Saturday , December 20 2025

Search Results for: -bit.ly/Gemini-serodnya

Gambol ni Digong (Desisyon ngayon)

ITINUTURING ng Malacañang na ‘gamble’ para kay Pangulong Rodrigo Duterte ang ilalahad na desisyon ngayon sa magiging kapalaran ng Metro Manila at Metro Cebu sa mga susunod na araw kasunod ng paglobo ng bilang ng mga nagposistibo sa coronovirus disease (COVID-19). Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, sa pagpapasya ay hindi lamang ibinabatay ni Pangulong Duterte sa rekomendasyon ng Inter-Agency …

Read More »

Huling quarantine facility sa Maynila binuksan ni Isko

IPINASA na at ipinaubaya ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang pinakahuling quarantine facility na ipinatayo ng lokal na pamahalaang Maynila sa Tondo.   Ayon kay Mayor Isko, ang Gregorio del Pilar Elementary School sa Tondo ay may kabuuang 48 kama bilang  karagdagan sa mahigit 250-kamang quarantine facility na nabuo ng lokal na pamahalaan ng Maynila.   Nabatid, ang Gregorio …

Read More »

Marinerang Pinay nagpatiwakal sa loob ng cabin (Habang naghihintay ng repatriation flight)

KINOMPIRMA ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin, Jr., na isang Filipina seafarer ang nagpakamatay habang naghihintay ng repatriation flight. Sa kanyang post sa twitter, sinabi ni Locsin na isang 28-anyos marinera ang nagkitil ng sariling buhas sa kanyang cabin habang stranded sa barko. Sinasabing hindi nakauwi agad sa Filipinas ang Pinay crew member dahil sa suspensiyon ng gobyerno sa pagpapabalik …

Read More »

Senglot na parak na pumatay ng aso wanted  

gun shot

IMBES makipagharap sa barangay, naglahong parang bula ang lasing na pulis na itinurong bumaril sa isang aso na inakusahang kumagat sa kanya, sa Sampaloc, Maynila.   Hanggang sampahan ng kaso ng tagapag-alaga ng aso na si Rene Timbol ay hindi pa rin sumipot ang suspek na pulis na kinilalang si Mark Lyndon de Ocampo, sinabing nakatalaga sa Philippine National Police …

Read More »

Mayor Isko pabor sa jeepneys para makabiyahe na

PABOR si Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na payagan nang makapagbiyahe ang mga tradisyonal na jeepneys.   Makatitiyak aniya ang mga tsuper na kung tatanungin siya sa kanyang posisyon sa isyu ng jeepneys ay positibo ang kanyang magiging kasagutan.   Ayon kay Mayor Isko, bilang dating trike driver, alam niya ang gutom na inabot ng maraming drivers sa nagdaang tatlong …

Read More »

Buwis sa online seller, aprobado sa palasyo

SUPORTADO ng Palasyo ang direktiba ng Bureau of Internal Revenue (BIR) na dapat magparehistro ang mga online seller at magbayad ng buwis ang mga kumikita ng P250,000 pataas kada taon.   Sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque, mahalagang makakalap ng pondo ang gobyerno para matugunan ang pangangailangan ng bansa sa gitna ng pandemyang COVID-19.   “Well, ang pinagkukunan lang naman …

Read More »

Barangay sa Pasay City sinisi sa pagkamatay ng stranded na ginang

dead

SINISI ng Malacañang ang pagsasawalang bahala ng mga opisyal ng barangay sa Pasay City sa pagkamatay ng 33-anyos ginang sa footbridge habang naghihintay ng biyahe pauwi sa Camarines Sur.   Ikinalungkot ng Palasyo ang sinapit ni Michelle Silvertino na dobleng kasawian ang sinapit habang naghihintay na makasakay ng bus pauwi sa kanyang pamilya sa Calabanga, Camarines Sur.   Nabatid na …

Read More »

Pauleen Luna, naging PA ni Bossing Vic Sotto sa EB New Normal

Kahit wala munang live audience sa Eat Bulaga sa APT Studios ay masaya pa rin panoorin ang longest-running and number one noontime variety show. Yes kering-kering dalhin nina Dabarkads Alden Richards at Maine Mendoza kasama ang JOWAPAO (Jose, Wally, and Paolo) at live via Zoom naman sina Bossing Vic Sotto at wifey Pauleen Luna na nagsilbing production assistant niya para …

Read More »

