Tuesday , December 23 2025

TimeLine Layout

November, 2016

  • 30 November

    Mega Rehab Center pinasinayaan ng Pangulo (Sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija)

    PINANGUNAHAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagbubukas ng Mega Rehabilitation Center sa Fort Magsaysay, Nueva Ecija. Kasunod ito ng ipinatupad na Oplan Tokhang ng PNP na bahagi ng kampanya kontra ilegal droga ng Duterte administration. Ang 10-ektaryang mega facility ay may kapasidad na 10,000 drug dependents na nauna nang sumuko sa pamahalaang Duterte. Ang tinaguriang Drug Abuse Treatment and Rehabilitation …

    Read More »
  • 30 November

    Dilawan pababagsakin si Duterte gamit ang Marcos Burial

    MINALIIT ng mga lider ng administrasyon at oposisyon sa Kamara ang anila’y paggamit ng mga kritiko ng gobyerno, kabilang ang tinaguriang ‘yellow forces’ ng nakaraang administrasyon, ang paghimlay kay dating Pangulong Ferdinand Marcos sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City, bilang dahilan upang mapatalsik sa puwesto si Pangulong Rodrigo “Rody” Duterte. Sa magkahiwalay na panayam kina Deputy Speaker Raneo …

    Read More »
  • 30 November

    Babaeng Russo huli sa Cocaine

    NAIA arrest

    ISA pang dayuhan ang naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 nang tangkaing magpuslit ng cocaine sa bansa, ayon sa Bureau of Customs NAIA kahapon. Kinilala ni NAIA Customs District III  Collector Ed Macabeo ang suspek na si Anastasia Novopashina, 32, inaresto makaraang matagpuan ng mga Customs examiner ang ilegal na droga sa kanyang bagahe. Batay sa kanyang …

    Read More »
  • 30 November

    Ika-153 araw ni Bonifacio pangungunahan ng Caloocan City

    Caloocan City Mayor Oscar “Oca” Malapitan

    PANGUNGUNAHAN ng pamahalaang lungsod ng Caloocan sa pamumuno ni Mayor Oscar Malapitan, katuwang ang Cultural Affairs and Tourism Office (CATO), ang pagdiriwang sa ika-153 kapanganakan ni Gat Andres Bonifacio sa kanyang bantayog ngayong araw. Sisimulan ang pagdiriwang dakong 7:00 am at inaasahang dadaluhan ng libo-libong mga mag-aaral, residente, at lokal na mga empleyado ng lungsod. Kabilang sa programa ang pagtataas …

    Read More »
  • 30 November

    Dohle seafront crewing tiwala sa Pinoy seafarers

    PINANGUNAHAN ng Dohle seafront crewing ang pagtalakay sa pangangalaga sa kaligtasan at kapakanan ng mga seaman sa buong mundo kasunod ng mga ulat ng kidnapping sa ilang seaman gawa ng mga pirata. Ayon kay President Cliff Davies, mahalagang malaman sa buong mundo kung paano matitiyak na napapangalagaan ang kaligtasan at seguridad ng mga seaman habang sila ay nasa laot. Dahil …

    Read More »
  • 30 November

    P570-M pondo para sa rehab centers inilaan na ng DOH

    Bilang suporta at pakikiisa sa kampanya laban sa ilegal na droga ni Pangulong Rodrigo “Digong” Duterte, maglalaan ang Department of Health (DoH) ng P570 milyones para magtayo, mag-upgrade, mapalawak at maisaayos ang 16 public drug treatment and rehabilitation centers (TRCs) sa bansa. At ‘yan ay suportado ng mga mambabatas na isa riyan ay si Surigao del Sur Rep. Johnny Pimentel. …

    Read More »
  • 30 November

    Ret. Col. Jeofrey Tupas kailangan sa BI (Paging: SoJ Vitaliano Aguirre)

    Nagkaroon nga pala tayo ng pagkakataon na marinig ang panig ng naging favorite subject noon dito sa Bulabugin na si retired military Colonel Jeofrey Tupaz. Noon nga naman ay sunod-sunod na batikos ang kanyang inabot bunsod na rin sa reports na ipinarating sa atin. Ipinaliwanag niya sa inyong lingkod ang kanyang mga naging hinaing o sama ng loob dahil na-misunderstood …

    Read More »
  • 30 November

    Pasko sa Divisoria

    HULING araw na ng Nobyembre, at ibig sabihin lang nito ay hindi na talaga mapipigilan ang pagdating ng Pasko. At ‘pag ganitong papalapit nang papalapit ang Kapaskuhan, aligaga na ang lahat sa kanilang pamimili ng panregalo. Kontodo isip na rin ang marami kung paano pagkakasyahin ang pera para mairaos nang maayos ang sinasabing isa sa pinakamasayang holiday sa bansa. Praktikalidad …

    Read More »
  • 30 November

    ‘Bibingka’ ni De Lima 7-taon inaalmusal, nilantakan ni dayan

    MGA hangal ang nagsasabing kabastusan kay suspected illegal drugs protector Sen. Leila De Lima ang pag-urirat sa kanyang immoral na relasyon kay Ronnie Dayan na dati niyang driver at ex-lover cum bagman. Kung karaniwang mamamayan lang na wala sanang puwesto sa gobyerno si De Lima ay maari pang matawag na pambabastos ang pagdiin sa kanyang sexcapade kay Dayan at sa …

    Read More »
  • 30 November

    De Lima, inamin na nag-text sa anak ni Dayan

    SINABI ni Ronnie Dayan, na pinigilan siya ni De Lima na humarap sa House Probe. Bagay na hindi naman itinanggi ni Sen. Leila De Lima. Ginawa niya raw ito upang maprotektahan ang sarili sa persecution na ginagawa ng kasalukuyang administrasyon. Ang nasabing mensahe ay ipinadala niya thru Viber message sa anak ni Dayan. Dahil sa ginawang pag-amin ni De Lima, …

    Read More »