Sunday , December 21 2025

Blog Layout

Manok sa 2016 ihahayag sa Hunyo — PNoy

IHAHAYAG na ni Pangulong Benigno Aquino III bago matapos ang susunod na buwan (Hunyo) ang kanyang manok para sa 2016 presidential derby. Sa isang ambush interview kay Pangulong Aquino sa Negros Occidental, inamin niya na tuloy-tuloy pa rin ang pagpupulong ng Liberal Party hinggil sa kanilang magiging standard bearer sa 2016 presidential polls. “Tuloy tuloy pa ‘yan. There’s no change. …

Read More »

Hijack bulilyaso sa driver na ‘di lisensiyado (3 arestado)

BIGONG maidispatsa nang tuluyan ng dalawang itinurong hijacker  ang kanilang mga dinambong na television sets nang masita sa isang police checkpoint at walang naipresentang lisensiya at dokumento ng sasakyan sa Tondo, Maynila kamakalawa. Kinilala ang mga naarestong hijacker na sina Aljohn Villanueva, 28, ng Balut, Tondo; at Rodolfo Teodosio, 50, ng Valenzuela City. Kasunod na naaresto ang pinaniniwalaang financier at …

Read More »

Mary Jane nawa’y tuluyang maligtas sa firing squad

MEDYO nakahinga nang maluwag ang inyong lingkod matapos ipagpaliban ng Indonesia ang nakatakdang pagbitay kay Mary Jane Veloso. Ito ay malinaw na silahis ng pag-asa na maaari pang magbago ang kasalukuyang mapait na kapalarang dinadanas niya.  Nagpapasalamat tayo sa Diyos at lahat ng kumilos upang magbago ang isip ni Pangulong Joko Widodo ng Indonesia. Siyempre Nagpapasalamat din tayo kay Pangulong …

Read More »

Tinabla si PNoy ng mga Obrero

NGAYONG araw ginugunita ang Labor Day.  Taon-taon, sa tuwing sasapit ang May 1, kaliwa’t kanang kilos-protesta ang inilulunsad ng iba’t ibang grupo ng mga manggagawa na  kalimitan ay makikitang nagtitipon-tipon sa paanan ng Mendiola Bridge. Bukod sa paulit-ulit na hinaing ng mga manggagawa, ang usapin sa contractualization ang higit na tumatampok nga-yon dahil sa lupit na idinudulot nito sa mga …

Read More »

Wanted na anak ni Napoles nasa PH pa rin — BI

NASA Filipinas pa rin si Jeane Catherine Napoles sa kabila nang hindi niya pagharap sa Court of Tax Appeals (CTA) kamakalawa na nagresulta sa paglalabas ng warrant of arrest laban sa kanya. Ayon sa ulat ng Bureau of Immigration (BI), wala silang data na bumiyahe ang anak ni Janet Lim-Napoles sa mga nakalipas na buwan. Gayonman, dahil sa umiiral na …

Read More »

Groom ipinaaresto ng pamilya ng bride (‘Di sumipot sa kasal)

INARESTO ng mga awtoridad ang isang lalaki sa Quezon city makaraan hindi nito siputin sa kasal ang kanyang bride-to-be nitong Miyerkoles. Sinasabing mismong ang pamilya ng babae ang nagreklamo sa pulisya laban sa lalaki. Kuwento ng ama ng babae, ilang oras nilang hinintay ang groom ngunit hindi siya nagpakita sa kasalan. Ngunit depensa ng lalaki, na-flat ang gulong ng kanyang …

Read More »

Multa sa antuking sekyu sa Cebu Capitol pinalagan

CEBU CITY – Inalmahan ng mga guwardiya mula sa GDS Security Agency na naka-assign sa Cebu Provincial Capitol ang anila’y hindi makatarungan na halaga ng multa na ipinapataw sa sino mang mahuhuling natutulog sa gitna ng kanilang trabaho. Mismong si Cebu Gov. Hilario Davide III ang nagpahayag na dapat lamang na parusahan ang mga guwardiya na nagpapabaya sa kanilang trabaho …

Read More »

Sanhi ng pagtagilid ng PNR train iniimbestigahan pa

HINDI pa matukoy ng pamunuan ng Philippine National Railways (PNR) ang sanhi ng pagkakadiskaril ng tren nito nitong Miyerkoles.  Magugunitang 80 ang sugatan sa naturang insidente nang dalawa sa tatlong bagon ng tren ang tumagilid habang naputol ang ilang bahagi ng riles. Ayon kay PNR Spokesperson Paul de Quiros, mahirap bumuo ng konklusyon habang iniimbestigahan pa ang aksidente lalo’t nabatid …

Read More »

8-anyos birthday girl hinalay ng magsasaka

NAGA CITY – Imbes maging masaya, matinding takot ang bumalot sa kaarawan ng isang bata sa Unisan, Quezon kamakalawa. Ito’y makaraan halayin ng isang magsasaka na hindi muna ipinasapubliko ang pangalan, ang 8-anyos biktima. Ayon sa nakalap na impormasyon, binisita ng suspek ang biktima sa kanilang bahay sa kaarawan ng bata. Ngunit nang magkaroon ng pagkakataon ay pinaghahalikan ng suspek …

Read More »

Mindanao walang brownout sa laban ni Pacman — NEA

TINIYAK ng National Electrification Administration (NEA) na walang mararanasang brownout sa buong Mindanao sa laban ni Manny Pacquiao sa Linggo, Mayo 3. Sinabi ni NEA Administrator Edith Bueno, dahil isang malaking event ang bakbakang Pacquiao-Floyd Mayweather Jr. ay pinaghandaan na ito ng mga electric cooperative. Bukod dito, panigurado aniyang may generator sa mga gym at iba pang lugar kung saan …

Read More »