Tuesday , November 19 2024

TimeLine Layout

February, 2015

  • 17 February

    Wala pang deal sa Pacquiao fight — Mayweather (Laban sa Mayo tiniyak)

    NEW YORK – Itinanggi ni Floyd Mayweather Jr. na pinirmahan na niya ang kontrata para sa laban kay Manny Pacquiao sa Mayo 2. Ginawa ni Mayweather ang pahayag habang siya ay dumadalo sa NBA All-star game 2015 edition sa Madison Square Garden sa New York. Una rito, bumandera sa buong mundo ang impormasyon kamakalawa na selyado na ang $250 million …

    Read More »
  • 17 February

    P.2-M reward vs killer ng brodkaster

    CEBU CITY – Naglaan ang Bohol provincial government at LGU-Tagbilaran City ng reward money sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon sa gunman na pumatay sa isang brodkaster nitong umaga ng Sabado. Si Bohol Gov. Edgar Chatto ay nagpalabas ng P100,000 habang P50,000 mula sa city officials at may private sector na magbibigay para sa karagdagang halaga. Layunin ng pagbibigay ng …

    Read More »
  • 17 February

    Babala ni Duterte minaliit ng Palasyo

    MINALIIT ng Malacañang ang babala ni Davao City Mayor Rodrigo Duterte na dapat umaksiyon agad si Pangulong Benigno Aquino III para pigilan ang inaasahang kaguluhan sa Central Mindanao bunsod nang pagkaunsyami ng Bangsamoro Basic law (BBL). Ayon kay Communications Secretary Herminio Coloma Jr., lahat ng operasyon ng militar at pulisya ay nasa ilalim ng pangkalahatang pangangasiwa ng Pangulo bilang commander …

    Read More »
  • 17 February

    Panggising sa katotohanan

    Ang trahedyang sinapit ng 44 na PNP-Special Action Force (SAF) commandos na minasaker ng mga rebeldeng Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) ay nagsilbing panggising sa katotohanan. Ayon sa paliwanag ni Police Director Getulio Napeñas, ang sinibak na SAF commander nang dahil sa pagkasawi ng kanyang mga commando, ay siya ang dapat sisihin sa naganap. …

    Read More »
  • 17 February

    14-anyos dalagita pinatay saka itinapon ng rapist sa damuhan

    NAAAGNAS na nang matagpuan ang bangkay ng isang dalagita na unang iniulat na nawawala makaraan makipag-inoman sa mga kaibigan sa Marilao, Bulacan. Sa ulat na nakalap sa Marilao police, kinilala ang biktimang si Analyn de Guzman, 15-anyos, out of school youth, at residente ng Brgy. Lambakin, sa naturang bayan. Ang bangkay ng biktima ay natagpuan sa madamong bahagi sa nabanggit …

    Read More »
  • 16 February

    Amazing: World’s first robot-staffed hotel bubuksan sa Japan

    PAANO kung maaari kang mag-check-in sa isang hotel, na ang iyong luggage at inorder na kape ay dadalhin sa iyo ng isang team ng mga robot? Umaasa ang bagong hotel sa theme park sa Nagasaki, Japan na maging katotohanan ang pangarap na ito. Ang Henn-na Hotel (ibig sabihin ay “strange hotel”) ay magkakaroon ng staff na androids na magsisilbi bilang …

    Read More »
  • 16 February

    Annual Feng Shui updates

    KUNG nagbabasa ka ng feng shui, tiyak na pamilyar ka sa annual feng shui updates. Sa pagtunton sa galaw ng tinaguriang good and bad feng shui stars, or energies, ang classical feng shui school na tinaguriang the flying star school ay inirerekomenda sa bawat taon ng specific placement ng feng shui cures sa bahay o opisina upang mapalakas at masalubong …

    Read More »
  • 16 February

    Ang Zodiac Mo (Feb. 16, 2015)

    Aries (March 21 – April 19) Mag-ingat na huwag mapangibabawan ng iyong ambisyon ang softer side ng iyong personalidad. Taurus (April 20 – May 20) Inaapura ka ba ng isang tao, hindi ka niya inirerespeto. Ang iyong time table ang prayoridad. Gemini (May 21 – June 20) Sundin ang payo ng mga kaibigan at associates kapag sinabi nilang dapat kang …

    Read More »
  • 16 February

    Panaginp mo, Interpret ko: Tagos sa langit ang bisyon  

    Gud a.m. po, Ttnong ko lng po kc nanaginip ko sa aking pg higa tgos ang aking mta sa kesame at kta ko ang npakraming bituin sa langit, Ferdie 49 yrs old. (09486289008)   To Ferdie, Ang panaginip ukol sa kaliwang mata ay nagre-represent ng moon, samantalang ang kanan ay ang sun. Ang mata ay may kinalaman din sa enlightenment, …

    Read More »
  • 16 February

    It’s Joke Time: Pawikan

    (Nakatambay sa barko ang Cebuanong nagbebenta ng Pawikan at isang mayabang na Ilonggo) (Hindi nagtagal may tumalon na Dolphin) Cebuano: PARE! Dolphin! Ilonggo: (Nagmamayabang) Anong Dolphin?! Hipon lang sa amin ‘yan. (Kinagabihan hindi nakatulog ang Cebuano sa sobrang yabang ng Ilonggo… inilabas niya ang Pawikan at inilagay sa ulo ng Ilonggo) Ilonggo: Putang ina! Anong ginagawa ng Pawikan mo rito?! …

    Read More »