Saturday , December 20 2025

Principal nagbigti sa P.1-M utang

TINAPOS ng isang 47-anyos school principal ang kanyang P.1-M utang sa pamamagitan ng pagbibigti sa loob ng kanilang bahay sa Davao City, iniulat kahapon. Maitim na ang mukha at halos lumuwa na ang dila ng biktimang si Bernard Catalia, nang matagpuan ng kanyang misis na si Austria na nakabigti sa kanilang kwarto gamit ang nylon cord. Si Catalia ay principal …

Read More »

Repatriation ng Pinoys sa Iraq inaapura (Militante lumusob pa)

NANAWAGAN ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga Filipino sa Iraq na lumikas agad mula sa naturang bansa. Ito ay makaraan itaas ng DFA sa Level 3 ang crisis alert sa Iraq kasunod ng pagkubkob ng mga militante sa ilang lugar. Ayon kay DFA spokesperson Charles Jose, masusi nilang binabantayan ang sitwasyon sa Iraq. Sana aniya ay kusa nang …

Read More »

Ops ni Cam vs De Lima itinanggi ni Lacson

MARIIING itinanggi ni dating senador at ngayon ay rehab czar Panfilo “Ping” Lacson ang mga balitang siya ang nasa likod ng aksyon ni Whistleblowers Association president Sandra Cam laban kay Justice Sec. Leila de Lima. Magugunitang si Cam ang isa sa mga nagsumite ng oposisyon sa Commission on Appointments (CA) laban kay De Lima upang harangin ang pagkompirma sa kalihim …

Read More »

PDAF scholars pinangakuan ng Palasyo

INIHAYAG ng Malacañang na hindi nila hahayaang tumigil sa pag-aaral ang mga scholar dahil lamang ibinasura ang Priority Development Assistance Fund (PDAF) na dating sumusuporta sa pag-aaral ng mga estudyante. “We want the scholars to continue studying. We don’t want them to go astray,” pahayag ni Communications Secretary Herminio Coloma Jr. Aniya, naghahanap na ang Commission on Higher Education (CHED) …

Read More »

Championship sa Asian V8 ‘misteryo’ sa ambush kay Pastor?

NAGKAKAROON na ng linaw sa posibleng motibo ng pagpatay sa Filipino car racing champion na si Ferdinand “Enzo” Pastor. Ayon kay Quezon City Police District (QCPD) director C/Supt. Richard Albano, malaki ang paniwala ng pulisya na ang pagiging car racer ni Pastor ang dahilan ng pamamaslang bagama’t hindi isinaisantabi ang personal na motibo. May hawak nang testigo ang pulisya sa …

Read More »

Nasabat na pekeng signature shoes ng MPD nawawala?

NAWAWALA ang nasabat ng Manila Police Distirct (MPD) na isang closed van na naglalaman ng mga pekeng sapatos sa Binondo, Maynila kamakalawa. Ito ang ibinunyag ng source, na dakong 2:00 pm nasakote ng MPD – District Special Operation Unit 1 ang nasabing closed van na naglalaman ng kargamento. Pero matapos ang balita, hindi nakarating sa headquarters ng MPD sa United …

Read More »

Koreano kinuyog ng ‘dirty dozen’

ISANG Koreano ang naniniwalang nabiktima siya ng isang dosenang marurungis na bata na nag-alok sa kanya ng bulaklak at nanghingi ng limos habang nag-aabang ng taxi sa Malate, Maynila, kamakalawa ng madaling araw. Dumulog sa Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS) ang Koreano na si Yeonkyung Jin, 27, nakatira sa 1202 Grand Emerald Tower Condominium, Ortigas Center, Pasig …

Read More »

Bagyong Hagibis ‘di na papasok sa bansa

HINDI na papasok sa Philippine area of responsibility (PAR) ang tropical storm Hagibis na nasa West Philippine Sea. Ito ang sinabi kahapon ni Pagasa forecaster Connie Rose Dadivas, kasunod ng patuloy na paglayo ng naturang sama ng panahon. Nilinaw rin ng Pagasa na kahit Filipino name ang taglay ng naturang bagyo (Hagibis), hindi ang state weather bureau ang nagbigay ng …

Read More »

Excuse me po wala na akong bilib kay Kap’s amazing stories!

