Thursday , December 19 2024

Ronnie Carrasco III

Jake matapos isumpa ng Lola, kinakampihan na ngayon

KUNG dati’y kaaway ni Jake Zyrus ang kanyang Lola Tess nang finally ay mag-out na ng kanyang kasarian, ngayon ay kakampi na ng international singer ang kanyang grandmother dear na kaaway naman ngayon ng anak nitong si Raquel Pempengco. Kung inalmahan ni Mommy Raquel ang life story ni Jake sa MMK (aniya, mula sa umpisa hanggang matapos ang kuwento ay …

Read More »

Female singer, kailangang naka-bonggang make-up kapag makikipagtalik

blind item woman

MALAKI ang naitulong ng pagbabalik-loob ng isang female singer para tuluyang makalimot sa dati niyang kasama sa buhay. Oo nga’t hindi kagandahan ang singer na ito pero hindi yata makatarungan na kailangan pa niyang maglagay ng katakot-takot na kolorete sa mukha, magmukha lang siyang desirable o kanasa-nasa sa kanilang pagniniig. “Sinabi mo pa!” pagtitiyak ng aming source na noo’y awang-awa …

Read More »

Verni Varga, may Alzheimer’s disease

JULY 2016 nang dapat sana’y espesyal na guest performer ang mahusay na singer na si Verni Vargas sa concert ni Michael Pangilinan, alaga ng kaibigan at kumpareng si Jobert Sucaldito na siya ring producer sa ilalim ng kanyang Front Desk management outfit. Pero bigo ang mga naghintay kay Verni who hardly showed up at Teatrino. Kinabukasan na lang nalaman ni …

Read More »

Emote ni James, ‘di pinalampas ni Tetay

TULAD ng inaasahan, hindi pinalampas ni Kris Aquino ang mga pahayag ni James Yap kaugnay ng nangyayaring setup sa kanila ng anak na si Bimby. Nakunan kasi ng panig ang sikat na cager nang buksan ang bar nito in partnership with Vice Ganda at Daniel Padilla kamakailan. Pareho naming nabasa ang emote ng ex-couple. Pareho naman silang may punto. But …

Read More »

Young actress, tumatakas sa fadir madalaw lang si madir

HINDI pagsuway sa ipinag-uutos ng ama ang katwiran ng isang young actress kung bakit dinadalaw niya ang kanyang inang mayroong ibang kinakasama sa buhay. Mula kasi nang maghiwalay ang kanyang mga magulang (sumama ang madir niya sa dance instructor nito), kabilin-bilinan ng kanyang ama na huwag na huwag nang makikipag-ugnayan sa mudrabels. “Puwede ba naman ‘yon? Kahit bali-baligtarin natin ang …

Read More »

Sikat na aktres, never magiging legal wife

blind item woman man

TIGAS pala sa pagtanggi ang isang non-showbiz wife na ipawalang-bisa ang kasal nila ng isang negosyante, at bakit? Tulad ng alam ng marami, ilang taon na ring nagsasama (minus the church blessing) ang negosyante at ang isang sikat na aktres. Gayunman, kahit pa paulit-ulit nang nakikiusap ang businessman na palayain na siya’t maging legal ang pagsasama nila ng aktres ay …

Read More »

Hunk actor, puwede nang pagtamnan ng kamote ang kukong nanggigitata sa dumi

blind mystery man

AWARE kaya ang hunk actor na ito na paksa siya ng mga manunulat tungkol sa kanyang nanggigitatang mga kuko sa kamay? Hirit ng isa sa kanila na pa-Ingles-Ingles pa, “Will somebody please give that good-looking actor some tips on good grooming?” Sa ilan daw kasing pagkakataon na humaharap sa mga reporter ang matipunong aktor ay unang napapansin ang kanyang mga …

Read More »

Mga picture ng mga anak, ‘wag kaladkarin sa social media

PARANG kapado na namin ang senaryong kinasasangkutan nina Kris Aquino at Michela Cazola na nag-ugat sa isinulat ni Tito Ricky Lo sa kanyang kolum sa Philippine Star nitong mga nagdaang araw. Inilathala kasi ng mahusay at mabait na kolumnista (at entertainment editor ng nasabing broadsheet) ang ‘di pagsipot ni Bimby sa birthday party ng kanyang kapatid (sa amang si James …

Read More »

Suzette Doctolero, na-bash sa pagbatikos sa Nabubulok

DAHIL sa kanyang buong kaprangkahang post sa social media about how “trashy” ng pelikulang Nabubulok, umaani ng maraming batikos si Suzette Doctolero. Kesyo may mas karapat-dapat daw na pelikulang kalahok sa Cinemalaya ay kung bakit ito nakasama. As the very title suggests, nabubulok din ang pagkakagawa nito. Si Suzette na rin mismo ang nag-imbita ng kanyang mga basher, ipinunto ng …

Read More »

KC, tinalbugan sina Marian at Heart; Kilalang brand ng damit, ipinantutulog lang

KUNG bibigyan namin ng malalim na pananaw ang ‘labanan’ nina Marian Rivera at Heart Evangelista na puwedeng masabing walang kawawaang bagay dahil sa ‘patalbugan’ lang naman iyon ng mamahaling gamit, puwede namin silang kainisan kaysa mahalin o kainggitan. Habang nagpapatutsadahan silang dalawa sa mga mamahaling gamit, maraming netizens ang napapailing na lamang dahil kung itutulong nila ito sa mga naghihirap …

Read More »

Lolit, may daily allowance daw kay Kris

CONTINUATION ito ng nauna naming column item tungkol sa aming pagkikita ni Lolit Solis sa ikalawa’t huling araw ng lamay ni (Kuya) Alfie Lorenzo. Bungad namin sa feisty manager, ”O, ‘Nay, parang pumayat ka?” Aniya, mas tumaas daw kasi ang kanyang sugar, bagay na dumagdag din sa insulin shots na tine-take niya for her diabetes. Lampas borderline nga ang kanyang …

Read More »

Beteranang aktres, nanggigising ng mga co-star sa dis-oras ng gabi para makipag-throw lines

INIIWASAN na palang sagutin ng kanyang mga co-star ang tawag ng isangbeteranang aktres lalo’t kung dis-oras ng gabi. At bakit? Ayon sa tsika, magugulat na lang daw ang mga co-star niya sa palaging bungad nito sa kanila sa telepono, ”Anak, hindi kasi ako makatulog, eh. Mag-throw lines tayo para ‘pag taping naMnatin bukas, eh, memoryado na natin ang mga linya …

Read More »

Young actress, wa knowing sa pagsa-sideline ni BF sa bading

blind item woman man

SADYANG mahina lang ba ang radar ng isang young actress kung kaya’t hindi niya natunugan ang kataksilan ng kanyang boyfriend? Bale ba, hindi girlalu ang karibal niya kundi isang rich beki! “Sinabi mo pa, ‘Day!” pagkukompirma ng aming source. Ang siste, walang kamalay-malay ang aktres na ang kahati pala niya sa puso ng kanyang dyowa ay isang bading. “Madatung kasi …

Read More »

Publicist cum manager, tinalakan ang isang TV station nang ‘di isinama ang alagang actor sa pagbabalita

GALIT na kinuwestiyon ng isang publicist cum manager ang management ng isang TV network makaraang binalewala nito ang exposure ng kanyang alagang aktor. Ang siste, kabilang ang kanyang artista sa talaan ng sanrekwang mga bituin na itinampok ng isang glossy magazine. Bagamat may mga nakunan naman sa event ay hindi naman ito ipinalabas ng estasyon, bagay na inalmahan ng manager. …

Read More »

Aktres, walang galang sa beteranang katrabaho

blind item woman

DESMAYADO ang mga taong napaghingahan ng sama ng loob ng isang talent manager patungkol sa kanyang alagang aktres. Kuwento ng manager sa kanyang mga kapwa rin namamahala ng career ng mga artista, ”Nagulat na lang ako noong tinawagan niya ‘ko one time. Binibitiwan na raw niya ‘ko as her manager dahil sayang lang ‘yung ibinibigay niyang 10% commission sa akin. …

Read More »

Indie film actress, ‘di mabubuhay ng walang hawak na salamin

blind item woman

BANIDOSA nga lang kaya ang mahusay na indie film actress na ito? Ang kuwento, bago pala siya isalang para sa shooting ng ginagawa niyang pelikula, naging habit na niyang magbaon ng maraming salamin sa mukha na nakapalibot sa kanya. “Nagti-trip yata ang hitad! Imagine, kakausapin siya kunwari ng co-star niya, ‘Day, hindi niya ‘yon kakausapin ng nakaharap. Ang kinakausap niya, …

Read More »

Magaling na singer, feeling superstar pa rin

FEELING pa rin pala ng female singer na ito’y nasa rurok pa siya ng katanyagan. In fairness, dekada 80 hanggang 90 ay talaga namang nag-uumapaw ang kanyang kasikatan. Ang hindi lang napagtanto ng hitad, weder-weder lang ang buhay. Hindi porke’t sikat siya noon ay panghabambuhay na niyang panghahawakan ang magandang kapalaran na ‘yon. Natatawang kuwento ito ng kanyang mga kapwa …

Read More »

Aktres, bangungot kapag sinisingil na

blind item woman

BANGUNGOT kung ituring ng isang travel agency ang makatransaksiyon angaktres na ito. Sukat ba naman kasing pagkarami-raming ticket kung bumili papunta sa kung saan-saan, utang naman! “Hay, naku, ‘kalurky talaga ang aktres na ‘yon na kung magpa-book ng kanyang flight, eh, bitbit yata ang buong barangay! Imagine, nasa 30 katao ang kasama niya sa tuwing magpapa-book siya ng flight. Siyempre, …

Read More »

OFW show ni Mrs. Dantes, ginawa ng fantaserye

SA kabila ng ginastusan nang paunang promo blitz, ang dapat sana’y bagong TV assignment ni Mrs. Dantes na tumatalakay sa buhay ng mga OFW ay ginawa ng isang fantaserye. Tsk, tsk, mukhang hindi talaga ”itinadhana” para sa kanya ang OFW-inspired show. Eh, kasi naman, pinaiingay pa lang ang nasabing proyekto like someone greeting the world, ”Hi, tadhana!” ay nagmistula na …

Read More »

Rebelasyon ng tagapagtanggol ng umano’y biktima ni Belleza, maraming loopholes

ISANDAAN at dalawampung libong piso ang inilagak na piyansa ng Tawag ng Tanghalan champion na si Noven Belleza sa kanyang pansamantalang paglaya kaugnay ng kasong sexual assault na isinampa laban sa kanya ng isang babaeng taga-Cebu. Pero nagtataka kami sa mga samo’tsaring reaksiyon sa social media. Sa halip kasi na umani ng pambabatikos si Noven sa umano’y krimeng kanyang ginawa …

Read More »

Aktres tsinugi, pinintasan kasi ang ineendosong produkto

KAPANSIN-PANSIN na kakaunti na lang ang mga produktong ineendoso ng isang aktres. No wonder, pinairal pala ng hitad ang kanyang kamalditahan nang hindi na ini-renew ng isang kompanya ng developer ang kanyang kontrata. Next thing was, tinanggal na ang kanyang billboard at ibang artista na ang endorser nito. At bakit? Sukat ba naman kasing pintas-pintasan ng hitad ang dalawang condo …

Read More »