Miserableng lagay ng OFWs, ‘itinatwa’ ng Palasyo

ITINATWA ng Palasyo ang nag-trending na video ng may 200 stranded na overseas Filipino workers (OFWs)  sa social media, na ilang araw nang pagod, puyat at gutom habang nananatili sa ilalim ng Skyway malapit sa NAIA sa pag-asang makasakay ng eroplano pabalik sa lalawigan.   “lilinawin ko lang: VIP treatment talaga ang mga OFW. Wala pong natulog sa ilalim ng …

Read More »

Klinton Start, bilib sa galing ng CN Halimuyak products

KINUMUSTA namin si Klinton Start kung ano ang latest na pinagkakaabalahan niya ngayon. Baka kasi after ng three months na pagka-quarantine dahil sa Covid19, kinakalawang na siya sa sayawan. Sagot ng binatang binansagang Supremo ng Dance Floor, “Siyempre una po, hindi mawawala ang pagwo-work-out po para maging fit pa rin po ako and pangalawa po, nanonood po ako ng mga dance video sa …

Read More »

Sheree, mas lalong naging sexy dahil sa quarantine!

Sheree Bautista

IPINAHAYAG ng sexy actress na si Sheree na labis siyang nalungkot nang ang show niya sa Music Museum last April ay hindi natuloy, bunsod ng pandemic na hatid ng Covid19. “Sobrang nalungkot po talaga ako nang ang concert ko ay hindi natuloy, kasi po hindi ba lockdown? So, dahil sa Covid ay na-cancel po siya,” panimula ni Sheree ukol sa burlesque …

Read More »

Ultimatum ng IATF StaySafe ph database isuko sa DOH

BINIGYAN ng 30-araw na ultimatum ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF-EID) ang contact tracing app developer MultiSys Technologies Corp., para isuko ang lahat ng nakalap na datos ng Staysafe.ph sa Department of Health (DOH) Nakasaad ito sa IATF Resolution No. 45 na inilabas ng Malacañang kahapon. Ang contact tracing app ay gagamitin sa paghahanap ng mga taong …

Read More »

Korupsiyon sa DPWH project, isinumbong kay Duterte

ISINUMBONG kay Pangulong Rodrigo Duterte ang umano’y korupsiyong nagaganap sa ilang proyekto ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa bansa. Sa dalawang pahinang liham na ipinadala sa Office of the President sa Malacañan Palace sa JP Laurel St., San Miguel, Maynila, inakusahan ng isang Marilou So, isang taxpayer mula sa Tagum, Davao City, at contractor ng Caanast Construction, …

Read More »

Nagsikap kumita sa online selling, imbes alalayan, gustong pigain sa anti-poor taxation (Pinoys na jobless dahil sa pandemya)

NAKATAPAK pa ba sa lupa ang gabinete at iba pang opisyal ng administrasyong Duterte?!                O mayroon bang ‘nakapasok’ na kaaway sa ‘inner circle’ ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang layunin ay ihakot siya ng ‘galit’ o kaaway?         Bakit natin naitatanong ito?         Mantakin n’yo naman, noong ang buong bansa ay nasa lockdown o quarantine, walang hanapbuhay ang mga …

Read More »

Nagsikap kumita sa online selling, imbes alalayan, gustong pigain sa anti-poor taxation (Pinoys na jobless dahil sa pandemya)

Bulabugin ni Jerry Yap

NAKATAPAK pa ba sa lupa ang gabinete at iba pang opisyal ng administrasyong Duterte?!                O mayroon bang ‘nakapasok’ na kaaway sa ‘inner circle’ ni Pangulong Rodrigo Duterte na ang layunin ay ihakot siya ng ‘galit’ o kaaway?         Bakit natin naitatanong ito?         Mantakin n’yo naman, noong ang buong bansa ay nasa lockdown o quarantine, walang hanapbuhay ang mga …

Read More »

Showtime hosts, ila-lock-in

SA pagbabalik ng It’s Showtime bukas, Sabado, Hunyo 13 ay inamin ng supervising producer na si Bjoy Balagtas na may bago silang 3 segment at dapat itong abangan ng Madlang Pipol dahil para sa kanila ito. Nabanggit din na alternate ang mga host na papasok para sa social distancing at safety protocols. “Regarding safety protocols, the company already come up with guidelines. We have …

Read More »

