Monday , May 20 2024

News

Binata sinaksak ng tiyuhin sa QC

MALUBHANG nasugatan ang isang binata makaraang saksakin ng tiyuhin dahil sa matagal nang alitan na naungkat sa Quezon City, nitong Linggo ng umaga. Ang biktima ay kinilalang si Ritchie Galantao, 24 anyos, binata, at residente sa Castro Compound, Nitang Avenue, Brgy. Gulod, Novaliches, Quezon City. Agad nadakip nina P/Cpl. John-Edel Nolasco at Pat Ernest John Collado ng Novaliches Police Station 4, …

Read More »

Dargani siblings ipinakulong na sa Pasay city jail

Mohit Dargani, Twinkle Dargani, Pharmally

IPINAG-UTOS ni Senador Richard Gordon, Chairman ng Blue Ribbon Committee kay Office of Senate Sargent at Arms (OSAA) chief, ret. Gen. Rene Samonte ang agarang paglipat sa magkapatid na Pharmally Official Mohit at Twinkle Dargani sa Pasay City Jail. Ang kautusan ay ipinalabas ni Gordon nang mabigong makipagtulungan si Mohit sa Senado na ipagkaloob ang mga dokumentong hinihingi nila. Ayon …

Read More »

Manggagawa magbabayad sa CoVid testing hindi patas — Bayan Muna

Covid-19 Swab test

UMALMA si Bayan Muna Chairperson Neri Colmenares sa polisiya ng gobyerno na ang uring manggagawa ang magbabayad sa CoVid-19 testing. Ani Colmenares hindi makatarungan ang ganitong polisiya sa gitna ng kakulangan sa bakuna. Aniya, kailangang paigtingin ang pagbabakuna kung gusto ng pamahalaan na lumago ang ekonomiya ng bansa. “A healthy workforce is essential as they are the ones who drive …

Read More »

Duterte admin hinimok magbantay vs Omicron variant

Travel Ban Covid-19 Philippines

NANAWAGAN si Rep. Angelina “Helen” D.L. Tan, M.D., chairperson ng Committee on Health sa pamahalaan na paigtingin ang pagbabantay laban sa Omicron CoVid-19 variant. Aniya ang publiko ay dapat manatiling mapagbantay sa gitna ng pagtaas ng mga kaso ng CoVid-19 sa iba’t ibang bansa at pagsulpot ng nakababahalang bagong Omicron variant. Hinimok ni Tan ang Department of Health (DOH) na …

Read More »

Mandatory face shield policy posibleng ibalik

Face Shield Face mask IATF

MAAARING pairalin muli ng pamahalaan ang mandatory face shield policy bunsod ng banta ng Omicron variant ng CoVid-19. “We will look at the possibility. ‘Yan nga ‘yung inaano ni Secretary Duque na he is, he is pro na ano, maibalik ‘yung any protection na puwede nating gamitin. Kasi some people from WHO also believe na kaya nagkaroon tayo ng result …

Read More »

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

Dalagita patay sa demolisyon sa Antipolo

BINAWIAN ng buhay ang isang dalagita nang atakehin sa puso dahil sa takot habang ginigiba ng demolation team at mga armadong tauhan ng Rizal PNP ang kanilang bahay nitong Sabado, 27 Nobyembre, sa lungsod ng Antipolo, lalawigan ng Rizal. Kinilala ang pumanaw na biktimang si Mica Antoinette Ferrer, 14 anyos, nakatira sa V. V. Soliven, Open Space, Brgy. Mayamot, sa nabanggit …

Read More »

Ligtas at makabagong bike lanes handog ni Belmonte sa mga siklista

Joy Belmonte Bike Lane

IKINATUWA ng maraming siklista ang ipinag-utos ni Quezon City Mayor Joy Belmonte na pagandahin at gawing ligtas ang “bike lanes” na ngayon ay halos 178 kilometro na ang haba sa buong lungsod. Si Valentino Araojo ng samahang Batch 80 Sunday Road Bike Warriors, isa sa mga siklistang naghayag ng kasiyahan sa mga makabagong bike lanes na ipinatutupad ni Mayor Belmonte ang …

Read More »

