Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

LA Santos, guwaping at talented na singer!

BUKOD sa talented, guwapings ang newcomer na si LA Santos kaya malaki ang future niya sa larangan ng musika. Hindi pa nagkaka-girlfriend si LA dahil nakatutok siya sa kanyang singing career at pag-aaral sa UST.

Tinaguriang The Boy Next Door, si LA ay naging bahagi na ng maraming concerts, kabilang dito ang pagiging front acts niya sa mga world renowned group tulad ng The Stylistics at Air Supply na ginanap sa Solaire Resort and Casino. Si LA rin dapat ang front act sa na-cancel na concert sa bansa ni Tom Jones recently.

Nag-concert na rin siya sa Music Museum at kamakailan ay full-packed ang kanyang show sa Batangas.

Nakatakda siyang maglabas ng album sa May o June. Magkakaroon ito ng 10 cuts at seven dito ay original songs. Bukod kay Joel Mendoza, si LA ay may sariling komposisyon din sa album na ito na ang title ay My Hero. Kabilang naman sa covers ang When I Was Your Man ni Bruno Mars, Hanggang Kailan ni Angeline Quinto at Forever is Not Enough na duet sa kanyang younger sister.

Sino ang favorite singers mo? “Sina Bruno Mars at Michael Jackson ang idol ko pong singers. Kasi, sila yung mga tumatak talaga sa mga tao at hindi lang yung pa-cute.

“Sa local po, bata pa lang ako ay favorite ko na sina Bamboo at Parokya ni Edgar. Sila kasi yung mga singer na alive kapag nagpe-perform,” esplika ni LA.

Sa darating na Martes, April 19, 8 pm, isa si LA sa main act sa show na pinamagatang Voices & Strings na gaganapin sa Music Box. Kasama niya rito sina Tori Garcia at Mavi Lozano. Guest din dito ang mga talented na kabataang sina Erika Mae Salas, Josh Yape, at Lara Lisondra. Special guest naman si Martin Escudero.

Ang Voices & Strings ay mula sa direksiyon ni katotong Throy Catan. Kabilang sa sponsors dito ang Mesa Restaurant, Tomas Morato, Golden Legacy Jobmovers Corp., Above Aesthetics, Fernando’s Bakery by Ms. Pinky Fernando, Karaoke Republic, Fragranza, at iba pa.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …