Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

91.5 Win Radio singing talent search, malapit na!

GAGANAPIN sa ikatlong taon ang grand finals ng WIN BIG Singing Talent Search ng 91.5 Win Radio sa April 15, 7PM sa Music Museum, Greenhills, San Juan.

Ang mahalagang event na ito ay inaabangan ng listerners ng WIN sa buong bansa, pati na ng mga recording companies na nagnanais na makadiskubre na mga bago at magagaling na ta-lent sa larangan ng pag-awit.

Pitong contestants ang magtutunggali sa isa’t isa para tanghaling Grand Champion sa taong ito. Ang ilan sa past winners nito ay sina Paulette Cambronero at Kristine Joy Laquinario.

Ang mga premyo rito ay ang mga sumusunod: Magkakamit ang Grand Prize ng P100,000 plus recording contract sa Ivory Music and Video. Para naman sa 1st Runner Up, tatanggap ito ng P50,000 at sa 3rd Runner Up, makakakuha ito ng P30,000. Lahat ay magkakamit din ng kanilang respective trophies.

Kabilang sa guest performers sina JK Labajo, Jireh Lim, Aicelle Santos at ang first-ever WBSTS Grand Champion na si Paullette Cambronero.

Ang lahat ng Win DJ’s ay magiging bahagi ng malaking event na ito upang i-welcome ang 2016 grand champion. Kabilang sa mga DJ’s na ito sina Rhiko Mambo, Justin Kiss, Ligaya, Tess Mosa, Maco Bibo, at Kuya Jay Machete.

Ang Win CEO na si Mr. Atom Henares at ang COO na si Mr. Manny Luzon ay nasa naturang okasyon din.

Ang mga manonood ay may tsansang manalo ng premyo kabilang ang cash prize sa raffle ng tickets. Kaya see you there mga Kabarkada!

ALAM MO NA! – Nonie V. Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …