MATAPOS ang mahabang panahong paghihintay, finally pinarangalan na ang mga bagong national artists ng Pilipinas. Finally matatanggap na nila hindi lamang ang karangalan kundi ang commitment ng pamahalaan na tutulungan sila para isulong ang mas marami pang proyekto para sa sining na kanilang susuportahan.
Pero kagaya nga ng maliwanag hindi kasali roon si Nora Aunor, na siyang sinasabing nakakuha ng pinakamaraming boto mula sa CCP at NCCA na siyang mga recommending bodies para sa national artist. Pero anumang rekomendasyon, pirma kasi ng presidente ang kailangan at mukhang ayaw nga ni PNoy kay Aunor. Wala nang magagawa ang kahit na sino kung ayaw niya.
Kailangang maghintay si Aunor kung sino ang susunod na presidente baka sakaling ideklara rin siyang national artist, pero ngayon openly sinasabi niyang ang kanyang sinusuportahan ay si Grace Poe. Malamang iyan kung hindi si Poe ang manalo, silat na naman ang pagiging national artist ni Aunor.
Aba kung talagang marami pang fans si Nora, dapat silang kumilos na. Magbuo sila ng isang grand rally sa Luneta halimbawa.
HATAWAN – Ed de Leon