Diego Loyzaga Charo Cordial Sofia Andres

Diego Loyzaga itinuturing na TOTGA ang ex na si Sofia Andres

I-FLEX
ni Jun Nardo

NAGPAKATOTOO si Diego Loyzaga  kay Charo Cordial ng Maddox Jewelry tungkol sa kanyang pag-ibig, mental health, at bagong simula.

Bumisita si Diego sa Maddox Jewelry at nakausap ang owner na si Charo at naihayag niya ang ilang mahahalagang yugto ng kanyang buhay.

Binuksan ng aktor ang topic sa pagbili ng isang pares ng mamahaling diamond earrings na minsan niyang binili para sa  babaeng mahal niya.

Ayon kay Diego, hindi tinanggap ng babae ang earrings dahil gusto niyang makatanggap ng luxury bag. Dahil dito, nagpasya siyang i-trade ang alahas sa Maddox habang naghahanap ng engagement ring at iba pang jewelry pieces.

Sa pagkakatong ito natanong ni Charo kay Diego kung sino ang love niyang, “the one that got away” at diretsahan niya itong sinagot na si Sofia Andres.

“Kung may isang tao na gusto kong maayos sana ang nangyari, it would have been Sofia!” pag-amin ni Diego.

Samantala, natanong si Diego sa pressure na nadarama niya noong mabunyag na anak siya nina Cesar Monrano at Teresa Loyzaga. Hirap siya noong una pero habang tumatagal eh hindi na niya pinapansin ang opinion ng ibang tao.

“I’m a good dad to  my daughter. I’m a good son. I’m happy with what I’m doing,” aniya.

Marami pang rebelasyon si Diego kay Charo gaya ng pagdaan niya sa depresyon, ang anak niya at sa engagement ring na kanyang pagpipilian para sa espesyal na babae ng kanyang buhay.

Umalis si Diego sa  Maddox na dala ang mga alahas at ang pagkakataong maibahagi sa publiko ang kanyang pinagdaraanan sa buhay.

Pero marami pang makukulay na kuwento at personal na rebelasyon si Diego na maaaring sundan sa official Facebook, Tiktok, at YouTube pages ng Maddox Jewelry.