BANGKAY na tumambad ang dalawang hinihinalang drug peddlers matapos manlaban sa mga inilatag na serye ng drug operations ng Bulacan police hanggang kahapon ng umaga, 5 Marso. Sa ulat mula kay P/Col. Lawrence Cajipe, acting provincial director ng Bulacan Police Provincial Office, kinilala ang unang namatay sa drug sting sa lungsod ng Meycauayan na si Jay-Arthur Mateo alyas Kalbo, kabilang …
Read More »Jeep, truck nagbanggaan… Contractor, estudyante patay, 18 sugatan
DALAWANG pasahero ang namatay habang 18 iba pa ang sugatan nang bumangga ang kanilang sasakyan sa hulihang bahagi ng nakaparadang truck kamakalawa ng gabi, 4 Marso, sa Marcos Highway, Barangay dela Paz, sa lungsod ng Pasig. Kinilala ang dalawang namatay na sina Joseph Andaya, 45 anyos, contractor, residente sa lungsod ng Caloocan; at Jenny Ann Colinares, 21 anyos, estudyante, nakatira …
Read More »Diakono ng INC itinumba sa kapilya
BINAWIAN ng buhay ang isang diakono ng Iglesia Ni Cristo matapos tambangan at pagbabarilin ng dalawang magkaangkas na armadong suspek sa harap ng kapilya kamakalawa ng gabi, 4 Marso, sa bayan ng Guagua, sa lalawigan ng Pampanga. Mariing kinondena ng mga kapatiran sa pananampalataya ng INC ang pagpaslang sa biktimang kinilalang si Allan Sta. Rita, isang pribadong kontratista, at diakono …
Read More »Karo ng patay gamit sa pagtutulak ng ‘bato’… Mag-asawa, 8 tulak tiklo
ARESTADO ang 10 hinihinalang tulak ng ilegal na droga, kabilang na ang mag-asawa na ginagamit ang karo ng patay sa pagdedeliber ng shabu, sa pinatinding Simultaneous Anti-Criminality Law Enforcement Operation (SACLEO) PNP sa ikinasang buy bust operation ng Macabebe Police Anti-Drugs Special Operation Unit, sa magkakahiwalay na lugar sa bayan ng Macabebe, sa lalawigan ng Pampanga. Ayon sa ulat ni …
Read More »Van ni Kim ChiU, sadyang inabangan ng tandem
TARGET talaga ng riding-in-tandem ang sinasakyang van ng aktres na si Kim Chiu mula sa paglabas sa subdivision hanggang paulanan ng bala ng baril pagdating sa traffic light sa kanto ng Katipunan Ave., at CP Garcia Ave., Barangay UP Campus, Quezon City, nitong Miyerkoles ng umaga. Ito ang lumilitaw sa imbestigasyon ng binuong Special Investigation Task Group (SITG) Kim Chui …
Read More »Chopper bumagsak sa Laguna 2 PNP Generals kritikal
NANANATILING walang malay ang dalawang high-ranking police generals matapos bumagsak ang kanilang sinasakyang helicopter kasama si Philippine National Police (PNP) chief Gen. Archie Gamboa sa bayan ng San Pedro, lalawigan ng Laguna, noong Huwebes ng umaga. Kinilala ang mga nasa kritikal na kondisyon na sina Maj. Gen. Mariel Magaway, PNP Director for Intelligence; at Maj. Gen. Jose Maria Ramos, Director …
Read More »‘Tampo’ sa Iceland tinapos ng Palasyo
TINAPOS ng Palasyo ang ‘pagtatampo’ sa mga bansang lumagda pabor sa resolusyon ng Iceland na humirit na imbestigahan si Pangulong Rodrigo Duterte sa United Human Rights Council dahil sa extrajudicial killings bunsod ng drug war. Sa inilabas na memorandum na nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea noong 27 Pebrero 2020, tinanggal na ang suspension order ni Pangulong Duterte at nakahanda …
Read More »Bagsak-presyong bigas asahan — NEDA
INAASAHANG babagsak ang presyo ng bigas sa P34 hanggang P35 kada kilom sa ikalawang taon na pag-iral ng Rice Tariffication Law. Ito ang inihayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Assistant Secretary Mercy Sombilla sa press briefing sa Palasyo kahapon. Ang kasalukuyan aniyang presyo ng bigas na P36 kada kilo ay mas mababa sa target na P37, at pinakamababa …
