Saturday , January 3 2026

Recent Posts

Bayani, pang-leading man na!

Bayani Agbayani

ANG layo na ng naabot ni Bayani Agbayani. Isipin ninyo, solo bida na siya katambal ni Ai Ai delas Alas doon sa Feelennials. Leading man na siya sa isang pelikula. Nagsimula si Bayani na “off cam artist”. Boses niya ang ginagamit noong si Katuling, iyong tsismosong loro na kasama ng movie writer na si Giovanni Calvo roon sa Katok mga Misis, isang morning talk show sa Channel 7. Tapos nag-artista na …

Read More »

Pelikulang Feelennial nina Ai Ai at Bayani, patok sa moviegoers!

PUNONG-PUNO ng mga celebrity, VIP, at fans ang premiere night ng pelikulang Feelennial (Feeling Millenials) last Monday sa Cinema 4 ng Megamall at napuno rin ng maya’t mayang tawanan ang sinehan sa mga pakuwela ng mga bida ritong sina Ai Ai delas Alas at Bayani Agbayani. Super-aliw ang pelikula at positibo ang feedback ng mga nanood ng premiere night, lalo sa …

Read More »

Baby Go, pagsasabayin ang showbiz at real estate business

MAS tututukan ngayon ng kilalang producer ng mga award-winning indie films na si Baby Go ang pagnenegosyo. Ayon kay Ms. Baby, muli niyang pagtu­tuunan ng pansin ang kanyang real estate business. Hindi na mabilang ang mga awards at pagkilalang natang­gap niya bilang movie producer. Ang latest na natapos niya ay pelikulang Latay ni Direk Ralston Jover, starring Allen Dizon at Lovi Poe. …

Read More »