Saturday , December 20 2025

Blog Layout

17 packs ng shabu iniwan sa sasakyan

shabu

NATAGPUAN ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI), ang ilang kilo ng pinaniniwalaang shabu, mula sa isang abandonadong sasakyan sa Binondo, Maynila, kamakalawa ng gabi. Ayon kay Atty. Ric Diaz, regional director ng NBI-National Capital Region, nakatanggap siya ng impormasyon isang pulang Nissan Sentra (WNL-700) ang may kargang shabu, sinasabing ide-deliver sa katimugang bahagi ng Metro Manila. Agad …

Read More »

Lifestyle check sa PNP inaapura

DAPAT nang isailalim sa lifestyle check ang mga miyembro ng Philippine National Police (PNP). Inihayag ito ni Senadora Grace Poe, nang malantad na maraming tiwaling pulis ang kwestiyonable ang mga ari-arian partikular si SPO3 Sta. Isabel, sangkot sa tokhang for ransom ng Korean trader na si Jee Ick Joo Binigyang diin ni Poe, sa nakaraang pagdinig sa Senado, sinabi ni …

Read More »

Kelot kritikal sa tandem

KRITIKAL ang kalagayan sa pagamutan ng isang 54-anyos lalaki makaraan pagbabarilin ng riding-in-tandem sa harap ng kanilang bahay sa Caloocan City kahapon ng umaga. Ginagamot sa Caloocan City Medical Center ang biktimang si Emerito Bilacaol, residente ng Block 10, Lot 24, Tanigue St., Samatad Compound, Dagat-Dagatan, Brgy. 14, ng nabanggit na lungsod. Batay sa ulat ni Caloocan Police deputy chief …

Read More »

Lola itinumba ng hired killer (Lider ng informal settlers)

dead gun police

PATAY ang isang 68-anyos lider ng informal settlers makaraan pagbabarilin ng hinihinalang hired killer sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Agad binawian ng buhay ang biktimang si Milagros Masalio, re-sidente ng Rosita St., Brgy. Santolan ng nasabing lungsod, sanhi ng dalawang tama ng bala sa ulo. Habang ginagamot sa Valenzuela Medical Center si Rey Quintana, 24, ng Kaingin St., Brgy. …

Read More »

Miss France, itinanghal na Miss Universe 2016; Maxine Medina, pasok sa Top 6

HINDI pinalad na makasama sa Top 3 ang pambato ng Pilipinas sa katatapos na 2016 Miss Universe pageant na ginanap sa MOA Arena kahapon ng umaga.Tanging sa Top 6 nakasama si Maxine Medina na unang nasalang sa Q & A question. Ang mga kandidata mula France, Haiti, at Columbia ang nakapasok sa Top 3. Nakuha ni Miss France, Iris Mittenaere, …

Read More »

Top 13, nasalang agad sa casual interview

TILA naiba naman ang estilo ngayon ng 2016 Miss Universe dahil nang tawagin ang Top 13, sumalang agad sa isang casual interview ni Steve Harvey, ang host, ang mga ito. Unang tinawag si Miss Kenya na kauna-unahang naging contestant mula sa kanyang bansa. Sa murang edad, maagang nawala ang kanyang mga magulang. Isinunod si Miss Indonesia, si Kezia Warouw na …

Read More »

Pagtawag sa ‘Pinas sa top 9, ibinitin

PAGKARAAN ng Top 13, isinunod ang swimsuit portion na roon tinawag ang Top 9. Nakasama sa listahan ng Top 9 sina Miss USA, Miss Thailand, Miss France, Miss Mexico, Miss Kenya, Miss Colombia, Miss Canada, Miss Haiti. Tumawag muna ng commercial si Harvey bago binanggit ang ika-siyam na kasama sa Top 9, ang Miss Philippines. Pero bago ito, marami na …

Read More »

Miss Haiti, may dugong Pinoy

HINDI man nagwagi si Medina, isang Pinoy pa rin ang namayani sa katatapos na beauty pageant. Sinasabing may dugong Pinoy sa mother side si Miss Haiti Raquel Pelissier na seven years ago ay nakaranas siya at ang kanyang pamilya ng matinding lindol na kumitil sa may 300,000 katao at naapektuhan ang may 900,000. Sa question and answer portion, umangat na …

Read More »

Sagot na nagpanalo kay Miss France

TULAD ni Miss Haiti, maganda rin ang naging sagot kapwa nina Miss France at Miss Colombia. Pero sa huli namayani ang Miss France na sinabing hindi niya akalaing siya ang magwawagi at tatanghaling Miss Universe. Narito ang kasagutan nina Miss France at Miss Colombia sa katanungang, Name something from the course of your life  that you failed at and tell …

Read More »

Pia Wurtzbach, inakap si Maxine Medina

VERY tounching naman ang picture na naka-post sa Instagram account ni Jonas Antonio Gaffud ng Mercator. Doo’y ipinakita niya ang pagyakap ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach kay Medina matapos itong hindi matawag sa Top 3. Ang larawan ay may caption na—”Thank you so much @piawurtzbach for the gesture of comforting @maxine_medina #forthephilippines #missuniverse.” Bago ito, isang napakagandang Pia Wurtzbach …

Read More »