Read More »Natumbok ni Senator Richard Gordon… Paglabag ng homeowners association officials huling-huli sa camera
TUMBOK na tumbok ni Senator Richard Gordon ang matagal nang hinaing ng homeowners sa Multinational Village sa Parañaque City. Ilang beses na po nating tinalakay sa ating kolum ang mga isyung illegal structure, illegal constructions, at paglabag sa R1 Zoning. R1 Zoning is one of the most commonly found zoning types in residential neighborhoods. Sinasabi rito ang single-family homes to be built, with …
Read More »Natumbok ni Senator Richard Gordon… Paglabag ng homeowners association officials huling-huli sa camera
TUMBOK na tumbok ni Senator Richard Gordon ang matagal nang hinaing ng homeowners sa Multinational Village sa Parañaque City. Ilang beses na po nating tinalakay sa ating kolum ang mga isyung illegal structure, illegal constructions, at paglabag sa R1 Zoning. R1 Zoning is one of the most commonly found zoning types in residential neighborhoods. Sinasabi rito ang single-family homes to be built, with …
Read More »Mistaken identity? Kim Chiu inambus sa Kyusi
NAKALIGTAS sa tiyak na kamatayan ang aktres na si Kim Chiu makaraang paulanan ng bala ng riding-in-tandem ang kanyang sasakyan habang papunta sa taping, kahapon ng umaga sa Quezon City. Sa ulat kay Quezon City Police District (QCPD) District, P/BGen. Ronnie Montejo, ng Criminal Investigation and Detection Unit (CIDU) dakong 6:15 am, nang maganap ang pananambang sa sasakyan ni Chiu …
Read More »Isko: Arroceros Forest Park, permanenteng forest park na
NILAGDAAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang Manila Ordinance No. 8607 na nagdedeklarang ang isang bahagi ng lupa sa Arroceros St., ay isang forest park sa kabiserang lungsod ng bansa. Ayon sa ulat, dating pag-aari ng dating Department of Education and Sports (DECS) ang Arroceros Forest Park at ang pagdedeklara rito bilang ordinansa ay bahagi ng naging plataporma ni …
Read More »Aktres, naiyak sa ‘pagwawala’ ng BF, kung kani-kanino nang bakla kumakabit
NAAWA naman kami sa isang female star nang tumulo na lang ang luha nang may magsabi sa kanya na patuloy na nagwawala ang boyfriend niya na halos gabi-gabi ay kasama ng mga bading. Wala na kasi halos kinikita si female star sa ngayon. Hindi na niya masyadong nabibigyan ng pera ang boyfriend niyang wala rin namang kinikita ng legal, kaya hindi niya …
Read More »Digong, GMA, at Erap, principal sponsors sa kasalang Richard at Sarah
SA March 14 ng kasal nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, ang tinaguriang biggest wedding ng 2020! Namigay na ng invitation sina Richard at Sarah at sa listahan ng principal sponsors, kasama si President Rodrigo Duterte at former presidents na sina Gloria Macapagal Arroyo at Joseph Estrada. Ninong din ang mga senador na sina Manny Pacquiao, Bato de la Rosa, Cynthia Villar, at Senate President Tito Sotto. Sa showbiz, kinuhang sponsors sina Helen Gamboa-Sotto, …
Read More »Miles, lucky charm ng The Missing
PUWEDENG masabing lucky charm si Miles Ocampo kapag festival. Aba, matapos mapasama sa December filmfest na Write About Love, heto at pumasok sa walong finalist sa unang Summer Metro Manila Film Festival ang pelikulang The Missing ng Regal Entertainment na kabilang sa cast si Miles, huh! Ito ang nag-iisang horror movie sa summer fest na mapapanood sa April 11. Kinunan ito sa Japan at co-stars niya sina Ritz Azul at Joseph Marco. Base …
Read More »
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com



















