Saturday , January 31 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Riyadh Teenstar Lara Lisondra, guest sa Voices & Strings sa Music Box

00 Alam mo na NonieFRESH from Saudi Arabia, sasabak na agad si Lara Lisondra bilang guest sa show na Voices & Strings na gaganapin sa Music Box sa April 19, 8 pm.. Tinatampukan ito nina LA Santos, Tori Garcia, at Mavi Lozano.

Bukod kay Lara, guest din dito ang mga talented na kabataang sina Erika Mae Salas at Josh Yape. Special guest naman dito si Martin Escudero. Ito ay mula sa direksiyon ni katotong Throy Catan.

Nakagawa na ng album si Lara sa Saudi Arabia na pinamagatang Simply Lara. Ito ang rason kaya siya binansagang Riyadh Teenstar. Ang album ay may limang cuts. Ang carrier single na Di Na Kakayanin Pa, Kung Di Ako Mahal at Suklamahal na pawang original composition ng manager niyang si Gene T. Juanich. Dalawa naman ang covers dito, ang Dance with My Father at The Best Day.

Anong inaasahan mo sa pagpunta sa Pilipinas?

“Sa career ko po, sana mas marami pong opportunities na dumating, especially po sa singing,” nakangiting saad ni Lara na nakatakdang sumabak sa acting workshop kay Ogie Diaz ngayong buwan ng April.

Kaya mo bang pagsabayin ang singing at ang iyong pag-aaral?

“Kakayanin po, kasi hilig ko po talaga ang singing.”

Sinong idol mong singer and why?

Sagot ng dalagita, “Sina Sarah Geronimo po at Yeng Constantino.Kasi po parang noong bata pa lang po, ako super idol ko na po talaga si Sarah. Si Yeng naman po, kasi po iyong mga kanta niya ay magaganda po at pareho silang magagaling.”

Si Lara ay pangatlo sa apat na magkakapatid sa mga magulang na sina Wilfredo at Melva Lisondra. Si Lara ay16 years old pa lamang at katatapos lang ng Grade 10 sa Al Danah International School, Riyadh, Saudi Arabia kung saan siya ipinanganak. Grade 11 na siya sa pasukan at balak niyang sa UST mag-aral.

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Fifth Solomon Joseph Marco Rhen Esçan̈o

Direk Fifth aarte muli basta maganda ang proyekto  

MATABILni John Fontanilla HANDA pa ring umarte sa mga teleserye o pelikula  si direk Fifth Solomon. Matagal-tagal …

Alden Richards Nadine Lustre

Alden excited makatrabaho si Nadine 

MATABILni John Fontanilla MASAYA si Alden Richards na makakatrabaho si Nadine Lustre. Anang actor, isa si Nadine sa …

Vic del Rosario Ricky del Rosario

Kapatid ni Boss Vic na si Ricky ngayong araw ang libing

I-FLEXni Jun Nardo PUMANAW na ang nakababatang kapatid ni Boss Vic del Rosario ng Viva Group of Companies na …

Rhian Ramos Michelle Dee Baro Alyas Totoy

Michelle nasa Iloilo nang maganap ‘pag-torture’ sa driver, Kampo  ni Rhian iginiit walang illegal detention

I-FLEXni Jun Nardo MAAGAP na naglabas ng panig ang legal counsel nina Rhian Ramos at Michelle Dee sa umano’y …

Claudine Barretto Inday Barretto

Ina ni Claudine na si Mommy Inday pumanaw sa edad 89

PUMANAW na ang ina nina Gretchen, Marjorie, at Claudine Barretto na si Estrella Barretto, o mas kilala bilang Mommy Inday, …