Janine, may 200K subscribers na sa YouTube

PATULOY ang pamamayagpag ng career ng Kapuso actress na si Janine Gutierrez hindi lang sa showbiz, kundi pati na rin sa social media bilang isang vlogger!

 

Kahapon, pumalo na ng higit 200,000 ang subscribers niya sa YouTube channel at pinasalamatan ni Janine ang lahat ng sumusuporta sa kanya, “Just hit 200K on @youtube. Thank you so much to everyone who’s joined me on my channel, through comments, likes, views, everything! Will make more videos. I hope you enjoy.”

 

Nangako ang aktres na marami pang dapat abangan sa mga future vlog niya katulad ng collaborations kasama ang mga kapatid na sina DiegoJessica, at Max.

 

Online muna ang ginagamit na platform ng aktres habang hindi pa makabalik sa tapings bunsod ng Covid-19 pandemic. Sa ganitong paraan  kasi ay mas nakakapag-interact siya sa fans.

 

Congrats, Janine!

 

RATED R
ni Rommel Gonzales