Thursday , June 25 2026

Freelance AV Live Performance Workers, may ayuda rin mula FDCP DEAR LIVE Program

ANG coverage ng DEAR LIVE! Program ay sa buong bansa. Bukas ito para sa lahat ng kuwalipikadong freelance AV live performance workers pero maaaring bigyang prioridad ng FDCP ang low-income individuals na kumikita ng P30,000 o mas mababa rito kada palabas o P20,000 o mas mababa rito kada proyekto. Lahat ng documentary requirements ay dapat ipasa online sa FDCP National Registry, ang tagapangasiwa ng DEAR Program ([email protected]).

 

Kapag nag-apply ka at hindi pa kompleto ang iyong mga dokumento, bibigyan ka ng FDCP ng 21 na calendar days mula sa araw ng aplikasyon para makompleto ang requirements. Kapag hindi ito nagawa, hindi maaaprubahan ang aplikasyon o kailangang ibalik ang benefit payment. Ang application period ng DEAR LIVE! ay mula Abril 13 hanggang Mayo 13, 2020.

 

Matatanggap ng mga benepisyaryo ng DEAR LIVE! ang P5,000 or P8,000 mula sa FDCP sa pamamagitan ng bank deposit o money remittance service. Dahil pondo ng gobyerno ang DEAR fund para sa kapakanan ng mga benepisyaryo, at sa diwa ng pagbibigay serbisyo sa komunidad at AV industry, kailangang magbigay ng return service ang mga aprubadong aplikante sa loob ng dalawang (2) taon pagkatapos nilang matanggap ang DEAR LIVE! na tulong pinansiyal.

 

Kailangang sumali o dumalo ang mga benepisyaryo sa dalawang (2) kaganapan, aktibidad, o proyektong suportado o inorganisa ng FDCP bilang volunteer worker o propesyonal.

 

Idinagdag ni Chairman Liza Diño-Seguerra, “FDCP, which is under the Office of the President, aims to complement the government programs and support our workers in this time of crisis especially that the ECQ is extended until April 30. Every effort from each agency counts and FDCP is heeding the call of its stakeholders from the audio-visual industry through DEAR.”

 

Para naman sa AV live performance workers na empleado ng kompanya (regular, contractual, seasonal, project-based, contract of service, etc.) at apektado ng state of calamity, maaari silang sumangguni sa CAMP at Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers (TUPAD) ng DOLE, pati na rin sa mga programa ng SSS, DSWD, Department of Trade and Industry (DTI), Department of Finance (DOF), at kanilang pamahalaang lokal.

 

Para sa mga katanungan at karagdagang impormasyon: tumawag o mag-text sa DEAR hotline: 0917-8003227 (text lamang); DEAR e-mail: [email protected]; DEAR website: http://fdcp.ph/dear-program; Facebook page: FDCP National Registry.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Sheena Halili Baby Family

Sheena excited sa ikatlong baby

MATABILni John Fontanilla MASAYANG-MASAYA ang Starstruck alumni na si Sheena Halili sa paglaki ng pamilya nila ni Jeron Manzanero, ang guwapo …

BJ Forbes Kara David

BJ Forbes na-depress, nawalan ng bahay

MA at PAni Rommel Placente SA interview sa kanya ni Kara David, naikuwento ng dating child …

David Licauco Barbie Forteza Kathryn Bernardo

David game muling makipagtrabaho kay Barbie

ni Allan Sancon SA kabila ng patuloy na panawagan ng mga tagahanga para sa muling …

Jose Manalo

Jose kayang-kayang magsolo, klick din sa foreigner

I-FLEXni Jun Nardo KINAYA ng komedyanteng si Jose Manalo na aliwin ang crowd na dumagsa sa Turning …

Ian de Leon Lotlot de Leon

Bangayan nina Lotlot at Ian tumitindi

I-FLEXni Jun Nardo SINASABI pa lang ang role ni Lotlot de Leon sa story conference ng gagawing …