Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Olongapo Mayor Rolen Paulino, ‘komisyoner’ din pala

NASA balag ngayon ng alanganin ang kandidatura ni Olongapo City Mayor Rolen Paulino na nahaharap sa mga kasong kriminal at administratibo kasama ang anim pang iba sa Tanggapan ng Ombudsman dahil sa pagbebenta ng prime lot na pag-aari ng pamahalaang lokal sa isang pribadong korporasyon noong nakaraang taon.  Ayon kay Olongapo City Councilor Eduardo Piano, kinasuhan niya si Paulino na …

Read More »

Senior citizen natuwa sa tinanggal na PLDT annoying messages sa kanilang telepono

SIR JERRY, ako po ang asawa ng nagpadala sa inyo ng email regarding PLDT annoying reminders, labis-labis po akong nagpapasalamat sa inyo Sir, dahil kaninang umaga June 3, on or about 9 am tumawag po ang customer service nila sa amin upang ipaalam na aalisin na nila ang annoying reminders na natupad po naman. Humingi rin po sila ng dispensa sa nangyari. …

Read More »

Ceasefire apela ng Binay camp kay Grace Poe

NAIS nang tapusin ng kampo ni Vice President Jejomar Binay ang umiigting na pakikipagbangayan kay Sen. Grace Poe.  Sa press briefing, humarap si Makati Rep. Abi Binay bilang kinatawan ng kanyang pamilya at nagpahayag nang kahandaang makipag-usap kay Poe upang makipagkasundo.  Aniya, mahirap para sa kanilang pamilya lalo na sa kanyang ama na makipagbangayan sa senador.  “Gusto ko nang tuldukan …

Read More »

Lagim ng DMCI sa Binondo

MATAPOS lapastanganin ang monumento ng Pambansang Bayani na si Dr. Jose Rizal at babuyin ang Ninoy Aquino International Airpot (NAIA) Terminal 1, ngayon naman ang Chinatown sa Binondo ang sinasalaula ng DM Consunji Inc. o DMCI. Kung matatandaan, ang DMCI ang developer ng Torre de Manila na ipinoprotesta ng publiko dahil sinira nito ang view ng monumento ni Dr. Jose …

Read More »

Pag-isipan natin

ISANG blogger na may pangalang Fallen Angel ang sumulat tungkol sa umano ay katangian na-ting mga Pilipino. Sabi niya malaki ang papel n ito kung bakit ganito tayo ngayon. Ibig ko lamang ibahagi sa inyo ang sinulat niya. May mga konti akong pagsasaayos na ginawa nang isinalin ko ang kanyang teksto mula sa wikang Ingles. Tayong mga Pilipino ay bastos, …

Read More »

Dalagita 5 taon sex slave ng stepfather

VIGAN CITY – Iniimbestigahan ng PNP-Sta. Cruz ang panggagahasa ng isang lalaki sa kanyang stepdaughter na umabot ng limang taon sa bayan ng Sta. Cruz, sa lalawigan ng Ilocos Sur. Ayon kay Insp. Simon Damolkis, hepe ng PNP-Sta. Cruz, limang taon nang ginagahasa ng suspek ang biktima simula noong 12-anyos pa lamang nang magsama ang lalaki at ang ina ng …

Read More »

Pekeng NBI Agent 2 TV crew tiklo sa entrap ops

ARESTADO ang isang nagpakilalang ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) at dalawang cameraman ng isang TV network sa isang entrapment operation ng Quezon City Police District (QCPD) sa Visayas Avenue, Quezon City. Kinilala ang mga suspek na si Victor Lee, nagpakilalang NBI agent; Timothy James Tibahaya, nagpakilalang cameraman; at Bobi Zamora, sinasabing assistant cameraman.  Sa imbestigasyon, nagtungo ang mga …

Read More »

7 menor de edad kinatalik Kano arestado

CEBU CITY – Inilunsad ng Bogo City Police Office ang crackdown laban sa grupo ng human traffickers na kumikilos sa lugar makaraan nahuli ang isang American national na may ikinakanlong na pitong menor de edad sa loob mismo ng kanyang bahay. Sinabi ni Childrens’ Legal Bureau spokesperson Atty. Noemi Truya, tinutugis pa ang mga kasamahan ng suspek na nambugaw ng …

Read More »

Itinayo naming paaralan ‘wag gibain (Apela ng IPs sa DepEd)

DAVAO CITY – “Matagal kaming naghintay sa gobyerno para magtayo ng mga paaralan sa aming komunidad, ngunit ngayo’y nakapagpatayo kami ng mga paaralan sa sarili naming pagsisikap, nais nila itong ipasara?” ito ang himutok ni Datu Kailo Bantulan sa press conference nitong Lunes. Si Bantulan ay isa sa mga Datu (traditional leader) ng indigenous peoples organization na Salugpongan Ta’Tanu Igkanuon …

Read More »

Maraming negosyo ipasasara (Sa Valenzuela)

  INATASAN ni Valenzuela city mayor Rex Gatchalian ang agarang pagpapasara ng lahat ng mga establisyementong walang Fire Safety Inspection Certificates o (FSIC). Ito ay kasunod ng kautusan ni Presidente Benigno Aquino III upang hindi na maulit ang nangyaring insidente sa pagkasunog ng pabrika ng tsinelas. Aabot sa ilang libong mga establisyemento ang ipasasara makaraan magpalabas ng General Executive Order …

Read More »