BINAWIAN ng buhay ang isang 25-anyos preso habang nilalapatan ng lunas sa pagamutan, makaraan atakehin ng heat stroke dahil sa matinding init ng panahon at siksikan sa detention cell no. 3 ng Manila Police District (MPD) PS3, sa Sta. Cruz, Maynila. Ayon kay MPD Homicide Section PO2 Jonathan Ruiz, isinugod ng mga tauhan ni MPD PS3 commander, Supt. Arnold Tom …
Read More »TimeLine Layout
August, 2017
-
11 August
P1.8-M shabu nadiskobre sa nagliyab na motorsiklo (Sa Antipolo City)
NADISKOBRE ng mga tauhan ng Antipolo PNP ang 280 grams ng shabu, tinatayang P1.8 milyon ang halaga, sa nagliyab na motorsiklo habang tumakas ang suspek nang makita ang nagrespondeng mga pulis sa lungsod ng Antipolo kahapon. Sa ulat ni Insp. Rolly Baylon, PCP-1 commander, kinilala ang suspek na si Rick Santos, 42, nakatira sa 09 Doña Justa Subd., Angono, Rizal. …
Read More » -
11 August
QC COP, 4 pulis sibak sa kotong
SINIBAK bilang hepe ng Quezon City Police District (QCPD) Fairview Police Station 5 si Supt. Bobby Glenn Ganipac makaraan kotongan ng kanyang tatlong tauhan ang kanilang inarestong hinihinalang drug pusher nitong nakaraang Linggo. Ayon kay QCPD District Director, Chief Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, kanyang tinanggal sa posisyon si Ganipac dahil sa “command responsibility” makaraan kotongan ng kanyang mga tauhan …
Read More » -
11 August
No gift policy — NPDC
ISANG kakaibang polisiya ang ipinaiiral ngayon sa National Parks Development Committee (NPDC) at masasabing kauna-unahan na mangyayari sa anumang ahensiya ng pamahalaan – ang ‘No Gift Policy.’ Napag-alaman na isang malaking sign na nakalagay ang mga katagang ‘No Gift Policy’ ang ngayon ay sumasalubong sa mga nagtutungo sa tanggapan ni Penelope Belmonte, executive director ng NPDC. Ayon kay Atty. Paul …
Read More » -
11 August
P9 pasahe sa jeepney ihihirit ng transport group
MULA P8 pasahe, nais ng grupong PCDO-Acto na gawin itong P9 dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng diesel at matinding trafik sa mga kalsada. Sinabi ni Efren de Luna, presidente ng nabanggit na grupo, ihahain nila ang kanilang petisyon sa dagdag-singil sa pasahe sa susunod na linggo sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board. Bukod sa mataas na …
Read More » -
11 August
Utos ng Sandiganbayan: Honasan, 8 pa arestohin sa P30-M pork barrel scam
INIUTOS ng Sandiganbayan ang pag-aresto kay Senator Gringo Honasan bunsod ng sinasabing irregular procurement ng livelihood projects, P30 milyon ang halaga na inilabas mula sa kanyang Priority Development Assistance Fund (PDAF). “The Court finds that there is sufficient probable cause to hold the accused in this case for trial and issue a warrant of arrest for them,” ayon sa Sandiganbayan …
Read More » -
11 August
Museo Pambata casino ‘err’ Rizal park hotel ganansiya para kanino?!
SI Gat Jose Rizal, tinindigan ng fotobam sa monumento, ngayon naman ay ipinangalan sa casino. Ay kasawiang tunay sa doktor na Pambansang Bayani ng bayan. Hindi natin alam kung nakatutuwa o nakaiinis ang paggamit sa pangalan ni Gat Jose Rizal sa isang hotel na dating Army Navy Club. Binuhay umano ang Army Navy Club (katabi ng Museo Pambata) at ginawang …
Read More » -
11 August
‘Recognition as Filipino for sale’ imbestigahan na!
ISANG ulat ang ating natanggap na umabot na raw sa tanggapan ng OMBUDSMAN ang lumabas na report tungkol sa anomalya ng pagkakaloob ng ‘instant’ recognition as Filipino citizens na naganap noong panahon ng panunungkulan ni RIP ‘este RPL (Ronaldo P. Ledesma) as Officer-In-Charge ng Bureau of Immigration (BI). Umabot na umano ito noon sa kaalaman ni dating Ombudsman Merceditas Gutierrez …
Read More » -
11 August
Ang ‘Narco-Politics’ at si Kenneth Dong
UMAMIN ang ilang senador na tumanggap ng campaign funds mula sa suspected bigtime illegal drugs trafficker na si Kenneth Dong, ang itinuturong “middleman” sa importasyon ng P6.4-B shipment ng illegal drugs na nasabat sa raid ng pinagsanib na puwersa ng Bureau of Customs (BOC), Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), at National Bureau of Investigation (NBI) noong Mayo sa Valenzuela City. …
Read More » -
11 August
Valenzuela COP Col. Mendoza kaisa ni “Bato” laban sa droga
TULAD ni PNP chief, Director General Ronald “Bato” dela Rosa, ang mithiing tapusin ang problema sa ilegal na droga ay siya ring layunin ni Valenzuela chief of police (COP) Supt. Ronaldo Mendoza. Kasama ang ilang beteranong mamamahayag, nakausap ko si Mendoza at mahinahon na ipinaliwanag ang kanilang kampanya laban sa droga. Sa gitna ng pagpapaliwanag ni Mendoza, tumimo kaagad sa …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com