Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Visayas, Region 8 candidates suportado sina Bongbong at Romualdez

KABILANG ang Visayas at Region 8 sa magdadala nang malaking boto kina vice presidential candidate Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at senatorial candidate Martin Romualdez.

Ito ay makaraan isa-isang magtalunan at magbaliktaran ang mga kandidato ng Liberal Party (LP), at Nationalist People Coalition (NPC) para sa kandidatura nina Marcos at Romualdez.

Kabilang sa mga naunang nagpakita ng kanilang suporta at pag-endoso  sa kandidatura ng dalawa ang pamilya Mercado ng Maasim City at Southern Leyte governatorial candidate, ang mag-asawang sina Mayor Richard Gomez at Rep. Lucy Torres ng Ormoc City,  LP Eastern Samar re-electionist Conrado Nicart at ma-ging ang kalaban niyang tumatakbong gobernador na si dating Bureau of Immigration (BI) Commissioner Marcelino Libanan, at LP re-electionist Borongan Mayor Ma. Fe Abunda, kapatid ng TVC host na si Boy Abunda.   

Bukod sa ipinakitang suporta ng pamilya Romualdez sa kandidatura nina Marcos at Romualdez, personal din silang ikinampanya ng dating Unang Ginang  Imelda Marcos na hanggang sa kasalukuyan ay kitang-kita ang Imelda power na inaasahang magdadala ng boto na ikapapanalo ng anak at pamangkin.

Naniniwala ang mga kandidato at mamamayan ng Visayas at Region 8 na hindi nila ka-yang pabayaan ng kanilang kababayang Visaya at Waray.

Bukod dito, tiniyak din nila ang kanilang pagsuporta sa kandidatura ni Martin Romualdez bilang senador.

Halos 60 taon nang walang kinatawan sa Senado ang Region 8 at mga waray at Visaya kaya’t ito na ang tamang panahon, anila.

Naniniwala si Romualdez, sa kabila ng resulta ng pinakahuling survey ay mananalo siya at makapapasok sa ma-gic 12 ng mga mahahalal na senador sa sandaling lumabas ang resulta ng halalan kabilang na ang boto ng mga mamama-yan ng Region 8.

Habang tiniyak ni Romualdez, kung paa-nong hindi niya pinabayaan ang Tacloban at Leyte noong panahon ng Yolanda at ang Eastern  Samar na hinagupit din ng bagyo ay ganoon din ang kanyang gagawin sa lahat ng mamamama-yan ng Region 8 at sa buong Filipinas sakaling siya ay mahalal.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Niño Aclan

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

Porac Pampanga

Porac, Pampanga Mayor Capil sumuko nagpiyansa ng P.63-M para sa kasong graft

SUMUKO si Porac, Pampanga Mayor Jaime Capil nitong Martes, 2 Disyembre, sa Pasig City RTC …