MUKHANG trying very hard na makakuha ng simpatiya si Amazing Kap … Tingnan n’yo naman, ngayon lang ang panahon na hindi eleksiyon pero biglang nag-iikot kung saan-saan si Sen. BONG “Pogi” REVILLA sa kanya umanong mga sympathizer. E bakit ngayon mo lang sila naalala na bisitahin Senator Bong? Ngayong kinakasuhan ka na ng plunder sa pagdambong ng iyong pork barrel? …

Read More »

Lantaran Saklang-Patay sa Sta. Maria, Bulacan! (Attn: SILG Mar Roxas)

EVERYDAY happy na naman ang sakla operators sa Sta. Maria, Bulacan dahil binigyan na raw sila ng local PNP ng go-signal na mag-operate. Sandaling natengga ang mga mesa’t baraha ng mga mananakla sa naturang bayan dahil sa mahigpit na kautusan ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa Philippine National Police na ipatigil ang lahat ng uri ng sugal …

Read More »

Pork scammers tablan naman kayo sa banat ni Archbishop Tagle

SA isang forum na inorganisa ng Diocese of Novaliches sa San Vicente de Paul Parish sa Tandang Sora, Quezon City nitong Sabado, ma-damdamin at buong tapang na nagsalita ang muntik nang mapiling Santo Papa na si Manila Archbishop Luis Antonio Cardinal G. Tagle laban sa grabe nang korupsyon sa bansa. Partikular na inupakan ni Tagle ang mga sangkot sa multi-billion …

Read More »

Bati na sina Erap at Binay

SANA ay magtuloy-tuloy nang muli ang magandang samahan nina Manila Mayor Erap Estrada at Vice President Jojo Binay. Ito ang dapat mangyari dahil ito lamang ang paraan para mapagwagian nila ang darating na 2016 election na ang pambato ng Liberal Party na si Mar Roxas ang kanilang mabigat na makakalaban. Mabuti na lamang at nag-isip ang dalawang lider ng oposisyon …

Read More »

P168M RPT shares ng barangay, kinakamkam!

The father of a righteous man has great joy; he who has a wise son delights in him Proverbs 23: 24 KINAKAILANGANG magkaisa ang mga kabarangay natin upang tutulan ang mga paglapastangan sa ating mga Real Property Tax (RPT) shares sa pamamagitan ng mga pinagtitibay na “ilegal” na resolusyon sa Manila City Council. Mga RPT shares na dapat sana’y mapakinabangan …

Read More »

Reklamo sa BoC ‘hide & seek’ official (Attn: BoC Comm. John Sevilla)

MAY natanggap tayong report na may isang nagngangaalang Pusita Parohinog ang inirereklamo ng mga broker at importer dahil sa tawag na per container van na nakatalaga diyan sa Entry Processing Division (EPD) ng Bureau of Customs (BoC). Nagtataka kasi sila dahil bigla na lang sumulpot sa EPD kahit wala namang reshuffle. Dating nakatalaga raw si Pusita sa bonds division at …

Read More »

Kelot nahulog sa MRT walkway, tigok

TODAS ang isang hindi nakilalang lalaki matapos mahulog mula sa walkway ng MRT Bonifacio Station sa Mandaluyong City kahapon. Ayon kay Roel Teves, tauhan ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), mismong sa gitna ng northbound lane ng EDSA nahulog ang ‘di kilalang lalaki na nasa pagitan ng edad 30 hanggang 40-anyos. Nakasuot ng shorts at bahagyang marumi ang itsura. Ayon …

Read More »