Bistek, nabagalan din sa pamimigay sa QC ng ayuda

“MAHIRAP talagang maging Mayor sa ganitong sitwasyon (kasagsagan ng Covid-19 pandemic), mahirap talagang nasa gobyerno ka. At least noong papuntang gitna na nalagyan na nila ng tamang tono kahit paano ‘yung kanilang service,” ito ang pahayag ni Quezon City ex Mayor Herbert Bautista nang makatsikahan siya sa Tawa-Tawa Together digicon gamit ang Zoom apps nang hingan siya ng komento tungkol sa mabagal na pagbibigay ng …

Read More »

Jessy Mendiola, mas matindi na ang pananalig at pagpapahalaga sa sarili

WALANG duda na may mga kabutihan ding naidudulot ang ‘di pa rin natatapos na kwarantina dahil sa Covid-19. Isang aktres ang nagtapat kamakailan tungkol napakalaking pagbabago sa kanyang kamalayan: si Jessy Mendiola.   “I’m finally free!”   Nakagugulantang na bungad na pagtatapat ni Jessy sa kanyang Instagram kamakailan.   Nakagugulat dahil agad pumasok sa isip mo na break na sila ng kung-ilan taon …

Read More »

JLo, may matinding payo sa mga graduate sa panahon ng pandemya

DAHIL sa pandemyang Covid-19, ibang klase ang mga seremonya sa pagtatapos ng pag-aaral ng mga estudyante. “Digital” o “virtual” ang graduation ceremonies ngayon sa lahat ng panig ng mundo. Sa kanya-kanyang bahay na lang ipinuproklamang graduate na ang isang estudyante. May graduation ceremony din naman. Pinagtotoga pa rin naman ‘yung mga gumagradweyt ng senior high school at college. At habang …

Read More »

Luane Dy, padede mom

CERTIFIED Padede Mom na ang Unang Hirit host na si Luane Dy sa first born niyang si Jose Cristiano.   Ipinasilip ni Luane ang breasfeeding sa anak nila ni Carlo Gonzales na may caption na, “First 40 days #xpiotos #gonzgang.”   Dagdag niya, “Buong buhay kong pagmamahal sa yo’y ipadarama. Masusuklian lamang sa aki’y tunay mong halaga. Ikaw ang buhay ng aking buhay sinta Tunay, mahal na mahal kita.” …

Read More »

JK, sinakyan ang pagpatay sa kanya sa social media

BIKTIMA ng fake news ang singer ng hit song na Buwan, si Juan Karlos Labajo! “Pinatay” siya ng kanyang haters pero alive and kicking pa siya!   Sinakyan na lang ni JK ang pekeng balita sa isang meme na ipinost niya sa Instagram account na may nakasaad na, “In loving memory of Juan “Karlos” Labajo.”   Pagtatanggi ni JK sa caption, “With all the speculations and rumors going …

Read More »

Janine, may 200K subscribers na sa YouTube

PATULOY ang pamamayagpag ng career ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez hindi lang sa showbiz, kundi pati na rin sa social media bilang isang vlogger!   Kahapon, pumalo na ng higit 200,000 ang subscribers niya sa YouTube channel at pinasalamatan ni Janine ang lahat ng sumusuporta sa kanya, “Just hit 200K on @youtube. Thank you so much to everyone who’s joined me on my channel, through …

Read More »

Kapuso kilig teams, magtatapat sa Quiz Beh!

BAGONG pares ng Kapuso stars ang sasabak sa GMA Artist Center online game show na Quiz Beh! na makikisaya at maglalaro ng word guessing game.   Ngayong Biyernes, ang Magkaagaw stars na sina Klea Pineda at Jeric Gonzales ang makikipagtagisan ng talino laban sa StarStruck Season 7 alumni na sina Kim de Leon at Lexi Gonzales.   Abangan sila sa Quiz Beh!, hosted by Betong Sumaya, ngayong June 12, 3:00 p.m. sa GMA Network Facebook Page at GMA Artist Center YouTube Channel!   RATED …

Read More »

Marian, tuloy pa rin ang floral business

UNSTOPPABLE talaga si Marian Rivera bilang ina, asawa, aktres, at negosyante! Kahit may kinakaharap na pagsubok at mga limitasyon dahil sa pandemic, tuloy pa rin ang flower business niya na Flora Vida sa paghahatid ng kanilang produkto.   Sa isang Instagram post, ipinasilip ni Marian ang paparating na new collection sa pamamagitan ng dramatic video na makikitang hawak niya ang preserved baby’s breath. Caption ni Marian, “Sneak peek …

Read More »