Monday , May 20 2024

Mga kabataan, para ring nasa school kapag nanonood ng Kapuso shows

MARAMI sa mga tsikiting ang napaaga ang summer vacation dahil sa Covid-19. Mayroon din namang mga estudyante na online ang schooling o may mga special schoolwork na ipinagagawa ng kanilang mga paaralan.

 

At dahil may enhanced community quarantine, stay at home ang mga bata. Problema tuloy ng magulang ay paano sila hindi mabuburyong. Mabuti na lang may mga mapapanood sila sa TV na kahit ‘di literal na nagtuturo ang mga host ay tiyak na kapupulutan ng bagong kaalaman.

 

Thankful ang mga magulang sa mga Kapuso show tulad ng AHA!, Born to be Wild at iBilib dahil hindi lang entertaining ang mga ito, informative pa.

 

Ang AHA! nga, may AHA!: Cartoon Fest! na ipinalalabas nila ang iba’t ibang kuwento na bida ang mga hayop, mga kuwento tungkol sa pinagmulan ng bundok, bulkan at mga likas na pangyayari sa kalikasan.

 

Kabilang sa mga kuwentong gagamitan ng animation ay ang Kung Bakit Umaalulong ang mga Aso, Alamat ng Bulkang Taal, at mga orihinal na kuwento tungkol sa isang lumang school bus, sa pinagmulan ng mga nunal, at ang pinaikling bersiyon ng popular na librong Sandosenang Sapatos ni Dr. Luis Gatmaitan.

 

Sana nga ay patuloy na magpalabas ng mga ganitong programa ang Kapuso Network para kahit stay at home sila with the kids, kampante ang mga magulang na may natututuhan pa rin ang kanilang mga anak.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Vice Ganda Piliin Mo Ang Pilipinas

Vice Ganda ipinakita ‘problema’ sa ‘Pinas sa Piliiin Mo Ang Pilipinas challenge

MA at PAni Rommel Placente NAG-POST at nakisabay na rin ang Unkabogable Star na si Vice …

Coleen Garcia Billy Crawford

Coleen sa mga humuhusga sa kapayatan ni Billy—He’s more than okay, wala na siyang mga bisyo

MA at PAni Rommel Placente MARAMING lumalabas na haka-haka nang mag-viral ang picture ni Billy Crawford sa …

Miss Lipa Tourism 2024

Ganda ng Lipa ibibida sa buong mundo

MATABILni John Fontanilla LABINLIMANG naggagandahan at lovely candidates mula sa iba’t ibang lugar sa Lipa …

Kira Balinger Kelvin Miranda

Kira  inamin feelings kay Kelvin: may kaunti, ang pogi kasi niya

MATABILni John Fontanilla KAHIT walling nabuong relasyon kina Kira Baringer at Kelvin Miranda, lead actors ng pelikulang, Chances Are, …

Lolit Solis

Bonggang birthday celeb ni Manay Lolit pinaghahandaan ng mga alaga

I-FLEXni Jun Nardo BONGGANG birthday celebration next week ang pinaghahandaan ng talents ni Manay Lolit Solis. …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *