Friday , December 19 2025

Blog Layout

P3.5-T 2017 budget ipinanukala ng Duterte admin

 KABUUANG P3.35 trilyon hanggang P3.5 trilyon ang ipanunukalang 2017 national budget ng Duterte administration. Sinabi ni incoming Budget Sec. Benjamin Diokno, sinisimulan na nilang balangkasin ang hihilinging budget sa Kongreso para maisumite agad ito pagkatapos ng unang State of the Nation Address (SONA) ni President-elect Rodrigo Duterte. Ayon kay Diokno, kailangan nila ang nabanggit na budget para masimulan agad ang …

Read More »

Task Force sa 7 Indonesians na kinidnap binuo

KASUNOD nang pagdukot ng Abu Sayyaf sa pitong Indonesian national, bumuo ng bagong “Joint Task Force Tawi-tawi” ang mga awtoridad para guwardiyahan ang katubigan patungong Indonesia at Malaysia. Sinabi ni Major Filemon Tan Jr., tagapagsalita ng Western Mindanao Command (Wesmincom), mahigpit na nilang tinututukan ang seguridad sa lugar bago pa man ang pinakahuling pagbihag. Gayonman, aminado si Tan na may …

Read More »

Manikyurista patay sa saksak ng live-in na nagtangkang maglaslas sa leeg (Ina sugatan)

PATAY ang isang 42-anyos manikyurista habang sugatan ang kanyang ina nang pagsasaksain ng live-in partner na nagtangkang magpakamatay sa pamamagitan ng pagsaksak sa sarili sa Las Piñas City kamakalawa ng gabi. Binawian ng buhay bago idating sa Las Piñas District Hospital ang biktimang si Elena Gamboa, 42, ng 79 Diamond St., Phase 5, BF Martinville, Brgy. Manuyo Dos, Las Piñas …

Read More »

Parish priest ng Loboc nagbigti

CEBU CITY – Nagdadalamhati ang parishioners ng St. Peter the Apostle Parish Church ng Loboc, Bohol makaraan magpatiwakal ang kanilang parish priest na si Rev. Fr. Marcelino Biliran, 56, gamit ang electrical wire extension. Ayon kay SPO1 Glenn Alvin Gam ng Loboc Police Station, malapit sa tao si Father Mar. Tahimik daw at masigasig sa kanyang panunungkulan sa simbahan. Kuwento ni …

Read More »

Manila Water, lumahok sa Sumakah Festival

Lumahok ang Manila Water, ang silangang konsesyonaryo ng tubig at alkantarilya sa kakatapos lamang na Sumakah (Suman, Mangga, Kasoy and Hamaka) Festival na ginanap sa lunsod ng Antipolo na itinampok ang delicacies o sikat na pagkain ng siyudad. Nagkaroon ng isang parada na sinimulan mula Sumulong Park hanggang Ynares Center. Binigyang-buhay ni Kuya Pat, ang mascot ng Manila Water ang …

Read More »

Mekaniko tigok sa pagbangga sa kotse

BINAWIAN ng buhay ang isang 53-anyos mekaniko nang bumangga ang minamanehong motorsiklo sa isang rumaragasang kotse sa kalsadang madalas mangyari ang aksidente na hinihinalang may “spirit of death”  sa Makati City kahapon. Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital ang biktimang si Edwin Datu, may asawa, mekaniko sa Camano Auto Repair Shop, ng 2300 Tramo St., Brgy. 64, Zone 8, …

Read More »

Shabu lab sa Mindanao unang target ng DILG

KORONADAL CITY – Hindi na ikinagulat ni incoming DILG Secretary Mike Sueno ang dami ng drug surenderees sa Region 12 dahil nasa ikatlong puwesto aniya ang rehiyon pagdating sa dami ng mga personalidad na may kaugnayan sa ilegal na droga. Sunod aniya ito sa Region IV-A na ang number one naman ay Metro Manila. Ayon kay Sueno, mayroon malalaking shabu …

Read More »

Holdaper utas sa pulis (Nasukol kaya nang-hostage)

PATAY ang isang 41-anyos lalaki nang manlaban sa bagitong pulis makaraan holdapin ang isang empleyada at nagawa pang mang-hostage ng isang pasahero sa jeep upang hindi maaresto sa Muntinlupa City kamakalawa ng umaga. Agad binawian ng buhay dahil sa isang tama ng bala sa dibdib ang suspek na kinilalang si Edelberto G. Patricio, walang hanapbuhay, alyas Buboy, at nakatira sa …

Read More »

Chinese trader arestado sa tinderang minolestiya

ZAMBOANGA CITY- Arestado ang isang negosyanteng Chinese national makaraan molestiyahin ang 17-anyos niyang tindera sa bayan ng Sindangan, Zamboanga del Norte. Kinilala ng Sindangan municipal police station ang suspek na si Yanhuang Zhang Xie alyas Jumong, 23, residente ng Fujien, Xiamen, China, at pansamantalang nakatira sa inuupahan nilang bahay sa Brgy. Disud sa nasabing bayan. Mismong ang tiyahin ng dalagitang …

Read More »

Call center agent natagpuang patay sa gusali ng Makati

MAKARAAN ang tatlong araw, natagpuang patay ang isang call center agent sa 5th level basement ng isang gusali sa Hernandez Street, San Lorenzo Village sa Makati City dakong 3 p.m. nitong Lunes. Sa imbestigasyon ng Makati PNP, lumalabas na 9:30 p.m. noong Hunyo 24 ay namataan ng anak ng caretaker ng gusali na si Regine Dioleste, na pumasok nang walang …

Read More »