimulang matutong magluto ng iba’t ibang klaseng ulam.   Ang unang matagumpay n’yang nailuto ay ang binansagan n’yang Ruffa’s Lemony Chicken Garlic. At kaya ganoon …

Read More »

4th EDDYS Choice ng SPEEd, kinansela 

NAPAGKASUNDAAN ng bumubuo ng EDDYS Choice, ang Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) na hindi na ituloy ang 4th EDDYS Choice na nakatakda sanang gawing sa Hulyo 5, 2020 dahil sa Covid-19. Bagkus, itutuon na lamang ng samahan ng mga entertainment editors ang pagtulong. Nauna nang namahagi ng food packs sa mga frontliner ang SPEEd gayundin ang pagbibigay donasyon sa Shields for Heroes PH, na …

Read More »

Pahamak ang mga adviser ni Yorme  

Sipat Mat Vicencio

HINDI natin alam kung kakampi o kalaban ni Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno ang kanyang sariling mga adviser. Parang manok kung isabong ngayon si Yorme, at kung mapahamak man ang kanilang mayor, mukhang wala silang pakialam dito. Dahil nga siguro sa sobrang popular, kaya kampante ang mga adviser na laging maayos at ‘panalo’ ang lahat nang ipagagawa nila kay Yorme.  Tiwalang-tiwala …

Read More »

P5K SEAS sa 25K scholars ipamamahagi ng Taguig City (Sa pananalasa ng COVID-19)

IPINAG-UTOS ni Taguig City Mayor Lino Cayetano sa Taguig Scholarship Office at sa Barangay Affairs Office na ipamahagi ang P5,000 Special Emergency Assistance to Scholars (SEAS) simula 20 Abril 2020 upang matulungan ang mga scholar at ang kanilang mga pamilya sa gitna ng ipinatupad na enhanced community quarantine (ECQ) sa pananalasa ng pandemikong COVID-19. Ang SEAS ang magko-cover ng halos …

Read More »

Tulong-pinansiyal ng FDCP, na-extend hanggang Abril 30

PINANGUNAHAN na ng Film Development Council of the Philippines (FDCP) ang pamamahagi ng tulong pinansiyal para sa mga taga-movie industry at miyembro ng media na walang kinikita ngayon dahil sa Enhance Community Quarantine na muling na-extend hanggang Abril 30. Nag-release ng mahigit sa P4.5-M ang FDCP mula sa reallocated funds through the Disaster/Emergency Assistance and Relief (DEAR) Program, providing financial support to …

Read More »

Paulo Avelino, pasok sa Darna; Direk Jerrold, kuntento sa performance ni Jane de Leon

NAUNANG inilabas ng manager ni Paulo Avelino na si Leo Dominguez na kasama ang aktor sa pelikulang Darna ni Jane de Leon. Nagtanong kami sa taga-Star Cinema tungkol dito pero hindi kami binalikan hanggang sa natanong mismo ng direktor ng pelikula na si Jerrold Tarog sa live session sa Cinema 76’s sa Facebook page niya kamakailan at kinompirmang kasama nga si Paulo. Aniya, “Lumabas na iyong si Paulo ay kasama sa cast, totoo iyon.” Nabanggit …

Read More »