MATAPOS humataw nang husto ni Marion sa kaliwa’t kanang shows dito sa bansa at sa abroad, patuloy pa rin ang talented na singer/composer sa pag-arangkada sa mundo ng music.
Last Saturday, si Marion ang kumanta ng ating national anthem sa sagupaan nina Nonito Donaire at Zsolt Bedak na ginanap sa Cebu City Sports Complex. Dito’y maraming pumuri sa maayos na pagkakakanta ni Marion ng Lupang Hinirang. Third time na pala ni Marion na kumanta ng ating national anthem, ang isa ay sa awards night at ang isa ay sa boxing match din.
Considering na Inglisera si Marion dahil graduate ng Ateneo ang anak na ito ni Ms. Maribel Aunor, talagang maganda ang rendition niya ng Lupang Hinirang last Saturday.
Anyway, bukod sa Donaire-Bedak fight, si Marion ay nag-perform din sa Green Thumb event na ginanap recently sa QC Memorial Circle. Sa April 30 naman ay balik-QC Memorial Circle si Marion bilang guest sa show ng mainit na tandem nina James Reid at Nadine Lustre.
Dapat ding abangan ang kanyang music video titled Unbound. Kasama rito ni Marion si Alex Gonzaga at balita namin ay ibang Marion ang makikita ng kanyang fans sa magaling na singer/composer.
Ang second album ni Marion ay available na rin ngayon sa mga music bars at sa mga music lover, isa ang self-titled album niyang ito mula Star Music ang hindi ninyo dapat palagpasin.
Sa nangyayari ngayon sa career ni Marion, talagang patuloy ang paghataw at pagniningning ng bituin ng singer/aktres na binansagan naming Theme Song Princess.
ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio