Wednesday , December 17 2025

JLC, tried & tested na kahit kanino i-partner — Direk Cathy

KILALA si Direk Cathy Garcia Molina sa mga pelikulang talagang makare-relate ang manonood. Kaya naman natanong ang magaling na director kung relatable ang istorya ng Just The 3 of Us ng Star Cinema sa mga makakapanood nito sa May 4. “Relatable po siya at makaka- identify naman ang makakapanood po nito.  Ang hindi lang siguro relatable is hindi ganoon kadalas …

Read More »

Jen, lalong na-inspire maging aktres dahil kay Lloydie!

“NARAMDAMAN ko ‘yung pag-aalaga at saka pagmamahal ng Star Cinema sa akin,” sagot ni Jennylyn Mercado sa tanong kung nahirapan ba siyang mag-adjust sa paggawa ng Just The 3 of Us kasama si John Lloyd Cruz handog ng Star Cinema at mapapanood na sa May 4, Wednesdy. Sinabi ni Jen na hindi ganoon kahirap ang naging adjustment niya kahit first …

Read More »

P2B+ dapat ibalik ni Recom (Para sa Caloocan)

BATAY sa mahigit 75 Notice of Disallowances mula sa Commission on Audit (CoA) para kay dating Caloocan City Mayor Enrico “Recom” Echiverri, aabot sa mahigit P2-bilyon ang kailangang ibalik na pera sa kabang-yaman ng Caloocan City. Sa 75 Notice of Disallowances kay Echiverri, 66 dito ang iniakyat na sa kasong kriminal –  malversation, technical malversation, violation of Anti-Graft and Corrupt …

Read More »

Urban Poor Groups solid kay Grace Poe

EKSAKTONG 18,000 samahan ng maralitang-lungsod ang nagkaisa upang tiyakin ang tagumpay ni Senadora Grace Poe sa isang malinis na eleksiyon sa May 9. Idiniin ni Blanda Martinez, tagapangulo ng Urban Poor Unity (UUP), sapagkat ang alyansa ay “lubos na naniniwala na tanging si Poe lamang ang kandidatong pangulo ang tunay na kikilos upang maaksiyonan ang pangangailangan ng mahihirap.” Sa isang …

Read More »

Digong Super Corrupt (Nag-overpricing din sa Davao City projects?)

HINDI lamang ang kanyang mga sikretong bank accounts sa Filipinas, Malaysia, Singapore at China at ang mahigit 40 ari-arian sa buong bansa ang magpapatunay na may ill-gotten wealth si Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte. Putok na putok sa social media ngayon ang “The Binays of Davao City” na nagdedetalye sa mga kuwestiyonableng transaksiyon ni Duterte at ng kanyang anak …

Read More »

Dirty money sa kampanya ni De Lima (Baka galing sa droga at PDAF scam)

NANAWAGAN ngayong Linggo kay dating Justice Secretary Leila De Lima ang isang pro-transparency group na ilahad sa publiko kung sino ang mga nagbigay ng pondo para sa kanyang kampanya upang maging senador. Ayon kay Joyce Doromal, secretary-general ng Laban ng Bayan Tungo sa Malinis na Pamahalaan o Laban, “dapat patunayan ni De Lima na hindi siya kailanman tumanggap” ng pera mula …

Read More »

Danny Cuneta, Onie Bayona & Ding Santos patok na mga konsehal para sa Pasay City

Bulabugin ni Jerry Yap

SA susunod na Lunes, Mayo 8, boboto na tayo. Iboboto natin ang mga kandidatong sa ating palagay ay nararapat para sa kanilang posisyon na inililigaw sa ating mga botante. Sa Pasay City, mayroon po tayong irerekomenda na sa ating palagay ay karapat-dapat para maglingkod sa mga Pasayeño. Kapag ibinigay ninyo ang inyong boto sa kanila, hindi kayo mabibigo dahil tiyak …

Read More »