Presidentiables taob kay ping sa WPS issue

112921 Hataw Frontpage

HATAW News Team NAPUKAW ang atensiyon ng higit na nakararaming Pinoy sa problemang bumabalot sa mga pag-aari ng Filipinas na bahagi ng West Philippine Sea (WPS) matapos personal na dalawin ni Partido Reporma standard bearer Panfilo Lacson ang Pag-asa Island. Batay sa isang survey na idinaos matapos ang pagtuntong ni Lacson sa nabanggit na islang pinapaligiran ng mga barko ng …

Read More »

Most wanted rapist sa Tarlac nakalawit

NASUKOL ng mga awtoridad ang isang lalaking nakatala bilang most wanted person (MWP) sa lalawigan ng Tarlac nitong Miyerkoles ng umaga, 24 Nobyembyre, sa bayan ng Magalang, lalawigan ng Pampanga. Batay sa ulat ni P/Col. Erwin Sanque, acting provincial director ng Tarlac PPO, dakong 10:00 am kamalawa, nang maglatag ang operating troops ng Tarlac CPS ng manhunt operation sa Brgy. …

Read More »

2 nang-abuso, inihoyo 3 huli sa pot session, 3 pugante arestado

DINAKIP ng mga awtoridad ang dalawang lalaking may kasong pang-aabuso gayondin ang tatlong hinihinalang drug users, at tatlong pugante sa magkakahiwalay na operasyon ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Miyerkoles, 24 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban. Jr., acting provincial director ng Bulacan PNP, kinilala ang dalawang suspek sa pang-aabuso na sina Dionne Silvestre, alyas Toto, …

Read More »

Sa Pampanga
KASO NG PAMAMARIL NG PULIS SA TEENAGER NASA PISKALYA NA

NAISAMPA na sa piskalya ang kasong Homicide na inihain laban sa isang pulis na nakadestino sa Bacolor Municipal Police Station (MPS) matapos mabaril at mapatay ang isang 19-anyos lalaki habang nasa kustodiya ang suspek ng nasabing estasyon. Kinilala ni Pampanga PPO Director P/Col. Robin Sarmiento ang pulis na si P/Cpl. Alvin Pastorin, nakatalaga sa Bacolor MPS bilang intelligence officer, habang …

Read More »

Quarry operator na sinabing land grabber inireklamo

NAHAHARAP sa asunto ang tinukoy na quarry operator ng isang residente sa Sitio Upper Bangkal, Brgy. San Isidro, sa bayan ng Rodriguez, lalawigan ng Rizal, na puwersahang anila’y nagpapasok ng armadong mga guwardiya sa kanyang lupain. Sa reklamong inihain sa tanggapan ni P/Lt. Col. Marcelino Pipo. Jr., hepe ng Rodriguez PNP, sinabi ni Roselo Espenera, nabili niya ang ang rights …

Read More »

QC Mayor sinita, tiniketan sa ‘di pagsusuot ng helmet

Joy Belmonte bike tiniketan

KABILANG si Quezon City Mayor Joy Belmonte sa mga biker na sinita at tiniketan dahil sa hindi pagsusuot ng  helmet sa  ginanap na Cycle to End Violence Against Women bike event. Si Mayor Belmonte at Cherie Atilano ng UN Food System Champions ay kabilang sa mga inaresto at tiniketan ng mga tauhan ng Department of Public Order and Safety (DPOS) …

Read More »

Kandidatura sa VP binawi
BONG GO ATRAS ULIT SA PRESIDENTIAL RACE

Bong Go

AATRAS na sa 2022 presidential race si Sen. Christopher “Bong” Go. Ito ang pahayag ni Cagayan Gov. Manuel Mamba, isa sa 50 gobernador na dumalo sa pulong kamakalawa ng gabi sa Malacañang kasama si Pangulong Rodrigo Duterte at iba pang opisyal ng administrasyon. Ayon kay Mamba, napaluha si Go nang magtalumpati sa meeting at humingi ng paumanhin at sinabing hindi …

Read More »

China layas sa Ayungin, giit ng Defense

112621 Hataw Frontpage

ni ROSE NOVENARIO ANG China ang dapat lumayas dahil trespassing sa Ayungin Shoal na nasa loob ng 200-mile exclusive economic zone (EEZ) ng Filipinas base sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) na kaisa sila sa nag-ratify noong 1982. Tugon ito ni Defense Secretary Delfin Lorenzana sa pahayag ng China na dapat tanggalin ng Filipinas ang …

Read More »

Jeffrey Hidalgo sumabak na rin sa pagdidirehe ng bold

Jeffrey Hidalgo Angeli Khang

FACT SHEETni Reggee Bonoan SPEECHLESS kami sa trailer ng bagong erotic drama movie ng Viva Films na Eva na idinirehe ng singer/actor Jeffrey Hidalgo na pinagbibidahan ng Vivamax K-Krush na si Angeli Khang dahil malayo ito sa unang pelikulang idinirehe nito, ang Silong na ipinalabas noong 2015. Kilalang mang-aawit at aktor na wala naman kaming nabalitaang gumawa ng pelikulang super …

Read More »

P251-K bato kompiskado HVT sa Pasig arestado

NASAKOTE ng mga awtoridad ang 33-anyos lalaki, pangsiyam sa high value targets (HVT), sa ikinasang joint operation sa Brgy. Pinagbuhatan, lungsod ng Pasig, nitong Martes, 23 Nobyembre. Sa ulat kay Eastern Police District (EPD) director P/BGen. Orlando Yebra, kinilala ang nadakip na suspek na si Michael Aurilla, alyas Oka, 33 anyos, residente sa nabanggit na barangay. Ikinasa ng mga awtoridad …

Read More »

Sa Bulacan
24 LAW OFFENDERS DERETSO SA HOYO

ARESTADO ang 24 katao, pawang lumabag sa batas, sa iba’t ibang operasyon na inilatag ng pulisya sa lalawigan ng Bulacan, nitong Martes, 23 Nobyembre. Sa ulat na ipinadala kay P/Col. Manuel Lukban, Jr., acting provincial director ng  Bulacan PNP, 11 sa mga naaresto ay mga drug suspek na kinilalang sina Romulo Arcilla, Jr., ng Brgy. San Roque, San Rafael; Jeffrey …

Read More »

Alitangya sumalakay sa Pampanga

NAITALA sa ilang lugar sa lalawigan ng Pampanga ang pananalasa ng rice black bug o alitangya. Matapos manalasa sa lungsod ng Cabanatuan, sa Nueva Ecija, at sa Asingan, Pangasinan, nakitaan na rin ang ilang lugar sa Pampanga ng mga rice black bug. Ayon sa Department of Agriculture, apektado na ang ilang bahagi ng Brgy. San Jose Malino sa bayan ng …

Read More »

Ayuda sa NBI, PNP
P52.2-M PCSO STL SALES INILAAN SA HEALTHCARE

PCSO STL PNP NBI

NANAWAGAN ang Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) sa Philippine National Police (PNP) at National Bureau of Investigation (NBI) na paigtingin ang kampanya laban sa ilegal na sugal upang lumaki ang kita ng ahensiya at matulungan ang mahihirap sa mga charity project nito. Ito ang ipinahayag ni PCSO General Manager Royina Garma makaraang ibigay sa PNP ang P22,058,902.37 bahagi ng .5 …

Read More »

Naingayan sa kuwentohan
BINATA TODAS SA BOGA NG PARAK

PATAY ang isang binata matapos barilin ng isang pulis na sinasabing naingayan sa kuwentohan sa bayan ng Bacolor, lalawigan ng Pampanga nitong 20 Nobyembre 2021. Nabatid na tinamaan ng bala ang dibdib at leeg ng biktimang kinilalang si Abelardo Vasquez, Jr., 19 anyos, mula sa baril ng suspek na pulis na kinilalang si P/Cpl. Alvin Pastorin. Ayon sa pinsan ng …

Read More »

Booster shot para sa A1, A2, A3 category, sinimulan na sa QC

QCVaxEasy Quezon City Covic-19 Vaccine

NAG-UMPISA na ang pamahalaang lokal ng Quezon City sa schedule ng CoVid-19 booster shot sa mga health workers, senior citizens at may comorbidity nitong Miyerkoles. Sa anunsiyong inilabas ng QC LGU, maaari nang mag-book ng appointment sa QCVaxEasy webpage ang mga nasa priority group na A1, A2 at A3.  Sa ngayon ay AstraZeneca ang available na booster shot sa lungsod. …

Read More »