Friday , December 19 2025

Para sa COVID-19 patients… Zubiri nagkaloob ng plasma sa UP-PGH

NAGKALOOB ng kanyang plasma si Senate Majority Leader Juan Miguel  Zubiri sa Philippine General Hospital (PGH) sa kanyang tuluyang paggaling sa coronavirus disease (COVID-19).   Magugunitang si Zubiri ang kauna-unahang public official na nagpositibo sa COVID-19 na tuluyan nang gumaling at nanumbalik na ang maayos na kalusugan kaya nagpasiyang magdonasyon ng kanyang blood plasma sa UP-PGH.   “No approved cure …

Read More »

Pagkakaisa kontra COVID-19 isulong (Pamomolitika iwaksi) — Bong Go

philippines Corona Virus Covid-19

BINIGYANG-LINAW ni Senator Christopher “Bong” Go, patunay ang pagkakaisa at kawalan ng kulay politika sa paghahanap ng solusyon sa COVID-19, ang pag-imbita ng administrasyon sa limang dating Health secretaries ng mga nagdaang administrasyon.   Sinabi ni Go, sa sitwasyon ng bansa ngayon na nahaharap sa pandemic, dapat nang isantabi ang politika dahil kailangan ng matinding pagtutulungan at pagkakaisa.   Paliwanag …

Read More »

Test kits tinitipid ng DOH – Garin

Covid-19 positive

BINATIKOS ni dating Health secretary at ngayo’y Rep. Janette Loreto-Garin ang Department of Health sa pagkaantala ng malawakang testing sa mga hinihinalang may COVID-19 na dapat umpisahan noong 14 Abril 2020.   Ayon kay Garin, noong 14 Abril pa dapat nagsagawa ng mass testing pero hindi ito nangyari. “Tinitipid ba ng DOH ang pamimigay ng testing kits?” tanong ni Garin. …

Read More »

P10-M pabuya para sa Pinoy na makatutuklas ng bakuna vs COVID-19

BIBIGYAN ni Pangulong Rodrigo Duterte ng P10 milyong pabuya ang sinomang Filipino na makatutuklas ng bakuna kontra coronavirus disease (COVID-19).   Inianunsyo ito ni Presidential Spokesperson Harry Roque kahapon sa virtual press briefing sa Palasyo.   “Sisimulan ko po sa pamamagitan ng pag-aanunsiyo sa ilang mga punto na nais iparating sa inyo ng Pangulo. Unang-una dahil Public Enemy Number 1 …

Read More »

ECQ bago tanggalin… Balanseng desisyon sa buhay at kabuhayan ng Pinoys target ni Duterte

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go, kapakanan at kalusugan ng mga Filipino ang una sa konsiderasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga ilalabas nitong desisyon sa gitna ng COVID-19 pandemic.   Sinabi ni Go, binabalanse ni Pangulong Duterte ang sitwasyon tulad ng buhay ng tao, pangkabuhayan para may makain ang mga mamamayan at ang kapakanan ng frontliners.   Kaugnay nito, …

Read More »

Sa pulong ng Pangulo, IATF-MEID at sa ilang health experts… Desisyon sa ECQ ‘di pa sigurado

WALA pang desisyon si Pangulong Rodrigo Duterte kung tutuldukan o palalawigin ang Luzon-wide enhanced community quarantine (ECQ) na nakatakdang matapos sa Abril 30. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maaaring ihayag ng Pangulo ang kanyang pasya bago ang katapusan ng buwan. “Wala pong desisyon at hindi po nagsalita ang Presidente. Ang sabi nga po ng Presidente e ang kaniyang desisyon …

Read More »

Gary V’s solo digital concerts, nakalikom ng P6.8-M

NAKALIKOM ng P6.8 million ang dalawang gabing solo digital concert ni Gary Valenciano na itinanghal sa Facebook page n’ya noong Abril 18 at 19. Para makalikom ng ganyang kalaking halaga, ibig sabihin ay napakatindi pa rin ng dating ni Gary sa madla. After all, isa siya sa mga binansagang “Total Performer” sa halos apat na dekada n’ya sa industriya ng musika.   Simpleng Hopeful ang titulo …

Read More »

Freelance AV Live Performance Workers, may ayuda rin mula FDCP DEAR LIVE Program

ANG coverage ng DEAR LIVE! Program ay sa buong bansa. Bukas ito para sa lahat ng kuwalipikadong freelance AV live performance workers pero maaaring bigyang prioridad ng FDCP ang low-income individuals na kumikita ng P30,000 o mas mababa rito kada palabas o P20,000 o mas mababa rito kada proyekto. Lahat ng documentary requirements ay dapat ipasa online sa FDCP National Registry, ang tagapangasiwa ng …

Read More »

Kim, ginulat ng mga kapatid; tinambakan ng maraming handa

KAARAWAN ni Kim Chiu nitong Abril 19 at wala siyang bonggang party dahil sa Covid-19 lockdown. Inasalto siya ng kapatid, pamangkin, at mga kasama sa bahay.   Ayon sa post ni Kim, “Went to bed early last night was super tired but it was all worth it this birthday maybe different but things happen and everything happens for a reason. “Thankful for the …

Read More »

Line to Heaven ni Jeric, may music video na

INILABAS na noong Biyernes, April 16, ang official music video ng bagong single ng Magkaagaw star na si Jeric Gonzales na pinamagatang Line to Heaven, ang version niya ng OPM classic ng Introvoys.   Inabangan ito ng mga tagahanga ng aktor na sabik na siyang makitang muli sa TV. Bukod sa mahusay na pag-arte, may itinatago rin palang galing sa musika si Jeric bilang mala-anghel ang …

Read More »

Janine Gutierrez, nagsimula ng sariling fundraiser 

MULING binalikan ni Janine Gutierrez sa kanyang pinakahuling vlog ang kanyang New York Fashion Week 2020 experience. Halatang nag-enjoy ang Kapuso actress sa kanyang biyahe na ibinahagi niya sa netizens.   Ilan sa mga ito ay ang kanyang private session with celebrity hair stylist Justine Marjan na nakatrabaho na ang iba’t ibang international personalities, kabilang na sina Ariana Grande at Kim Kardashian. Nakita rin nang personal ni Janine ang fashion icon …

Read More »

Gumawa ng mga fake account nina Marian at Maine, mandarambong

LUMUTANG ang magkahiwalay na fake account nina Marian Rivera at Maine Mendoza sa social media nitong nakaraang araw.   Agad naman itong sinopla ng manager nina Marian at Maine, si Rams David, Presidente ng Triple A, ang management arm nina Yan at Meng.   May screen shot sa Instagram account ni Rams ang magkahiwalay na post ng fake account ng Triple A artists.   Sa poser ni Yan, …

Read More »

Dating contestant ng noontime show, nakikiusap na pautangin siya

blind mystery man

PINAGKUKUWENTUHAN nila ang isang kasali raw sa isang grupo ng mga seksing lalaki na sumali sa isang contest ng isang noontime show. Itong dating contestant sa noontime show, nagtatawag sa mga kakilala niya na palagay niya ay “may interest sa kanya.”   Sinasabing sa ngayon ay wala nga silang raket, at nakikiusap na “pautangin” muna siya. Sinasabi pa niya kung saang money transfer …

Read More »

Paolo Contis, tinawag na bastos si Trillanes

NAPIKON na nga siguro si Paolo Contis sa puro negatibong nababasa kung minsan sa social media, kaya nang makita niya ang post ni Antonio Trillanes, nag-comment naman siya ng, “isa pa itong bastos, wala namang silbi.” Siyempre nag-react din iyong dating senador.   Hindi sa kinakampihan namin si Paolo, o kahit na sino. Pero kung ikaw ay nag-post sa social media, ang iyong opinion ay …

Read More »

Angelika, bugbog na sa Covid-19, problema pa ang ‘tiktik’ na gumagala raw sa Malabon

SA panahong ito, isa sa pinakabugbog na frontliner ay iyong chairman ng barangay. Biglang lumaki ang kanilang role, lumawak ang responsibilidad, at dahil diyan kadalasan sila pa ang nasisisi kung may pagkukulang na hindi naman nila kasalanan. Iyong mga barangay chairman ngayon, sila pa ang napagbibintangang nangungipit kung kakaunti ang relief goods, samantalang ang ibinibigay nila ay inaagaw lang nila …

Read More »