Danny Cuneta, Onie Bayona & Ding Santos patok na mga konsehal para sa Pasay City

SA susunod na Lunes, Mayo 8, boboto na tayo. Iboboto natin ang mga kandidatong sa ating palagay ay nararapat para sa kanilang posisyon na inililigaw sa ating mga botante. Sa Pasay City, mayroon po tayong irerekomenda na sa ating palagay ay karapat-dapat para maglingkod sa mga Pasayeño. Kapag ibinigay ninyo ang inyong boto sa kanila, hindi kayo mabibigo dahil tiyak …

Read More »

Gov. Joey: Chiz simpleng tao

NANINIWALA si Albay Gov. Joey Salceda na magiging mahusay na bise presidente si Sen. Francis “Chiz” Escudero dahil siya ay may paninidigan at patuloy na namumuhay nang simple sa kabila ng kanyang mga narating sa buhay. Sa panayam ng mga mamamahayag sa Legazpi City, sinabi ni Salceda na napatunayan niya ang mga nasabing katangian ni Escudero nang magsama sila sa …

Read More »

Chiz Workers’ VP

TATLONG pangunahing grupo sa sektor ng manggagawa noong Araw ng Paggawa ang namanata ng suporta sa kandidatura ng independent vice presidential candidate na si Sen. Chiz Escudero kasabay ng pahayag ng huli na sa ilalim ng “Gobyernong may Puso” ituturing na “katuwang ang mga manggagawa sa pag-unlad” ng bansa at prayoridad ang kanilang kapakanan. Sinabi rin ni Escudero, matapos makuha …

Read More »

‘Di naman nakainom parang lasing!

Isumbong mo kay DRAGON LADY ni Amor Virata

PINAGTATAWANAN habang nagsasalita sa ibabaw ng entablado ang isang kandidato para bise alkalde sa isang lungsod sa Kamaynilaan, sabi mismo ng kanyang kapartidong konsehal, hindi marunong magsalita at kilala siyang maninginom at kapag nalalasing ay may pagkasira ang ulo! *** Ang nasabing kandidato para vice mayor, kapag nagsasalita sa mga ginagawang caucus ng kanilang partido, laman ng kanyang speech ay …

Read More »

Pera ni Duterte

ANIM na araw na lang at halalan na pero hindi pa rin tinatantanan ng kontrobersiya ang kandidato para pangulo na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte. Naulat na P400 milyon umano ang tinatanggap niyang intelligence fund bilang alkalde kaya puwedeng gumasta ng mahigit P1 milyon sa araw-araw kung gugustuhin. Hindi kasi mahigpit ang Commission on Audit (COA) sa pagbusisi kung …

Read More »

Boto bantayan — Bongbong (Hanggang sa huling sandali)

ISANG linggo bago ang halalan sa Mayo 9, nananawagan si vice presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa publiko na bantayang mabuti ang kanilang boto upang matiyak na ang mananaig ay kagustuhan ng mayoryang botanteng mamamayang Filipino. Ayon kay Marcos, dapat ay hanggang sa huling sandali ng bilangan hanggang sa iproklama ang tunay na nanalo sa ano mang posisyon ay …

Read More »

6 patay, 11 sugatan

CAUAYAN CITY, Isabela – Nauwi sa trahedya ang masaya sanang outing sa lalawigan ng Aurora ng mga magkakamag-anak na sakay ng isang pampasaherong van kahapon. Anim na ang patay mula sa 17 sakay ng isang passenger van na nahulog dakong 2:30 a.m. sa halos 50 meters na lalim ng bangin na dumiretso sa ilog sa Brgy. Ismael, Maddela, Quirino. Ayon kay …

Read More »

Ali kay Fred Lim lang — Lito

“Walang ibang ineendoso at sinusuportahan si (vice mayoral candidate) Ali (Atienza) na kandidatong mayor bukod kay Mayor Alfredo Lim.” Ito ang mariing sinabi kahapon ni BUHAY Party-list Congressman Lito Atienza, nang kanyang gawing opisyal ang tandem ni Lim at ng kanyang anak na si Fifth District Councilor Ali Atienza, sa isang press conference, na ang ginamit na backdrop sa likod …

Read More »