Saturday , December 20 2025

Classic Layout

Direk Ruel Bayani, itinalagang PH ambassador ng Asian Academy Creative Awards

ISANG karangalan ang hatid ng batikang direktor na si Ruel Bayani matapos italaga bilang ambassador ng Pilipinas sa prestihiyosong Asian Academy Creative Awards (AAA). Kasama niya sa listahan ang mga respetadong media executives mula sa Myanmar, Vietnam, New Zealand, Australia, Indonesia, India, Bangladesh, Sri Lanka, Cambodia, China, Hongkong, Japan, at Thailand na pinili ng AAA na maging ambassador para sa …

Read More »
Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

Mahihilig sa malls mag-ingat

NAKAAALARMA hanggang ngayon ang pagkalat ng coronavirus, at ilang bansa na ang apektado. Nanganganib na rin magkaroon ng mga travel ban gaya sa bansang Japan o Italy. Kaya ang mga kababayan nating nagbabalak mag­bakasyon sa ating bansa ay naudlot o ipinagpaliban sa pangamba na ‘di agad makabalik sa pinang­galingan kung saan naroon ang kanilang trabaho lalo na ‘yung may pamilyang …

Read More »
Krystall herbal products

Krystall Yellow Tablet at Herbal Oil sagot sa masamang pakiramdam

Dear Sister Fely Guy Ong, Share ko lang ukol sa Yellow Tablet at Krystal Herbal Oil. Ilang beses na po ako sinumpong ng sakit ng tiyan at sikmura. Dalawang beses nag-emergency at pumunta ng hospital, may ipinainom, injection, umokey naman, uwi na ako. Niresetahan ng gamot. Makalipas ang ilang linggo sinumpong ulit, nagreseta ulit, ‘di ko na binili. Gastro acidic …

Read More »
PHil pinas China

China’s 3,000 PLA sa ‘immersion mission’ sa PH ipinabeberipika

NAALARMA ang Palasyo sa ulat na may 3,000 miyembro ng People’s Liberation Army (PLA) ng China ang kasalukuyang nasa Filipinas. Isiniwalat kamakalawa ni Sen. Panfilo Lacson na nakatanggap siya ng report na may 2,000 hanggang 3,000 miyembro ng PLA ang nasa bansa at maaaring nasa immersion mission. Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, nakatitiyak siya na kumikilos ang militar upang …

Read More »

Imbestigasyon sa POGOs iniutos ng Pangulo

WALANG plano si Pangu­long Rodrigo Duterte na magbaba ng suspensiyon sa operasyon ng offshore gaming operations sa kabila ng mga ulat na pagkaka­sangkot sa mga ilegal na aktibidad. “If there is anything wrong with the system on POGO, then we have to review it, evaluate it, and then streamline it, improve it. All agencies involved must do their job so …

Read More »
PAGCOR POGOs

Hindi kawalan kung mawawala ang POGOs — Win

TINITIYAK ni Senador Sherwin Gatchalian na hindi kawalan sa bansa kung mawawala o tulu-yang ipasasara ang Phi-lippine Offshore Gaming Operators (POGO). Sa pagdinig ng senado ukol  sa alegasyon ng pag-labag sa anti-money laun-dering matapos mabuking na nagpapasok ng milyon-milyon dolyar sa palipa­ran ang mga Chinese national na dumarating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Off-shore Gaming Operators …

Read More »
Anti-Money Laundering Council AMLC

AMLC ginisa sa senado

IGINISA ni Blue Ribbon Committee Chairman Senador Richard Gordon ang opisyal ng Anti-Money Laundering Council ( AMLC) sa isina­gawang pagdinig ng senado ukol sa sa alegasyon ng paglabag sa anti-money laundering matapos mabuking na nagpapapasok ng milyon-milyong dolyar sa paliparan ang mga Chinese national na du-ma­rating sa bansa na kalaunan ay nagiging empleyado ng Philippine Offshore Gaming Opera-tors (POGOs). Sa …

Read More »

Pari sinuntok ng varsity cager ng Adamson’s Falcons

HAWAK ng Manila Police District – General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang varsity player ng Adamson Uni­versity matapos itulak at suntukin ang isang pari sa loob ng gym ng esku­welahan sa Ermita, Maynila. Kinilala ang varsity cager na si Papi Sarr, 28, Cameron national, nanu­nuluyan sa Falcon Nest., Adamson Uni­versity sa San Marcelino St., Ermnita. Ayon sa ulat, nag­karoon …

Read More »

Sunog sa Malabon… 3 sugatan, 150 pamilya nawalan ng tirahan

TATLO  katao, kabilang ang isang fire volunteer ang nasugatan habang nasa 150 pamilya ang nawalan ng tirahan makaraang sumiklab ang sunog sa isang residential area sa Malabon City, kahapon ng madaling araw. Ayon kay Malabon City Fire Marshal Supt. Michael Uy,  dakong 3:00 am nang sumiklab ang sunog sa bahay na inuupahan ni Lita Quitlong sa Letre, Brgy. Tonsuya, hanggang mabilis …

Read More »

Espekulasyon sa chopper crash itigil — Palasyo

NANAWAGAN ang Palasyo sa publiko na iwasan gumawa ng mga espekulasyon kaugnay sa pagbagsak ng helicopter na lulan ang matataas na opisyal ng Philippine National Police (PNP) kahapon sa San Pedro, Laguna. “We ask the public to refrain from making speculations relative to the circumstances as we wait for the official results of the probe on the incident,” sabi ni …

Read More »