Monday , December 5 2022

Mitch Cajayon ang tunay na kinatawan ng District 2 ng Caloocan City

MALAYONG-MALAYO kung ikokompara si congressional Caloocan 2nd district candidate Mitch Cajayon sa katunggali niyang isang traditional politician o ‘yung tinatawag na TRAPO.

Dapat nga no comparison, ‘di ba?

Kumbaga sa aso, MATSURA na ang kalaban ni Cong. Mitch Cajayon sa politika pero wala tayong makitang resulta ng kanyang pagiging mambabatas.

Aba, late 80s pa namomolitika ang kalaban niyang si isis ‘este’ Egay Erice pero parang wala tayong nabalitaan na naiambag na kaunlaran sa Caloocan City.

Baka ‘kaunlaran’ para sa kanyang bulsa at sariling kabuhayan, meron!?

Itanong kaya natin sa mga tunay na Batang Kankaloo.

Sa dalawang terminong pagbubutas ng bangko ‘este’ pag-upo ni isis ‘este’ Erice sa Mababang Kapulungan, ang alam ko lang yata  na naipasa niyang batas ay pagbinbin sa eleksiyon at abolition ng Sangguniang Kabataan (SK).

Wataffak!

Isa ka bang patabaing baboy (sabi nga ni Pascual Racuyal) sa Mababang Kapulungan, Mr. Erice?!

Walang-wala kay Cong. Mitch Cajayon na nakapagpasa ng limang batas, ang RA 9676 – Separation/Independence of Caloocan City Science High School para sa pagkakaroon ng sariling pondo noong 15th Congress.

 Ang RA 10627 o Anti-Bullying Law; RA 10152 o Pagkakaroon ng FREE 5-in-1 Vaccine sa Health Centers; RA 10606 o Universal PhilHealth Coverage para sa lahat; at ang RA 10630 o Pagpapatibay ng Juvenile Justice System naman noong 15th Congress.

‘Yan ‘yung mga batas na siya ang pangunahing may-akda.

Umaabot naman sa 17 Republic Act ang naging co-author si Cong. Cajayon noong 14th Congress at 21 noong 15th Congress.

Si isis ‘este’ Erice!?

Bokya noong 12th Congress at nag-iisa ngayong 16th Congress. Sampung co-author noong 12th Congress at walong co-author ngayong 16th Congress. Aba ‘e napakasarap naman palang magbutas ng bangko sa Mababang Kapulungan ng Kongreso…

May suweldo na, may pork barrel pa, habang pahaya-hayahay ang buhay!

Matsura na sa politika pero pagdating sa trabaho novatos na novatos si isis ‘ehek’ Erice.

Mga tropapips na taga-Kankaloo, ipakikipagsapalaran ba ninyong muli ang kapalaran ng 2nd District sa isang mambabatas na may anomalya sa minahan at sangkot sa PDAF scam gaya ni Erice?

Ibasura ninyo ang CORRUPT at TAMAD na mambabatas!

 Ibalik ang kalingang-CAJAYON!

Iboto si Mitch Cajayon para sa 2nd District ng Caloocan City!

Nasapol ni Trillanes si Duterte

SIR, dapat tawagin natin bayani si Sen. Trillanes dahil nabuking niya ang kayamanan ni Duterte. Mantakin ninyo napaniwala niya ang mga tao na mahirap lang daw siya. Sabi ni Duterte libo pinatay niya hndi na kailangan due process. Bakit ngayon kakalkalin pera niya sa banko, kailangan na daw ng due process? Simple lang nman ‘yan, hndi na kailangan dokumento, ipakita na lang  ni Duterte ang bank transaction ng account nya, tapos! +639154740 – – – –

MPD mobile patrol gamit sa pag-escort sa mga truck

SIR, imbes magamit ang mobile patrol ng MPD sa paghabol sa mga riding in-tandem na kriminal ay madalas nakikita silang nag-e-escort  sa mga truck sa hi-way  upang makaiwas sa weight measurement line ng DWPH. Pinagbabawalan ng Opisyal ng Raxabago Police Station ang mga pulis naka-assign sa ibang police station na mag-sideline sila ng pag-e-escort ng truck. Pero ang Mobile Patrol ng Raxabago Police Station ay walang tigil ang kaka-escort ng mga truck na may kargamento, illegal ‘yan ‘di ba? Kaya makikita ho n’yo ngayon sa kahabaan ng hi-way ng Marcos Road ay nagkalat ang mga bagitong lespu nag-aabang ng mga truck upang escortan nila. Ang ilan opisyal ng Raxabago Police Station at ODD at CDDS  ay may komisiyon sa mga lespu na nag-e-escort ng illegal na kargamento lumalabas sa Pier.

[email protected]

MPD Pro-Erap ba?

BOSS JERRY, normal ba na ang MPD ay PRO-ERAP dahil ho ang ilan sa mga opisyal e tumutulong pa sa kampanya? Sinasabi na ‘di raw totoo ang utos ng itaas sa PNP na dapat non-partisan ang pulis sa Maynila. Baka akala nila ang lahat ng pulis ay kakampi at boboto sa amo nlang mandarambong. BULABUGIN na ‘yan boss Jerry! +63915388 – – – –

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0926.899.91.27 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Dragon Lady Amor Virata

Balik normal ang mga mandurukot

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SOBRANG GUTOM na nararanasan ng tao ngayon sa ating …

Sipat Mat Vicencio

Si Imee sa Maynila sa 2025

SIPATni Mat Vicencio MALAMANG na magbago ang mukha ng politika sa Maynila kung tuluyang hindi …

YANIG ni Bong Ramos

Vendors pinalayas sa puwesto kapalit ng pay parking slot ng mga motorsiklo

YANIGni Bong Ramos KAHABAG-HABAG ang sinapit ng maraming vendors dito sa Maynila matapos silang palayasin …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

DOJ, na-‘wow, mali’ kay Bantag

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. NANANATILING kompiyansa ang Department of Finance (DOF) na bababa …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

 “You are my under watch!”

AKSYON AGADni Almar Danguilan BABALA ito ni bagong talagang Bureau of Fire Protection National Capital …

Leave a Reply