Blue Hour

HotBox Media Productions gustong magmarka sa mga ihahaing pelikula

HARD TALK
ni Pilar Mateo

CREATIVE ventures.

Sa ganito nais ng HotBox Media Productions na makilala at makagawa ng marka sa mga pelikulang ihahain nila.

Ang pwersa ay kinabibilangan nina JM Nebres at Sidney Zaid Pascua. Kasama si Miguel Cuneta.

Executive producer si Sidney. Supervising producer si JM.

And mind you, ‘sangkaterbang micro-drama series na namulatawan na ng international audiences ang nagawa nila na nagpapamalas ng global appeal.  May TV commercials.  Gaya ng Cebuana Lhuillier at Maxicare. Kasali ang collab sa VivaMax.

Pero sa ngayon, ka-collab nila ang isang mahusay na direktor.  Na umiikot sa sari-saring klase ng pelikula sa mga istorya na hinahabi.

BL. Boy’s Love.  

Iprinisinta sa members ng media ang istorya. 

Blue Hour.

Ano ba ‘yun?

Ang paliwanag ni Direk Adolf Alix.

“The “blue hour” is ‘yung fleeting period ng twilight bawat umaga at bawat gabi . ‘Yung moment na ang araw ay malayo na sa horizon at nagiging asul na ito. Limitadong espasyo. Tulay sa pagitan ng mga sikreto ng gabi at ang naghuhumiyaw na matinding sikat ng araw.

“Ang daraanan ng dalawang magkarelasyon. Sina Rafa at Enzo. 

“Isang gustong tumapos sa kanilang relasyon para maisalba ang kanyang karera bilang isang basketbolista. Relasyong napagsasaluhan sa pagkukulay bughaw ng mga sandali. Tatlong taon silang nagsama sa mga ganoong pagkakataon.

“Intimate drama that will feature Paolo Gumabao as Enzo and  Migs Almendras as Rafa. Eian Rances will portray their mutual friend Gael. At si Ms. Rita Avila ang nanay ni Enzo. Kasama rin si James Lucero.

“Ang mga sikreto ng gabi, sa limitadong pagkakataon. Isang araw para kalimutan ang habangbuhay.”

Pagdating sa ganitong klase ng papel, si Paolo na ang kumbaga ay sanay na sa mga galawan at eksenang lalaki ang kasama. 

Wala rin namang problema kay Migs.

At magsisimula pa lang na tumulay sa alambre si Eian. At game na si James.

Sa ilang lugar sa Pampanga ang magiging saksi sa mga eksena. Sa isang matulaing Tutulari Avatar Gorge sa Porac. Ang magiging saksi sa intimate scenes. Gravel court. Ang laro. Pisikal. Aabot sa emosyonal.

Kaya nagustuhan ng HotBox ang layon ni direk Adolf. 

Diverse. High quality content. Multiple platforms and markets.

Sinisimulan na ang The Blue Hour.