Sunday , October 2 2022

Gregorio inilipat ng puwesto

MANANATILI si Ryan Gregorio sa Meralco kahit sinibak na siya bilang coach ng Bolts at pinalitan siya ni Norman Black.

Kinompirma ni PBA chairman Ramon Segismundo na si Gregorio ay magiging alternate governor ng Bolts sa Board of Governors ng liga.

Bukod dito, si Gregorio ay assistant vice-president ng sports at youth advocacy ng Meralco, isang puwestong ibinigay sa kanya bukod sa pagiging head coach nang siya’y umalis sa Purefoods noong 2009.

Kusang nagbitiw si Gregorio pagkatapos na inamin niyang palpak ang Meralco sa huling PBA season kung saan hindi umabot ang Bolts sa semifinals ng lahat ng mga komperensiya.

Si Jong Uichico naman ay magiging kapalit ni Black sa paghawak ng Talk n Text.

Samantala, ang dating team manager ng Meralco na si Butch Antonio ay magiging deputy executive director ng Samahang Basketbol ng Pilipinas habang si Paolo Trillo ay magiging bagong team manager ng Bolts. (James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Darwin Laylo

Para sa Biyernes
PEZA PUNONG ABALA SA RAPID CHESS TILT 

MANILA — Sa pakikipagtulungan ng JC Premiere Marikina Business Center ay magsisilbing punong abala ang …

Nicola Queen Diamante

Sa 1st Novice Swim Championship
6 MEDALYA HINAKOT NI DIAMANTE

NADOMINA ni Nicola Queen Diamante ang anim sa pitong event na nilahukan para tanghaling “most …

Al-Basher Basty Buto Chess

NM Buto naghari sa Angeles rapid chess festival

MANILA — Naitala ni National Master Al-Basher “Basty” Buto ng Cainta, Rizal ang importanteng panalo …

Philracom Horse Race

Paborito si Mommy Caring

MARKADO sina Mommy Caring at Cam From Behind sa magaganap na 2022 PHILRACOM “Sampaguita Stakes …

Rubilen Amit Carlo Biado Johann Chua

Amit, Biado, Chua namayagpag
PH TRIO KAMPEON SA WORLD TEAMS 10-BALL

ni Marlon Bernardino MANILA — Itinanghal na kampeon ang Filipino trio na sina Rubilen Amit, …

Leave a Reply