Friday , December 19 2025

Showbiz

Aktres positive sa Covid; produksiyon suwapang sa projects

blind item woman

AYAW ibisto ng isang staff ng produksiyon ang isang aktres na nadale ng COVID-19 sa isang shoot na hindi na lang namin babanggitin kung saan sector ng entertainment industry. Ang kuwentong nasagap namin sa staff, sinusuwapang ng isang kompanya ang pagkuha ng projects kahit nasa pandemic ang bansa. Mahal na nga ang singil, naglalagare pa ang mga staff na kinukuhang magtrabaho …

Read More »

Nagmamahal sa OPM Icon na si Claire dela Fuente, marami maliban sa mga ingratang sina Sam Pinto at Bela Padilla

LAST Wednesday ay nai-creamate na ang OPM Icon na si Claire dela Fuente at ini-request ni Gigo de Guzman sa younger brother na si Mickey na sa room muna niya ang urn ng kanilang Mommy Claire. Gusto niya itong makatabi sa kanyang pagtulog. Aminado si Gigo na hindi ganoon ka-perfect ang relasyon nila ng kanyang nanay, pero alam niyang mahal …

Read More »

Shido Roxas, most challenging na pelikula ang Nelia

ISA si Shido Roxas sa tampok sa pelikulang Nelia na tatalakay sa mental illness, depression, and anxiety. Mula sa A and Q Productions Films Incorporated, ito’y pinag­bibidahan ni Winwyn Marquez. Kasama rin sa pelikula sina Raymond Bagatsing, Mon Confiado, Dexter Doria, Ali Forbes, at iba pa, mula sa pamamahala ni Direk Lester Dimaranan. Ano ang role niya sa Nelia at …

Read More »

Rosanna Roces ipinagtanggol si Direk Darryl — ‘Di siya bastos!

“MABUTI ang puso ni Darryl!” Ito ang iginiit ni Rosanna Roces sa sunod-sunod na pagtuligsa sa isa sa paborito niyang director, si Darryl Yap. Pumapatol si Direk Darryl sa mga basher kaya naman tinawag na bastos at mayabang ang director. Pero para kay Osang, maling-mali ang paratang na ito sa director ng bago nilang series handog ng VivaMax Original, ang Kung Pwede Lang na pinagbibidahan ni …

Read More »

Osang ayaw isapelikula ang buhay: Mas gusto ko ilibro

Speaking of Rosanna Roces, hindi pala niya gustong isapelikula ang buhay niya. Aniya, ”Hindi ko gustong gawing movie ang buhay ko. Walang kabutihang mapupulot.” Kuwento ni Osang noong virtual media conference ng pelikula nilang Kung Pwede Lang ng VivaMax, ”Nagawa ko na sa TV5 iyong Untold Stories of Rosanna Roces…)’yung iba sa GMA, iyong nagpakasal sa kapwa babae, at kay Korina Sanchez. Siguro mas gusto ko …

Read More »

Robi Domingo, Ice Seguerra eeksena sa 4th EDDYS sa Easter Sunday

MAGKAKAALAMAN na sa April 4, Easter Sunday, kung sino-sino ang tatanghaling  pinakamagagaling sa mundo ng pelikula ngayong taon sa gaganaping 4th The EDDYS (Entertainment Editors’ Choice). Tuloy na tuloy na ang pamimigay ng parangal ng Society of Philippine Entertainment Editors (SPEEd) sa ikaapat na edisyon ng The EDDYS  sa Linggo ng Pagkabuhay, 8:00 p.m., sa FDCP Channel (fdcpchannel.ph), SPEEd Facebook page (Society of Philippine Entertainment Editors) at iba pang digital …

Read More »

Janine nahirapan at natakot kaeksena ang inang si Lotlot

LONG distance relationship, palitan ng maaanghang na salita sa social media, anxiety at iba pa ang ilan sa mga tinatalakay sa pelikulang Dito at Doon ng TBA Studios na pinagbibidahan nina Janine Gutierrez at JC Santos. Ang Dito at Doon ay isang romance movie na napapanahon ang mga hugot ukol sa pandemic. Idinirehe ito ni JP Habac at isinulat nina Alexandra Gonzales at Kristin Parreno Barrameda. Ukol ito kina Len (Janine) at Cabs (JC) na …

