Friday , December 26 2025

Recent Posts

Gregorio inilipat ng puwesto

MANANATILI si Ryan Gregorio sa Meralco kahit sinibak na siya bilang coach ng Bolts at pinalitan siya ni Norman Black. Kinompirma ni PBA chairman Ramon Segismundo na si Gregorio ay magiging alternate governor ng Bolts sa Board of Governors ng liga. Bukod dito, si Gregorio ay assistant vice-president ng sports at youth advocacy ng Meralco, isang puwestong ibinigay sa kanya …

Read More »

Ildefonso pangungunahan ang expansion pool

KINOMPIRMA kahapon ng team manager ng Meralco na si Butch Antonio na inilagay na ng Bolts ang beteranong sentrong si Danny Ildefonso sa expansion pool para sa expansion draft ng PBA na gagawin sa Hulyo 18. Ang 37-anyos na si Ildefonso ay nag-average lang ng 3.1 puntos at 2.1 rebounds sa kanyang paglalaro sa Bolts noong huling PBA season. “It …

Read More »

Jolas balik-PBA

ISA si Jojo Lastimosa sa mga magiging assistant coaches ng North Luzon Expressway (NLEX) sa una nitong pagsabak sa PBA 40th season na magsisimula sa Oktubre 19. Kinpompirma ng isang opisyal ng NLEX na si Lastimosa ay magiging chief assistant ni Boyet Fernandez na hahawak sa Road Warriors bilang head coach pagkatapos ng kampanya ng San Beda College sa NCAA. …

Read More »