Thursday , June 25 2026

Anak ni Ramon Ang na si Jomar, pumanaw sa edad 26

SA kabila ng kaliwa’t kanang pagtulong ni Ramon Ang, Presidente at Chief Executive Officer ng San Miguel Corporation ngayong Covid-19 ay nagluluksa ang buong pamilya nila sa pagpanaw ng anak na si Jomar Ang nitong Black Saturday, Abril 11, 2020.

 

Base sa official statement ng pamilya Ang, “Our beloved son, Jomar, passed away peacefully on Saturday, April 11, 2020. It has been a painful experience, but we have been comforted by the expression of love and sympathy sent to us in so many ways.

 

“We appreciate all the kind thoughts and prayers. Thank you for being with us during this difficult time.

 

“While we know that many of you who kept him in your thoughts would have watned to attend his funeral, we decided it was best to have a private service to celebrate his life on Easter Sunday.”

 

Base sa ilang kaibigan naming nakakikilala kay Jomar na una nilang nakasama sa San Miguel, napakabait, down to earth, at intelihenteng tao. Open sa lahat ng suhestiyon.

 

Hanggang sa naging boss na siya sa BMW Philippines Corporation ay mas lalong naging malapit sa tao at madaling lapitan.

 

Kaya naman sobrang nalungkot ang lahat sa maagang pagpanaw ni Jomar Ang, edad 26.

 

Mula sa pahayagang Hataw, ang aming pakikiramay sa pamilya Ang.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …