Gabby at Matt patok pagso-show abroad
HARD TALK
ni Pilar Mateo
MATAGAL na niyang ginagawa ito.
Kung hindi rin lang naman siya abala sa telebisyon o pelikula, side hustle na talaga ng aktor na si Gabby Concepcion ang magpabalik-balik sa Amerika na sumasalang sa mga gig o concerts doon na iniimbitahan siya.
At dahil marami na ring kaibigan na nananahan doon na pawang galing din sa mundo ng entertainment, hindi mahirap to come up with shows sa iba’t ibang panig ng bayan ni Uncle Sam.
Matagal na ring nanahan doon ang mga Ranillo. Si Mat Ranillo III at ang kanyang pamilya ay maayos nang namumuhay sa Amerika. At gaya ni Gabby, sumasalang pa rin ito sa mga show na ginagawa roon.
Kaya magre-reunite sila sa pamamagitan ng concert na HearthThrob Generation. A dinner-dance show hatid ng Sky Beverly Hills katuwang ang On Center Stage Productions LLC.
Naitakda na rin na umikot ang dalawa sa kanilang October and November US and Canada tour ngayong taon.
Bakit may kilig pa rin ang ating mga kababayan sa dalawang naging matinee idols ng kanilang panahon?
Hindi nagbago ang mga itsura. At talagang napag-aralan na rin nang husto ang mag-entertain sa pamamagitan ng pagkanta. At talaga namang dahil sa mga luma nilang mga pelikula at TV shows na umaabot na sa ibayong-dagat, mas lalo lang silang nasasabik na makita sila sa entablado. Ng live!
Ang pangako ng producers, “This extraordinary live production celebrates the timeless music, unforgettable films, and remarkable careers of two of the Philippines’ most beloved screen icons. Audiences across North America will enjoy an elegant evening filled with music, nostalgia, laughter, romance, and world-class entertainment.
“More than a concert, ‘HEARTTHROB GENERATION is a premium entertainment experience that combines live performances, personal storytelling, audience interaction, fine dining, dancing, and exclusive Meet & Greet opportunities. Fans will witness the enduring charisma and star power that have made Mat Ranillo III and Gabby Concepcion two of the most respected names in Philippine entertainment.”
Backed by a professional production featuring stunning lighting, immersive visuals, and live musical accompaniment, the show promises an unforgettable evening for audiences of all generations.
Ang highlights:
* Live performances by Mat Ranillo III & Gabby Concepcion
* Premium Dinner Experience
* Social Dancing
* Meet & Greet
* Professional Photo Opportunities
* Exclusive Souvenir Merchandise
* Elegant Theater-Style Production
Whether you grew up watching their iconic films or are discovering their remarkable careers for the first time, “HEARTTHROB GENERATION” offers a memorable celebration of music, friendship, and the golden era of Philippine cinema.
Ang schedule ng 2026 Tour:
* **October 3** – Sacramento, California
* **October 10** – Buena Park, California
* **October 17** – Pittsburg, California
* **October 23** – Toronto, Ontario, Canada
* **October 24** – Calgary, Alberta, Canada
Additional cities may be announced.
Ticket Information
**On Center Stage Production LLC**
Website: **[www.oncenterstageproduction.com](http://www.oncenterstageproduction.com)**
Ticket Hotline: **1 (866) 377-2293**
According sa producer at direktor nito na si Thage Montecarlo Krammy, “It is going to be a Night to Remember. A Legacy to Celebrate.”
Si Thage ay matagal ng kaibigan at nagsimula rin itong sing-along master sa mga kilalang comedy clubs ng bansa. Nagtungo ng Amerika. Umalwan ang buhay dahil sa pagpo-produce ng mga show at concerts sa Amerika, na madalas ka-collab ang ABS-CBN Star Magic. At ngayon, pag-aari na niya ang On Center Stage Production.
Una pa lang ito sa mga ihahatid na palabas ni Thage at ng kanyang produksiyon sa bayan ni Uncle Sam.
Kaya kalampagin na ang mga pamilya, kamag-anak, kapuso, kapamilya.
Inaabangan nila ang ganitong mga palabas.
Kahit pa ang anak ni Matt na si Krista ay matiwasay nang namumuhay sa pusod ng Amerika at nagmamay-ari ng pinaka-malaking Seafood Market, ayaw pa rin ni Matt na kalimutan ang kanyang sining.
Si Gabby, heartthrob pa rin ang dating sa kanyang mga tagahanga sa Amerika.
