Sunday , December 21 2025

Pangalan sa drug list kinokompleto pa (Bago ibunyag ni Digong)

NILINAW ng Palasyo na hindi nagmamadali si Pangulong Rodrigo Duterte na pangalanan ang iba pang mga opisyal at personalidad na sangkot sa ilegal na droga. Sinabi ni Presidential Management Staff chief Sec. Bong Go, nais muna ni Pangulong Duterte na makompleto ang listahan para isahan na lang ang pagbanggit ng mga pangalan. Una rito kamakalawa ng gabi, muling nasentro sa …

Read More »

Peter Lim na lumapit kay Duterte nasa PDEA watch list

IISA ang Peter Lim na lumapit kay Pangulong Rodrigo Duterte sa Peter Lim na isa sa drug lords sa listahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ito ang kinompirma ni PDEA Director General Isidro Lapeña. Ayon kay Lapeña, kasama ang pangalan ng Cebuanong negosyante sa listahan ng mga target drug personalities na isinumite nila kay Duterte. Ang nasabing listahan ay …

Read More »

Suweldo ng doktor at nurse itataas din — Duterte

salary increase pay hike

TATAPATAN ng administrasyong Duterte ang suweldo ng mga doctor at nurse na nagtatrabaho sa pribadong sektor. Ito ay para maakit ang mga doctor at nurse na magtrabaho sa itatayong rehabilitation center ng pamahalaan para sa drug addicts sa iba’t ibang rehiyon sa bansa. Ayon sa Pangulo, imbes pagsilbihan ang mga dayuhan, mas makabubuti kung uunahin muna ng mga doktor at …

Read More »

OFWs sa Saudi Arabia pauwiin — Digong (Napikon sa pang-aabuso ng mga Arabo)

NAPIKON si Pangulong Rodrigo Duterte sa mga pang-aabuso ng mga Arabo sa overseas Filipino workers (OFWs) kaya pauuwiin na niya ang ating mga kababayan. Ayon sa Pangulo, nakasasama ng loob na nakararanas ang OFWs ng sexual abuses at iba pang uri nang pagmamalabis gaya nang hindi pagpapasuweldo, pagpapakain at pagtrato na parang hayop. “May sentimiyento ako sa mga Arabo e. …

Read More »

Palaisdaan ng malalaking korporasyon ipinabubuwag ni Digong (Sa Laguna de Bay)

IPABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga palaisdaan ng pagmamay-ari ng malalaking korporasyon at mayayamang negosyante na umookupa sa malaking bahagi ng Laguna de Bay. Sa kanyang talumpati sa courtesy call ng volunteers ng Parish Pastoral Council for Responsible Voting (PPCRV) sa Palasyo kamakalawa ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte, tuwing nagbibiyahe siya sakay ng chopper o eroplano ay nakikita …

Read More »

Mocha bilang consultant, itinanggi ng Customs

TODO paliwanag ang Bureau of Customs sa unang pahayag na napipisil para maging “social media consultant” ng ahensiya ang sexy singer/dancer na si Margaux “Mocha” Uson. Ayon kay BoC Commissioner Nicanor Faeldon, na-misquote lamang siya at hindi itatalaga si Mocha sa nasabing posisyon ngunit maaari raw magsulat ng articles tungkol sa BoC lalo’t isang active blogger ang 34-anyos performer. Pahayag …

Read More »

Sumukong drug users isasalang sa ALS — DepEd

NAIS ng Department of Education (DepEd) na isama ang alternative learning system (ALS) sa rehabilitation program ng gobyerno para sa drug users. Umaasa si DepEd Secretary Leonor Briones na maiaalok ang ALS sa kabataang drug users na nasa rehabilitation centers at sa mga sumuko sa mga awtoridad. Napag-alaman, hiningi na ng DepEd ang listahan ng school-age drug dependents mula sa …

Read More »

Guidelines sa Oplan Tokhang ilalabas

MAGLALABAS ng guidelines ang Dangerous Drug Board (DDB) kaugnay sa patuloy na isinasagawang “Oplan Tokhang” ng Philippine National Police (PNP). Ito ay bilang proteksiyon sa sumusukong drug pushers at users. Sinabi ni DDB chair Felipe Rojas Jr., isa sa naiisip nilang paraan ang posibleng paglalagay ng mga abogado para lubusang maintindihan ng drug pushers ang ginagawa nilang pagsuko. Dagdag ni …

