Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Direk Cathy Gracia Molina, pinuri si Jennylyn Mercado

00 Alam mo na NonieIPINAHAYAG ni Direk Cathy-Garcia Molina na ayaw niyang makaramdam ng pressure ang mga artista niya sa pelikulang Just the 3 of Us na tinatampukan nina John Lloyd Cruz at Jennylyn Mercado.

“Kami ni Lloydie ayaw namin ng ganon eh, ayaw naming gumawa ng pelikula na there is a pressure on your head na kailangan i-topple mo ang past film mo. Kasi, unang-una you cannot please everybody. Pangalawa kanya-kanyang sensibilidad eh, di ba?

“Parang dalawang kare-kare lang iyon, magkaiba ang flavor so hindi pwedeng blockbuster pareho. Iyong isa mas gusto ng iba di ba? Ganon lang siya, so kami ayaw talaga namin sumalang sa isang project knowing na kailangan tapatan natin ito kasi ‘yung nararamdaman, unfair for everybody especially for Jennylyn.

“Ang aming responsibilidad ay gawing maganda ang pelikulang ito whether it’s going to be better or any lesser.”

Sinabi rin ni Direk Cathy na magaling at mabait katrabaho si Jennylyn.

“Kasi iyong friendship namin ni Lloydie goes way back, siya dumating bago eh, so alam ko naiilang. So, sana naging okay kami sa paningin ni Jennylyn kung paano namin siya winelcome at gawing parte ng pelikulang ito pero bilang artista wala akong masasabi sa kanya.

“Ganoon naman on most katrabaho ko sa ABS naman kasi mababait ang mga artista at magagaling and Jennylyn is one of them.”

Ayon pa sa box office direktor, walang kaso kung iba ng TV network si Jen.

“May extra effort naman ang staff at kami ni Lloydie (John Lloyd Cruz) para mag-reach out to her to make her feel na she is welcome here. Dito naman sa atin walang Kapamilya, walang ano, di ba artista ka namin pareho-pareho lang tayo.”

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …