James at Nadine, itinangging gimik lang ang kanilang relasyon
Nonie Nicasio
April 27, 2016
Showbiz
KAPWA pinabulaanan nina James Reid at Nadine Samonte ang intrigang gimik lang ang kanilang relasyon at hindi talaga sila magdyowa. Para kina James at Nadine, alam nila ang totoo at ayaw nilang magpa-apekto sa mga negative na sinasabi ng ilan.
“It doesn’t really matter whether or not they believe me, as long as we are happy they can be bitter,” saad ng aktor.
”Well, kung ayaw naman nilang maniwala, it’s up to them. Basta ang importante po, me and James, we know what’s real and we know the truth. That’s what’s important,” pahayag naman ni Nadine.
Natatawang dagdag pa niya, “Kami naman po alam naman namin ang totoo, so kung ayaw nila maniwala, loss na nila iyon. Bahala sila.”
Tinawanan lang din ni James ang isyu na nagkakalabuan o nagkatampuhan sila ni Nadine. Si Nadine naman ay nagpahayag ng kanyang lubos na tiwala kay James, kahit na iniintrigang pabling ito at nili-link sa ibang mga babae.
Samantala, nakatakdang ipalabas ang pelikula ng dalawa sa darating na May 4. Ito’y pinamagatangThis Time ng Viva Films at mula sa direksiyon ni Nuel Naval.
Nagkuwento rin si Nadine tungkol sa kanyang papel sa naturang pelikula.
“Ako po rito si Ava. Fine Arts student po ako, ito kasing love story ni Coby (James Reid) at Ava, nagkikita lang po sila tuwing summer.”
Dagdag pa ni Nadine, “Kasi medyo bata pa sila actually, kaya parang they could say na magkababata silang dalawa. Iyon nga, as the years go by, talagang tuwing summer lang sila nagkikita.
“Ito talaga ay kilig, summer lang kasi, they’re releasing nga on summer.”
Manny Pacquiao, humataw sa latest senatorial survey
GUMANDA ang puwesto ng Pambansang Kamao na si Manny Pacquiao sa latest Business World-SWS pre-election survey. Dito ay umakyat si Pacman sa ikatlong puwesto sa listahan ng mga tumatakbong senador ng bansa.
Bago ito, si Pacman ay nasa fifth to seventh spot sa naunang survey.
Tila naka-recover na si Pacquiao sa hindi magandang epekto ng komento niya ukol sa same sex marriage na nasaling niya ang mga miyembro ng LGBT community.
Nag-sorry naman si Pacman sa naturang insidente.
Anyway, isa kami sa umaasa na mananalo si Pacman sa darating na eleksiyon. Para sa amin kasi, ang kanyang pagiging laki sa hirap noon ay malaking bagay para matugunan ang mga pangangailangan ng mga mahirap.
Kumbaga, naiintindihan ni Manny ang likaw ng bituka ng mahihirap, kaya mas mabibigyan niya ito ng tunay na solusyon. Hindi tulad ng mga politikong trapo na hanggang papogi lang ang alam gawin at hindi tunay na solusyon sa problema ng mahihirap.
Sana lang ay gumanda ang attendance ni Pacman kapag senador na siya.
Umaasa rin kami na ang sagupaan nila ni Timothy Bradley ay hindi pa ang huling pag-akyat sa ring ng Pambansang Kamao. Sana, lumaban pa si Pacman kahit dalawang beses pa bago siya tuluyang magretiro.
Nang sa gayon, pagkatapos ng huling kabanata ng kanyang makulay na boxing career, makapag-focus na siya talaga nang husto sa pagiging Pambansang Public Servant ng Pilipinas!