Read More »

Banta sa oligarch: ‘Umayos o patayin ko kayo’ – Duterte

duterte gun

IPINABUBUWAG ni Pangulong Rodrigo Duterte ang aniya’y “oligarchs” o malalaking negosyanteng financier ng ilang politiko sa bansa. Sinabi ni Pangulong Duterte, kabilang na rito si Roberto Ongpin na sangkot sa malaking operasyon ng online gambling at namamayagpag mula pa noong panahon ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Kasabay nito, muling nagbabala si Pangulong Duterte sa ibang “oligarchs” na tapusin na ang …

Read More »

Lider, 2 miyembro ng drug group utas sa parak (Sa Plaridel, Bulacan)

shabu drugs dead

PATAY sa mga pulis ang lider at dalawang miyembro ng Jerax Desiderio drug group sa Plaridel, Bulacan nitong Miyerkoles ng gabi. Sinasabing lumaban sa gitna ng buy-bust operation sa Brgy. Banga 1 ang mga miyembro ng naturang mid-level drug group. Dakong 11:00 pm nang makipagkita ang poseur buyer sa tatlong suspek para sa 200 gramo ng shabu. Ngunit nang mapansing …

Read More »

Tulak pinatay sa loob ng bahay

dead

PINASOK ng hindi nakilalang mga lalaki ang bahay ng isang hinihinalang drug pusher at siya ay pinagbabaril sa Pandacan, Maynila kahapon ng madaling-araw. Wala nang buhay nang matagpuan sa kanilang bahay ang biktimang si Terry Cayuvit, 34, walang hanapbuhay, miyembro ng Bahala na Gang, at residente ng 2828 Beata Street, Pandacan, Maynila. Ayon sa imbestigasyon ni PO3 Marlon San Pedro, …

Read More »

Lola dedbol sa bundol ng taxi

road traffic accident

PATAY ang isang 60-anyos lola makaraan masagasaan ng isang rumaragasang taxi  habang tumatawid sa EDSA kahapon ng madaling araw sa Caloocan City. Ayon kay SPO2 Fernan Romero, ang biktimang hindi pa nakikilala ay isinugod ng Caloocan Rescue Team sa Caloocan City Medical Center ngunit nalagutan ng hininga habang nilalapatan ng lunas. Batay sa ulat ni Romero, dakong 4:00 am nang …

Read More »

Binatilyo sinaksak sa harap ng nobya

knife saksak

MALUBHANG nasugatan ang isang 18-anyos out of school youth (OSY) makaraan pagtulungan saksakin sa harap ng mismo ng kanyang kasintahan ng tatlong nangursunadang mga suspek sa Navotas City kahapon ng madaling araw. Ginagamot sa Tondo Medical Center ang biktimang  si Markphil Cruz, ng #49 Ignacio St., Bacog, Tabing Dagat, Brgy. Daanghari ng nasabing lungsod. Habang nakapiit sa detention cell ng …

Read More »

KINILALA ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pangunguna ng Tagapangulo at Pambansang Alagad ng Sining na si Virgilio Almario ang tatlong tagapagpanayam sa larang ng enhenyeriya, medisina at ekonomiks na sina Engr. Federico Monsada, Dr. Luis Gatmaitan at Dr. Tereso S. Tullao Jr., sa Pambansang Kongreso 2016 na ginanap sa Teacher’s Camp, Baguio City. (Mga kuhang larawan ni GLORIA …

Read More »

Wikang Filipino sa reseta, medisina at bilang panturo sa mga bata

NAGBIGAY ng tips ang premyadong manunulat at doktor na si Dr. Luis P. Gatmaitan sa mga dumalo sa ikalawang araw ng Pambansang Kongreso 2016 na inilunsad ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa Teachers’ Camp, Lungsod Baguio, kahapon. Sa 45-minutong panayam ni Gatmaitan, tinalakay niya ang kahalagahan ng wikang Filipino sa pagtuturo ng siyentipiko at medikal na konsepto hindi lamang …

Read More »