Read More »

Manilyn miss agad ang pagiging Conchita Valencia

TALAGA nga namang kakaibang time travel ang naranasan ng mga manonood sa GMA Public Affairs romance-fantasy series na The Lost Recipe. Sa hit series na ito ng GTV, nakilala natin si Conchita Valencia na ginampanan ni Manilyn Reynes, isang mapagmahal na ina na gagawin ang lahat para sa kanyang anak na si Consuelo (Mikee Quintos). Napamahal na nga kay Manilyn ang kanyang role. “Mami-miss ko po …

Read More »

Sanya nagbilad ng kaseksihan sa resort ni Gabby

sanya lopez gabby concepcion

LALONG nagpa-init ang Kapuso star na si Sanya Lopez matapos mag-post ng sexy bikini photos sa kanyang Instagram account. Kuha ang mga ito sa beach resort sa Batangas na pagmamay-ari ng kaniyang First Yaya leading man na si Gabby Concepcion. Nagsilbing pahinga ito ng cast sa tatlong sunood-sunod na lock-in tapings para sa bagong primetime series. Kasama ang co-star na si Kakai Bautista, nagtampisaw ang dalawa sa dagat at …

Read More »

Shawie worried na wala pang anak at asawa si KC

MAGKUKUWARESMA na pero ang dami pa ring nagaganap sa Pinoy Showbiz, sa industriya mismo at sa personal na buhay ng mga idolo natin. Si Sharon Cuneta, tuwang-tuwa sa bago n’yang ampon na Aspin. Kahit nasa Olongapo pa ang Aspin na pinangalanan n’yang Pawi o Pawiboy, inorderan na n’ya sa Europe ng Louie Vuitton dog collar. Gagawin nga  n’ya kasing “prinsipe” ang …

Read More »

Richard pinagkaguluhan nang gumanap na Hesus

IYONG Mahal na Araw noon, pinaghahandaan iyan sa telebisyon. Iyong That’s Entertainment ang tema ng production numbers nila ay Mahal na Araw at ang mananalo magpe-perform muli sa GMA Supershow. Iyong mga mahal na araw ay bakasyon pero hindi rin sa mga taga-That’s Entertaiment kasi gumagawa rin sila ng production number para sa Pasko ng Pagkabuhay na ilalabas sa GMA Supershow. Lahat iyan ay binabantayan ni Kuya Germs noong mga panahong iyon. …

Read More »

Leni Parto abala sa pagtulong sa mga pari

NOON ding araw, pagdating ng Mahal na Araw, maglalabasan na ang mga Tele-Sine na ginagawa ng grupo ni Leni Parto. Marami siyang mga tele-sine na religious ang tema, o kaya ay buhay ng mga santo. Marami rin kasing alam na kuwento si Leni, dahil taongsimbahan iyan kahit na noon. Nang mawala na si Leni dahil kailangan niyang mag-retire ng maaga para maalagaan ang asawang …

Read More »

Aktres ‘di tamang itulad kay Maria Magdalena

blind item woman

MALING sabihin na si Maria Magdalena ang patrona ng isang female star na controversial ngayon. Si Magdalena ay naging mang-aagaw din ng lalaki, naging patutot, pero siya ay nagbago nang makilala si Hesus. Kaya malabong siya ang tinularan ng female star na unang naging ”born again” at saka nang-agaw ng boyfriend. Kung minsan may pagkakahawig ang mga kuwento pero kailangang suriin muna natin ang takbo ng mga …

Read More »

Sharon kay Fanny — This is not the end (Paalam Tita Fanny fake news)

DEPRESSING  at nakaiiyak ang latest update ni Sharon Cuneta sa kaibigang si Fanny Serrano. Sa huling post ni Shawie sa Instagram account, naka-life support na si Fanny. “HINDI KO NA KAYA. Tita Fanny is now on life support…meaning, without all the machines connected to him,” bahagi ng post ni Sharon kalakip ang litrato na inaayos ni Tita Fanny ang buhok niya. Nakadudurog ng puso ang sumunod …

Read More »

Tambalang Ruru at Shaira aprobado sa netizens

UMANI ng positive feedback mula sa netizens at viewers ang unang episode ng ikalawang season ng I Can See You na On My Way To You na nagsimula noong Lunes. Tampok sa mini-series ang Kapuso stars na sina Ruru Madrid, Shaira Diaz, Gil Cuerva, Arra San Agustin, Ashley Rivera, Malou de Guzman, at Richard Yap. Kuwento ito ng isang viral runaway bride na makikilala ang …

Read More »

Buboy Villar gaganap na Betong Sumaya sa MPK

MULApagkabata ay pangarap na ni Betong ang maging isang sikat na matinee idol at leading man sa pelikula at telebisyon. Kahit suportado siya ng kanyang pamilya, alam ni Betong na hindi siya magandang lalaki kaya imposibleng maabot niya ang kanyang pangarap. Bukod dito, iniiisip niya na mahihirapan siyang magtagumpay sa buhay dahil mahirap lamang ang kanilang pamilya. Bigo pa siya sa pag-ibig, …

Read More »

Teejay handang makipaghalikan kay Sean

EXCITED na si Teejay Marquez sa gagawing pelikula sa Heaven’s Best Entertainment ni Harlene Bautista, ang pelikulang Ang Huling Baklang Berhen sa Balat ng Lupa na ididirehe ni Joel Lamangan. Second choice lang si Teejay pero hindi iyon problema sa actor dahil ang mahalaga sa kanya napunta ang project. Si Christian Bables ang original choice para sa karakter na gagampanan na ni Teejay kaya lang hindi natuloy ang …

Read More »

Sylvia Best Actress nominee sa EDDYS at Star Awards

PAREHONG nominado for Best Actress category sa The EDDYS at 36th Star Awards for Movies si Sylvia Sanchez para sa mahusay niyang pagganap sa Coming Home at Jesusa. Masaya si Sylvia sa mga nominasyong nakuha sa pagkilala sa kanyang kakayahan bilang actress . Ang The EDDYS ng Society of Philippine Entertainment Editors o SPEEd ay gaganapin sa April 4 via virtual na makakalaban ni Sylvia sa katergoryang Best Actress sina Charlie Dizon (Fan Girl), Coleen Garcia (Mia), Bela Padilla (On Vodka, …

Read More »

Lovely wagi ang career at negosyo

Lovely Abella

MASUWERTEsi Lovely Abella, dating star dancer ng Wowowin ni Willie Revillame noon. Marami na kasi siyang nagagampanang TV show sa Kapuso. Tampok din si Lovely sa Magkaagaw. Malimit din siyang mapanood sa Bubble Gang. Magaling na artista si Lovely, mana siya sa kanyang father na dating action star, si Ariel Araullo ng Escolta Boys. Marami ring nasalihang movie si Ariel noon. May negosyo si Lovely sa online at kasalukuyang humahataw. (VIR …

Read More »

Iyo Canlas bubulaga sa isang children show

KUNG igu-Google mo ang ngalang Iyo Canlas, agad na bubulaga sa pahina nito ang sinapit niyang car accident noong 2016. Na kung titingnan mo ang larawan ng sasakyan niyang pumailalim sa isang 18-wheeler truck, hindi mo aakalain na mabubuhay ang star player at isa sa top athlete ng bansa sa larangan ng Tennis. Maingay ang pangalan niya sa UAAP(University Athletic Association of the …

Read More »

Liza nagdurugo ang puso parasa mahihirap

Liza Soberano

NAG-TWEET si Liza Soberano ng pagkaawa niya sa mga mahihirap na apektado na naman ngayon ng ipinatutupad ng gobyerno na General Community Quarantine sa Metro Manila at mga kalapit-probinsiya nito. Maraming Filipino ang apektado muli ang kabuhayan dahil sa mga restriksiyon bilang pagpapatupad ng safety protocols. Tweet ni Liza, ”My heart bleeds for all the people who cannot afford not to go out …

Read More »