Friday , December 19 2025

Blog Layout

Mobile Number Act nilagdaan ni Duterte

NILAGDAAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mobile Number Portability Act o ang Republic Act number 11202 na may layuning mabigyan ng mas malawak na kalayaan ang consumer sa pagpili ng kanilang mobile service provider base sa kalidad ng serbisyo at presyo nang hindi na kinakailangan magpalit ng mobile number. Sa ilalim ng batas, maaari na rin lumipat ang mga subscriber …

Read More »

1 patay 2 nasakote sa drug-bust sa Lubao

shabu drug arrest

NASAKOTE ang dalawang hinihinalang drug pusher habang patay ang isa pa sa ikinasang anti-drug operation sa Lubao, Pampanga, kamakalawa. Sa ulat ni Supt. Jerry Corpus, Chief of Police ng Lubao kay PRO3 Director C/Supt. Joel Napoleon Coronel, kinilala ang mga suspek na sina Alfie Sadsad, 34, at Rolando Santos, 40,  dati nang sumuko sa awtoridad dahil sa droga at kabilang …

Read More »

Dalawang tulak bumulagta sa buy-bust

shabu drugs dead

PATAY ang dalawang hinihinalang tulak ng ilegal na droga sa buy-bust operation na ikinasa ng pulisya sa San Jose del Monte City, Bulacan. Kinilala ni Supt. Orlando Castil, hepe ng San Jose del Monte City police ang mga napatay na sina James Taruc at isang alyas Inad samantala nakatakas ang isa nilang kasama na si Jason Panti alyas Goryo. Nabatid …

Read More »

Death threat, talbog na tseke, sa ambush kay Yulo

dead gun police

HUMAHARAP sa patong-patong na reklamo dahil sa mga talbog na tseke at nakatatanggap ng mga banta sa buhay bago pinaslang ang negosyanteng si Jose Luis Yulo noong Linggo sa EDSA. Dalawang suspek na na­kasakay sa motorsiklo ang walang habas na namaril sa sinasakyang Toyota HiAce van ng biktima na kanyang ikinamatay at ng driver na si Allan Nomer Santos habang …

Read More »

Paring Kano muling inaresto sa pagmolestiya sa 5 sakristan

MULING inaresto ang isang paring Katoliko kahapon dahil sa rek­la­mong pangmomolestiya sa 50 bagong biktima na karamihan ay mga ba­tang sakristan. Inaresto ng awtori­dad si Kenneth Pius Hendricks matapos ang higit dalawang buwan mula nang unang madetine sa Camp Bagong Diwa sa Taguig dahil sa reklamong pang-aabu­­so. Unang nahuli si Hen­dricks noong 5 Disyem­bre 2018 sa lalawigan ng Biliran province …

Read More »

Pakistani nasakote sa karnap-sanla modus

ARESTADO ang isang Pakistani sa mga operat­iba ng Makati City Police Station Anti-Carnapping Unit sa isinagawang entrapment operation ng pulisya matapos tangga­pin ang natitirang bayad sa isinanlang karnap na sasakyan sa lungsod, kamakalawa ng hapon. Kasong carnapping (RA 10883) at estafa ang kakaharapin ng suspek na si Raj Kumat Dadlani Jr., y Motwani, 37, binata, naninirahan sa Teresa Street, Barangay …

Read More »

Lady service crew tinapik sa puwit Koreano arestado

Butt Puwet Hand hipo

HINULI ang isang Korean nang bastusin ang isang service amba­ssador crew sa loob ng isang hotel-casino sa Pasay City, nitong Lunes. Nasa detention cell ng Pasay City Police ang suspek na si Lim Deuk Youl, 49, may asawa, isang Korean national, at naninirahan sa Saracota Residential Resort Cluster 5, Room 23, Newport City, Barangay 183, Villamor sa nasa­bing lungsod. Kinilala …

Read More »

Human settlements department muling binuo ni Duterte

IBINALIK ng adminis­tra­syong Duterte ang isang kagawaran na ma­nga­ngasiwa  sa murang pabahay  para sa mahihi­rap na Pinoy gaya noong panahon ng rehimeng Marcos. Sa pamamagitan ito ng ipinalabas na Republic Act number 11201 o ang batas na lumilikha sa Department of Human Settlements and Urban Development. Ang naturang kaga­wa­ran ay dating Ministry of Human Settlements na pinamunuan ni da­ting First …

Read More »

Presyo ng palay bumagsak sa rice tariffication law

Rice Farmer Bigas palay

ILANG araw matapos pirmahan ni Pangulong Duterte ang Rice Tariffi­cation Law, nagpahayag ng pangamba ang ilang kongresista sa magiging epekto nito sa magsa­saka. Ayon kay Butil Rep. Cecil Chavez, ang kongre­sista ng mga magsasaka, bumagsak agad ang farm gate price ng palay sa P14 kada kilo. Sa press conference kahapon, nagbabala si Chavez, na magdurusa ang sektor ng agrikultura dahil …

Read More »

62-anyos lolo todas sa sunog

fire dead

KOMPIRMADONG patay ang 62-anyos lolo nang masunog ang kan­yang dalawang-palapag na bahay sa Manda­luyong City kahapon ng madaling araw. Kinilala ni F/Supt. Christine Pula, fire chief, ang biktima na si Ray­mundo Liwanag Jr., nakatira sa Ayala Homes Subd., Brgy., Barangka sa lungsod. Base sa imbestiga­syon, sumiklab ang sunog dakong 1:41 am, at naa­pula ng mga bomber dakong 2:25 am. Sa …

Read More »