Saturday , June 27 2026
Ronnie Liang surgery

Ronnie Liang may palibreng cataract surgery 

RATED R
ni Rommel Gonzales

ARTIST ng Sparkle GMA Artist Center si Ronnie Liang at kaka-renew lamang niya ng panibagong kontrata.

Nag-expire lang last October then ini-renew nila ako.”

Hiningan namin ng reaksiyon si Ronnie sa pag-alis ni Mr. Johnny Manahan o Mr. M sa Sparkle at nasa TV5 na ngayon.

“It’s an unprecedented event… hindi ko inaasahan, ang alam ko GMA siya eh, Sparkle, nagulat na lang ako nag-sign siya sa Kapatid.

“Pero iyon ang kanyang desisyon, kung saan siya masaya and tingin ko naman na-fulfill na niya ‘yung kanyang mission sa Sparkle in a way na nakatulong din siya ng malaki.

“So gusto niya ring i-share siguro ‘yung kanyang skills or kanyang magic, spark, sine-share niya sa mga artista sa channel 5 naman.”

May pakiusap si Ronnie, “Pakisuportahan niyo po ‘yung Ronnie Liang Project Ngiti para sa mga bata na may cleft lip palate.

“And mayroon pong bago ngayon, para rin sa matatandang may katarata.

“Free na rin po, let us know, paooperahan po natin sila, pati na rin ‘yung lente or amin ‘yung lens na ilalagay sa mata, free na rin po.”

Ayon pa kay Ronnie ay naglalaro sa P20M-P30M ang ganoong procedure kung babayaran.

Ginagawa ang konsultasyon at operasyon sa San Fernandino General Hospital sa San Fernando, Pampanga.

“Kahit tagasaan po kayo, let us know po. I-message lang kami sa Facebook na Ronnie Liang Project Ngiti, kukunin ‘yung number at saka ‘yung name then kokontakin namin sila para i-schedule for check-up. Walang age limit. 

Actually mayroon na kaming naoperahan na mas bata.” 

Mahigit 100 na ang natulungan nilang may katarata at mahigit namang 500 ang mga may cleft lip palate o bingot.

Saan man sa buong Pilipinas ay tutulungan ni Ronnie.

“Iyon lang, kailangan pumunta sila, itse-check sila, libre rin ‘yun. Wala naman kaming hinihinging certificate of indigency, walang ganoon.”

Bagong kanta ni Ronnie ang revival ng classic Christmas song ni Jose Mari Chan, ang A Perfect Christmas.

“It’s my new Christmas song, available on Spotify, iTunes, digital Apple Music, ang original po nun ay si Sir Idol Jose Mari Chan.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bam Aquino Good Times with Mo

Movie buff Bam Aquino ibinida mga paboritong movie trilogies

IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode …

Bam Aquino Home Along Da Riles Da Reunion

Batang 90s na si Bam Aquino dumalo sa special screening ng Home Along Da Riles Da Reunion

DUMALO si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television …

Albie Casino Hibla 2

Albie Casino ‘di issue paggawa ng VMX movie 

MATABILni John Fontanilla HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito …

Katrina Halili

Katrina Halili nominado sa Seoul Drama Awards

MATABILni John Fontanilla NOMINADO ang aktres na si Katrina Halili para sa Outstanding Asian Star award sa 21st …

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong …