Friday , June 26 2026
Im Perfect Unmarry

Sylvia 3 blessings natanggap; UnMarry Big Winner sa MMFF51

RATED R
ni Rommel Gonzales

BEST Actress. Best Ensemble. Best Picture. Congratulations! Mahal ka ng Diyos, Jossette!

Private message namin iyan via Facebook messenger kay Sylvia Sanchez na Jossette Campo Atayde ang tunay na pangalan.

Tulad ng alam na natin, sa katatapos lamang na 51st Metro Manila Film Festival ay nagwagi bilang Best Actress si Krystel Go para sa pelikulang I’m Perfect na produced ng Nathan Studios nina Sylvia at anak niyang si Ria Atayde-Marudo.

Nanalo rin ang I’m Perfect bilang Jury Prize: Best Ensemble at Best Picture, 2nd Best Picture ang UnMarry (Best Director ang direktor nitong si Jeffrey Jeturian) nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo na mister ni Ria.

Sagot ni Jossette o Sylvia sa message namin, “Bago matapos ang 2025, binigyan Niya kami ng tatlong blessings! Ang tindi ng mga blessing na ito!”

May kalakip na praying emojis ang mensahe sa amin ni Sylvia bilang labis-labis na pagpapasalamat sa Panginoong Diyos sa pagpapalang tinanggap nila sa gitna ng krisis political na pinagdaraanan nila.

Nawa ay hudyat ang mga blessing na ito sa mas maganda, maayos, at mapayapang 2026 para sa pamilyang Atayde na mahal na mahal ko.

Samantala, masaya kami sa panalo ng mga artista at pelikulang naimbitahan kami sa mediacon tulad ng Bar Boys: After School na ginawaran ng Fernando Poe Jr. Memorial Award for Excellence; Best Supporting Actor para sa UnMarry ang mahal naming Kapuso actor na si Tom Rodriguez; ang talent ni Rams David ng Artist Circle na si Ms. Odette Khan bilang Best Supporting Actress (for Bar Boys: After School);ang cute bagets actor na si Zack Sibug ng UnMarry bilang Breakthrough Performance Award; UnMarry bilang Best Screenplay (Chris Martinez at Therese Cayaba); si Benjo Ferrer (Best Editing for UnMarry, na nanalo rin ng Best Float) at Shake, Rattke & Roll: Evil Origins bilang Best Visual Effects, Santelmo Inc.).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Bam Aquino Good Times with Mo

Movie buff Bam Aquino ibinida mga paboritong movie trilogies

IPINAKITA ni Senador Bam Aquino, isang certified movie buff, ang pagmamahal sa pelikula sa bagong episode …

Bam Aquino Home Along Da Riles Da Reunion

Batang 90s na si Bam Aquino dumalo sa special screening ng Home Along Da Riles Da Reunion

DUMALO si Senador Bam Aquino sa espesyal na screening ng pagbabalik ng isa sa pinakapaboritong Pinoy television …

Albie Casino Hibla 2

Albie Casino ‘di issue paggawa ng VMX movie 

MATABILni John Fontanilla HINDI problema para kay Albie Casino na gumawa ng pelikula sa VMX, na isa ito …

Katrina Halili

Katrina Halili nominado sa Seoul Drama Awards

MATABILni John Fontanilla NOMINADO ang aktres na si Katrina Halili para sa Outstanding Asian Star award sa 21st …

Mga nominado sa 9TH EDDYS ng SPEEd iaanunsiyo

IHAHAYAG ngayong araw, Hunyo 25, 2026 ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) ang mga nominado ngayong …