Saturday , December 20 2025

Blog Layout

Kudeta vs Duterte posible — Evasco

NANANATILING posible ang kudeta laban kay Pangulong Rodrigo Duterte, pahayag ni Cabinet Secretary Leoncio Evasco. Ito ay dahil mayroong mga personalidad na hindi masaya sa pamamalakad ni Duterte sa administrasyon, katulad ni Senador Antonio Trillanes IV at Liberal Party, aniya. Gayonman, sinabi ni Evasco, ang kudeta ay hindi magtatagumpay dahil sa high trust rating ni Duterte. Hindi ibinunyag ni Evasco …

Read More »

Magkaisa vs destab plot kay Duterte (CCP nanawagan)

NANAWAGAN ang Communist Party of the Philippines (CPP) sa samba-yanang Filipino na magkaisa para labanan ang ano mang pakanang destabilisasyon ng Amerika laban kay Pa-ngulong Rodrigo Duterte dahil sa kanyang posturang kontra-US. “The Filipino people must unite against any attempt of the US government to undermine Philippine national sovereignty and subvert efforts of the Duterte regime to promote an independent …

Read More »

Hiling kay Duterte: Narco-celeb list ‘wag isapubliko

HINILING ng Katipunan ng mga Artista sa Pelikulang Pilipino kay Pangulong Rodrigo Duterte na huwag isapubliko ang pangalan ng mga artistang sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ng aktor at pangulo ng nasabing grupo na si Rez Cortez, dapat ibigay muna sa kanila ang listahan para agad nilang masabihan ang nasabing mga artista.

Read More »

Krista Miller 2 FHM model, 4 pa tiklo sa drug bust (Celebrity clients sa droga ikinanta)

NAARESTO ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) ang sexy actress na si Krista Miller at dalawa pang dating modelo ng FHM magazine sa isinagawang magkahiwalay na anti-illegal drugs operation sa Quezon City at Valenzuela City, ayon sa ulat kahapon. Ayon kay QCPD director, Sr. Supt. Guillermo Lorenzo T. Eleazar, sina Miller o Krystalyn  Engle sa totoong buhay, …

Read More »

22-anyos Pinoy tiklo sa P20-M 5 kilos cocaine (Pagdating sa NAIA)

ARESTADO ang isang 22-anyos Filipino sa Ninoy Aquino International Airport makaraan makompiskahan ng halos limang kilo ng cocaine na tinatayang nasa P20 milyon ang halaga nitong Linggo ng hapon. Ayon kay Wilkins Villanueva, regional director ng Philippine Drug Enforcement Agency, si Jonjon Villamin ay naaresto sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3 dakong 4:40 pm. Dumating ang suspek sa …

Read More »

Same sex marriage isusulong ni Alvarez

PANGUNGUNAHAN ni Speaker Pantaleon Alvarez ang paghahain ng panukalang batas para maisakatuparan sa bansa ang same sex marriage. Sinabi ni Alvarez, naninindigan siya para sa karapatan at dignidad ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) community. Sinisimulan na niyang buuin ang draft nang ihahain niyang same sex marriage bill para maisampa ito sa Kamara sa lalong madaling panahon. Nakapaloob sa …

Read More »

Duterte nadapa sa sariling espada — Sen. Dick Gordon (Sa kadaldalan…)

  HINDI napigilan ni Sen. Richard Gordon ang pumuna sa ilang pananalita ni Pangulong Rodrigo Duterte na minsan ay nagiging kontrobersiyal. Ginawa ni Gordon, chairman ng Senate committee on justice and human rights, ang pahayag habang nasa kasagsagan nang pagdinig sa isyu ng extrajudicial killings sa bansa. Diretsahang sinabi ni Gordon na mismong “nadadapa ang presidente sa kanyang sariling espada” …

Read More »

Climate change responsibilidad ng lahat

BUNSOD nang pagkabigo ng pamahalaan na tugunan ang bantang panganib ng climate change ng mga komprehensibong pambansang polisiya, ang mga rehiyon, lalawigan at munisipalidad ay dapat kumilos para mapigilan ang mapaminsalang phenomenon, ayon kay Gonzalo Catan Jr., inventor, executive vice president ng Mapecon Charcoal Philippines. Aniya, kailangang kumilos upang mapahupa ang climate change ng mga hakbang na nakatuon sa pagpapabawas …

Read More »

2 utas sa ratrat sa Taguig

dead gun police

DALAWANG lalaki ang natagpuang patay nitong Lunes sa Tanyag Road, Zone 6, South Signal, Taguig City. Tadtad nang tama ng bala ang dalawang hindi pa nakikilalang lalaki na ang isa ay nilagyan ng karatulang “Pusher user ako huwag tularan”. Sa paligid ng bangkay ay nagkalat ang 20 basyo ng bala. Ayon sa ilang residente, nakarinig sila ng mga tunog ng …

Read More »

Tataas ang presyo ng langis—ECOP

SA susunod na mga buwan malamang  tumaas  ang  presyo ng langis, ayon kay Employers Confederation of the Philippines (ECOP) president Donald Dee sa pagtalakay ng usapin ukol sa nananatiling business climate sa bansa sa Tapatan sa Aristocrat media forum sa Malate, Maynila. Ipinunto ni Dee na walang mainam na aksiyon ang Estados Unidos para sa sariling interes nito kundi isulong  …

Read More »